Alex's POV
Ilang araw rin noong bumalik ako ng Pilipinas kasama si Lucas. Hindi alam ng mga magulang ko na sumunod na ako sa kanila. Ang sabi nila sa akin noon sumama ako sa kanila pero hindi ako pumayag dahil iiwanan ko si Zach. Sinabi ni mama sa akin na sumunod na lang daw ako kung nagbago na ang isip ko.
Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Wala pa rin pinagbago ito. Sabagay wala naman nakatira rito. Hawak ko ang isang kamay ni Lucas bago magdoorbell.
"Alex?! Anak.." Sabay yakap sa akin ni mama. Miss ko na talaga sila. Tumingin siya kay Lucas. "Siya na ba ang apo ko?"
Hindi pa pala nakikita nila mama si Lucas. Bago ako manganak noon kay Lucas ay pumunta na sila ng Pilipinas.
"Yes po, ma." Nakangiting saad ko. Tumingin ako kay Lucas. "Lucas, say hi to lola."
"Hi." Kinaway niya gamit ang libre niyang kamay.
"Ang cute cute naman ng apo ko." Pinisil ni mama ang pisngi ni Lucas. Cute naman si Lucas. "Pero kamukha niya ang kanyang ama."
Bigla akong nalungkot. Miss ko na rin si Zach. Sobrang miss ko na siya. Hindi ko alam kung susunod siya sa akin. Baka nga hindi na. He left me once.
"Nasaan pala si Zach?" Tanong ni mama sa akin. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya.
"Busy po siya ngayon."
"Pupunta rin ba siya dito?"
"Hindi ko po alam, ma. Sobrang busy si Zach sa trabaho niya tapos sa mafia rin."
May garden kami rito kaya dinala ko doon si Lucas. May paru-paro lumipad sa harapan niya kaya hinabol niya iyon.
"Mama, butterfly!" Masayang hinahabol ni Lucas ang paru-paro.
"Yes, baby.." Sabi ko. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno habang binabantayan siya.
Nakita ko na lang lumapit sa akin si Lucas sabay upo sa binti ko. Sinusuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.
"Mama, I missed papa.." Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok niya.
"Me too, baby." Malungkot kong sabi.
"I wish papa is here. I want to play more with him." Niyakap ko si Lucas habang nakatalikod ito sa akin. Gusto kong umiyak pero nilalaksan ko lang ang loob ko.
Pinaliguan ko na si Lucas pagkatapos niyang maglaro. Nanood na kami ng TV noong may nagbukas sa main door. Nandito na yata si papa.
"I'm home." Sabi na nga ba nandito na si papa. Mukhang nakita kami ni papa. "Oh. Kailan ka pa bumalik, Alex?"
"Kanina lang po, pa."
"Siya na ba ang anak mo?" Tumango ako sa katanungan ni papa. "Kamukha niya si Zachary."
Hindi na ako umimik. Tumabi sa tabi ko si papa.
"May problema ba?"
"Ayos lang po ako, pa."
"Ama mo ko, Alex. Kaya sabihin mo na sa akin ang problema mo." Sabi ni papa. Gusto ko na talagang umiyak. "Tungkol ba sa kanya?"
"Hindi ko po alam, pa. Tatlong buwan po kami iniwan ni Zach tapos ngayon nalaman kong buntis po ulit ako."
"What?!" Pati si Lucas napatingin sa lolo niya. "Buntis ka? Alex naman. Hindi pa nga kayo kasal na dalawa buntis ka na naman."
"Sorry po, pa."
"Wala na ko magagawa diyan dahil nandiyan na yung bata. Alam ba niya?"
"Alam niya na buntis po ako."
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...