Chapter 24

13.4K 360 6
                                    

Inaasikaso na lahat ni Zach ang wedding planner. Hindi na nga niya ako pinapasama dahil ang gusto niya ay hindi ako mapagod. Ayaw ko rin naman makipagtalo pa sa kanya.

Ilang araw na rin ang lumipas ay birthday ko na. Ang bilis talaga ng panahon. Magdidiriwang na naman ako ng karaawan ko ngayong araw. Nagtataka ako pero walang tao sa bahay. Nasaan naman kaya ang mga tao.

Binuksan ko ang gate namin pero nagulat ako sa aking nakita. Si Yza. Ano ang ginagawa niya rito sa Pilipinas?

"Yza?" Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

"Surprise! Gusto kita surpresahin kaya hindi ko sinabi sayo na dadating ako." Pumasok na ito sa loob ng bahay. Kilala naman siya nila mama kaya feel at home na siya. Matagal ko na rin kasi kaibigan si Yza. Pareho kami ng pangarap kaya pumunta kami pareho sa states. Nagkahiwalay lang sila ng kapatid niya dahil nasa Canada siya nagtatrabaho pero si Yza sa Los Angeles, California.

"Nasaan pala yung mga tao dito? Bakit ikaw lang nandito?"

"Hindi ko nga alam. Pagkagising ko wala ng mga tao dito sa bahay. Wala akong ideya kung nasaan sila ngayon." Kahit ang kaibigan ko hindi maalala kung ano meron ngayon.

"Wag ka na malungkot. Anyway, bago ko makalimutan." May nilagay siya sa center table. Isang malaking box.

"Ano naman ito?" Kumunot ang aking noo nang tingnan ko ang box nasa center table.

"Buksan mo na lang para malaman mo ang laman."

Binuksan ko na ang box at nagulat na lang dahil isang white dress ito. Bakit ako bibigyan ng ganito ni Yza?

"Dali. Suotin mo na iyan. May pupuntahan tayo ngayon." Sabi nito. Saan naman kaya kami pupunta?

----

"Ano naman ginagawa natin dito?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa isang garden. Maganda ang lugar na ito.

"Basta."

Nauna ng pumunta doon sa garden si Yza. Sumunod naman ako sa kanya. Nagulat ako noong makita ko ang mga magulang ko, magulang ni Zach, yung tatlong minions ni Zach at si Lucas. Pero nasaan si Zach?

"Mama, papa, ano po meron ngayon?" Tanong ko sa kanila. Pero hindi ako pinansin. Para bang wala silang narinig.

May nakita akong lalaki nakatayo sa altar. Wait. Altar? Bakit may altar dito sa garden? Lumapit ako sa kanya at nakita ko si Zach pala yun. Nakasuot siya ng white tuxedo. Ang gwapo niya sa suot niyang white tuxedo at bumagay sa kanya.

"Zach, ano meron?" Tanong ko rito dahil naguguluhan ako.

"It's our wedding, babe."

"Huh?!" Nagulat ako sa kanyang sagot. "Kasal natin?"

"Yes. Sinakto ko talaga sa araw ng birthday mo para special at surprise."

Nagsimula na ang seremonya at nagpalitan na kami ng vow ni Zach hanggang matapos na ang sermonya. Pero naiiyak ako dahil hindi ko inaasahan ikakasal na ako sa lalaking mahal ko at sa araw pa mismo ng birthday ko. My birthday is also our wedding anniversary. Double celebration ito sa pagkakataon.

"Don't cry, babe." He mouthed.

"And now I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Hinalikan na ako ni Zach sa labi. Pumalakpak naman ang mga bisita namin.

"Thank you, my hubby. This is the best birthday gift ever." Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito. Ito ang unang birthday na kasama ko si Zach tapos ganito ang ginawa niya.

"You're always welcome, my wife."

"Yaaay! Mama, papa!" Sigaw ni Lucas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yaaay! Mama, papa!" Sigaw ni Lucas. Kinarga naman siya ni Zach.

"Little lad, be a good boy while mama and papa were away." Sabi ni Zach. Tumango naman ng ulo si Lucas.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Hindi kumpleto ang kasal kung walang honeymoon. Pero bago ang lahat ay may konting salu-salo na muna."

Mayroon ngang onting salu-salo ang pamilya namin ni Zach. Nagkasundo na agad ang mga magulang namin. Of course, business ang pinaguusapan ng papa namin ni Zach at sa naririnig ko parang inoffer ng papa ni Zach si papa sa kumpanya nila. Hindi ko nga lang alam kung ano sinagot ni papa kay papa Hernry. At ang mga mama namin ay tungkol sa pangalawang apo nila. Obvious nanan excited sila sa mga apo nila.

Ngumiti ako sa isipan dahil kasal na ako sa isang Zachary Jackson. Kung noon ay hindi ko magawang mahalin siya pero sa bawat na magkasama kaming dalawa ay doon na ako nagkakagusto sa kanya. Kahit hindi siya sweet sa akin noon.

"Ano ba ang ginawa mo at tanggap ka nila mama?" Bulong sa akin ni Zach.

"Wala naman."

Wala naman talaga akong ginawa sa kanila, eh. Bigla na lang welcome to the family ako sa mga Jackson.

"Are you ready for the honeymoon?" Sabay kindat nito sa akin.

"Boss." Sabay noong tatlong minions ni Zach. Tumingin naman kami sa kanila.

"Welcome sa buhay may asawa." Natatawang saad ni Hunter.

Pero napansin kong nakatingin si Greg sa gawi ni Yza habang busy sa paguusapan sa ibang bisita itong kaibigan ko. Hindi naman kaya may gusto na rin itong si Greg sa kaibigan ko? Pero hindi niya lang masabi dahil siguro sa past niya. I still don't have any idea about his past.

Nandito rin pala si Kristina. Tanda ko pa noong unang araw ko siya nakilala sa salon. Araw ng make over ko. She changed me para akong ibang tao noon. Pinsan pala siya ni Greg kaya ganoon na lang pala sila close sa isa't isa. Ang akala ko pa naman may relasyon ang dalawa.

Si Dexter naman nilalaro si Lucas. Naging close na ang dalawa since noong unang araw niya magbantay sa amin noon. Si Dexter ang madalas na kalaro ni Lucas.

"Alex, congrats." Niyakap ako ni Yza. Tumugon na rin ako ng yakap. "Natupad na rin ang pangarap mo na ikasal kay Zachary."

"Oo nga, eh. Hindi nga ako makapaniwala mangyayari ito."

"Nakita ko namang mahal ka niya kahit hindi niya magawang iwanan ang pagiging mafia."

"Sumunod pa siya dito para sa amin ni Lucas."

"Hindi niya kayang mawala kayo ni Lucas. Kaya siya sumunod." Bumuntong hininga si Yza. "Ako kaya.. Kailan makakahanap ng isang lalaki na papakasalan ko?"

"Ayun lang siya, oh." Nginuso ko kung nasaan si Greg.

"Che! Malabo mangyari iyan. Imposible."

"Nahuli ko kasi siya kanina nakatingin sayo."

"Wag mo naman pataasin ang pagasa ko, Alex. Masakit na."

~~~~~

Leave comment and press ☆ to vote

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon