Ayun na nga. Binababantayan na kami ni Greg ngayon. Dito na nga siya sa bahay natutulog pero sa sofa. Ang sabi ko nga sa kanya na sa guest room siya matulog pero ayaw. He insist daw. Psh.
"Greg, kain ka na muna." Nilapag ko sa mesa ang pagkain. Biglang may nag-doorbell kaya agad ko binuksan.
"Musta, Alex?"
"Ayos lang. Pasok ka." Pumasok na si Yza sa loob pero napatingin siya kay Greg.
"Anong ginagawa niya rito?" Bulong ng kaibigan ko sa akin. Wala kasing ideya si Greg na may gusto itong kaibigan ko sa kanya. Ako at si Zach lang may alam.
"Binabantayan kami kasi ang sabi ni Zach alam ng mga kaaway niya ang tungkol sa amin."
"Naku po! Talaga ngang kailangan mo ng protection."
"Don't worry, ladies. It's my job to protect who important to Zach." Sabi ni Greg. Ngumiti na lang ako sa kanya. Mabait naman ito si Greg saka gentleman.
Pumunta kami ni Yza sa kusina para doon magusap. Ang tagal na rin ang huli namin paguusap na dalawa.
"Musta naman kayo ni Zachary?"
"Ayos lang naman kaming dalawa. Minsan bumibisita siya dito."
"Buti na lang pumayag ka bisitahin niya si Lucas."
"Siyempre. Siya pa rin ang ama ni Lucas kahit anong gawin natin. At may karapatan naman siya sa bata kahit hindi kami kasal." Kinuha ko si Lucas sa high chair dahil nagwawala na. "Ikaw?"
"Anong ako?"
"Wala ka bang balak sabihin sa kanya?" I don't want to mention his name. Baka marinig lang niya.
"W-Wala akong balak. Baka ma-heart broken lang ako."
"Ano ba magustuhan mo sa kanya?"
"Marami. May sense of humor. Palagi niya ako pinapatawa sa tuwing nagkikita kaming dalawa." With matching kilig pa. Teenager lang?
Sang-ayon naman sa sinabi niya. May humor talaga si Greg. No doubt it.
----
"Alexis." Tawag sa akin ni Greg. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Um, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo. Ano kasi..." Napakamot ng ulo si Greg. Kumunot naman ang noo sa kanya. Ano ba ang gusto niyang sabihin?
Napatingin kami ni Yza sa isa't isa.
"Ano ba yun, Greg?" Tanong ni Yza. Naiinis na kasi ang boses niya.
"Nakatanggap ako ng text galing kay Dex at ang sabi nasa ospital daw si Zach." Sabi nito. Napabilog ang mga mata ko sa aking narinig.
"A-Anong nangyari kay Zach? Wag naman sana comatose ulit." Maiyak iyak kong sabi.
"Alex, puntahan mo na siya. Ako na muna bahala kay Lucas habang wala ka pa."
"S-Salamat, Yza." Binaling ko naman ang tiningin kay Greg. "Magpapalit lang ako ng damit. Hintayin mo lang ako dito."
Nagmamadali akong umakyat sa itaas patungo sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos ko magpalit ay umalis na kami ni Greg papuntang ospital.
"A-Ayos lang ba si Zach?"
"Kilala mo naman yun, 'diba? Ilang beses nabaril pero buhay pa rin."
Napansin ko parang iba ang direksyon na pinupupuntahan namin.
"Iba ang direksyon pinupunta mo, Greg."
"Shortcut ito para makarating na agad tayo doon."
Ilang oras na rin siguro pero naguguluhan ako dahil sa isang restaurant ako dinala.
"Greg naman! Wala akong oras dito. Kailangan kong puntahan si Zach."
"Pumasok ka na lang kaya sa loob." Tinulak niya ako papasok sa loob ng restaurant.
Pagkapasok ko sa loob ng restaurant ay nakita ko sina Hunter at Dexter. Ano meron? Bakit sila nakangiti ngayon. Weird. Nasa panganib na nga ako ng buhay ng boss nila, eh.
"Hi, Alexis. Follow me." Naglakad na si Dexter kaya sinundan ko siya. May isang room kaming pinuntahan na walang tao. "We're here. Someone is waiting for you inside of this room."
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ko. May nakita akong isang lalaki nakatalikod sa akin pero humarap naman ito agad.
"Z-Zach?" Sabay takbo ko papunta sa kanya at niyakap siya. "I'm so worried noong sinabi ni Greg nasa ospital ka daw."
"Talagang si Greg. I'm totally fine, Alex." Sabi nito. Tumingala ako pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. "Stop crying, babe."
"Sigurado ka bang okay ka lang? Wala bang masakit?"
"Yes, I'm fine." Ngumiti siya sa akin. Ang gwapo niya talaga.
"Ano pala ginagawa natin dito sa Harvey's restaurant?"
"Date...?" Parang hindi siya sigurado sa sagot niya. "Hindi kasi natuloy ang date natin noon kaya ngayon natin ituloy."
Ang sweet naman ni Zach.
"I want this more memorable since it's our first date." Dagdag pa nito.
Pinaupo na niya ako habang nakaupo siya sa harapan ko. Tumitingin lang ako ng pagkain sa menu. Kaya lang ang mahal.
"Um, Zach."
"Don't worry about the price. Pumili ka na lang kung ano ang gusto mong kainin."
Pagkatapos namin kumain ay tumingin ako sa tanawin. Ang ganda kasi ng tanawin paggabi.
"Alex." Tumingin naman ako kay Zach noong tinawag niya ako. Nakita ko siya nakaluhod.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan."
"I know you don't like me as your boyfriend or husband pero nagawa mo pa rin mahalin ang gaya ko." May nilabas siyang maliit na kahon kulay velvet at binuksan niya ito. Napatakip ako ng bibig ng makita ang laman. Isang diamond ring. "Will you marry me?"
Tumango ako habang tuloy pa rin ang pagluha ko.
"Y-Yes." Tumayo na siya para maisuot sa daliri ko ang singsing. Niyakap niya rin ako pagkatapos.
"I can't give you a perfect life but I can give you a happy family. Thank you, babe. I love you."
"I love you too.."
This is the most memorable moment. Ginawa nga niya talaga ang sinabi ko sa kanya noon. Sa totoo lang kinilig ako sa proposal niya. Even thou, he is not my boyfriend before.
"Ginawa mo talaga yung sinabi ko sayo."
"Of course." Proud pa talaga siya dahil nakuha na niya yung matamis kong oo. "I will do anything for my queen."
"Aww.. So sweet, Zach. Ang gusto ko lang naman bigyan ng isang pamilya si Lucas."
"Wag ka magalala matutupad rin iyan. Soon you will be my wife." Nilagay niya ang mga braso ko sa leeg niya. "I love you so much."
"I love you too."
"Nasaan pala si Lucas?"
"Nasa bahay siya kasama ni Yza. Noong sinabi kasi ni Greg nasa ospital ka kaya iniwanan ko na lang si Lucas."
"Wala naman talaga nangyari sa akin. Planado ang lahat na yun. I know you're still mad at me." Hinampas ko siya sa dibdib.
~~~~
Kasalanan na!
Vote and comment
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...