"Sorry. Dahil sa akin dumudugo na naman ang sugat mo." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Pinunit ko ang sleeve ng aking damit. Tinanggal ko ang benda sa sugat niya para palitan at hindi maimpeksyon.
Naiiyak ako dahil ayaw huminto sa pagdudugo.
"Will you stop crying? Hindi naman ako mamatay dito. Malayo sa bituka ang sugat ko."
"Kahit na. Kasalanan ko pa rin kung bakit dumudugo itong sugat mo." Humihikbi ako. Hindi ko magawang tingnan si Zachary. "K-Kahit ano ipagawa mo sa akin. Gagawin ko."
"Anything?" Tumango ako ng ulo. "Then, be my girlfriend."
Tumingala ako sa kanya pero tumango ulit ako ng ulo.
"Sabi ko kahit ano gagawin ko kaya pumayag ako maging girlfriend mo."
"Kaya tumahan ka na sa pagiyak mo diyan." Pinunasan niya ang aking mga mata gamit ang libre niyang kamay.
Simula naging girlfriend ako ni Zachary. Kahit hindi siya sweet sa akin pero mas mahalaga ay hindi na mainit ang ulo niya sa akin. Siguro konti na lang makukuha ko na ang loob niya.
"Hey. Why are you crying again?" Pinunasan ko na ang aking mga mata bago tumingin sa kanya. "Bored?"
"Miss ko lang ang kaibigan ko. Ilang araw na rin kasi hindi ko siya nakakausap."
"Sige, pumayag akong makipagkita ka sa kaibigan mo."
"Really?" Biglang sumaya ang pakiramdam ko noong pinayagan na niya ako lumabas.
"Yes, basta kasama mo si Greg. Tandaan mo hindi ka pa rin pwede umalis sa puder ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin bayad ang iyong ama."
"Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw ko naman mapahamak si papa kaya hindi ko iyan gagawin."
"Basta kailangan mong kasama si Greg."
"Sige na nga." Busangot kong sabi
----
"Yza!" Sigaw ko sa pangalan ng kaibigan. Nandito kami ngayon ni Greg sa bakery.
"Alex? Huy, Alex. Musta ka na? Ang tagal mo na hindi nagparamdam. Sabi ni Warren nagresign ka na daw dito."
Wala naman akong pinasa ng resignation letter. Tumingin ako kay Greg. Mukhang may kinalaman siya doon. Mamaya ko na lang kakausapin si Greg.
"Sorry, Yza kung ngayon lang ulit tayo nagkita. May nahanap na kasi akong magandang trabaho at makakatulong sa pamilya ko." Pagsisinungaling ko sa kaibigan. Ang ayaw ko sa lahat ang magsinungaling.
"Kakainggit ka. Teka nga yung kasama mo ba ngayon ay boyfriend mo?"
"H-Huh? Hindi ko siya boyfriend."
"Eh, ano? Imposible naman kapatid mo. Alam ko only child ka lang."
"I'm her bodyguard." Narinig kong sambit ni Greg.
"Bodyguard?" Takang tanong ni Yza.
"Ma'am Alexis' boyfriend is my boss."
"Oh.. Hindi mo naman sinabi sa akin may boyfriend ka na pala. Ano pangalan?"
"Zachary Jackson."
"Eh?! Ang swerte mo, girl. Sikat na businessman iyan si Zachary. Isang billionaire iyan." Napabilog ang mga mata ko. Hindi ko alam businessman pala si Zachary dahil ang alam ko isa siyang mafia boss. Tumingin ulit ako kay Greg, tumango ito sa akin.
"Y-Yeah." Kahit isa pa siyang businessman pero isa pa rin siyang mafia boss. Isang killer.
Zach's POV
"Mr. Jackson." Tawag sa akin ng isang kliyente ko.
"Yes?"
Nagusap lang kaming dalawa tungkol sa business at sa plano niyang project. Hindi naman tumutol sa plano niya basta hindi masisira ang pangalan ng kumpanya ko. Pag may trumaydor sa akin, isa lang ibig sabihin noon. Isang utos ko lang sa mga tauhan ko para patayin silang lahat.
May narinig akong kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Come in." Pagyaya ko. Narinig kong bumukas ang pinto.
"Sir, you have a visitor." Sabi ng sikretarya ko.
Hindi na ako sumagot dahil isa lang ibig sabihin noon paalisin ang bisita dahil marami akong ginagawa ngayon.
"Ganyan ka na ba ngayon pagtrato sa bisita ngayon?" Napabilog ang mga mata ko sa narinig kong boses. Tumingala ako para tingnan siya.
"Pa, what are you doing here?"
"Gusto ko lang malaman kung maayos pa rin ang pagtakbo mo sa kumpanya natin, Zach."
"Maayos pa rin naman. At marami pa ring investors akong kausap this past few days."
"That's good. At saka pinapasabi ng mama mo.."
"Yes, I know. Umalis na ako sa pagiging mafia ko."
"Alam mo naman pala, Zach. Bakit hindi ka umalis?"
"I can't do that. Gusto ko ipaghiganti ang pagkamatay ni Terence, pa. Hindi ako titigil hangga't hindi ko mapatay ang pumatay sa kapatid ko."
May kababatang kapatid ako. Pinatay siya ng iba pang mafia. Hindi ko alam kung bakit nila pinatay ang kapatid ko. Inosente at walang kalaban laban si Terence. Isang araw ang sabi ni mama nawawala raw si Terence kaya hinanap ko siya. Wala akong kahit anong lead kung saan ko siya maaaring makita. Isang araw nakatanggap ako ng tawag galing kay Dex, ang sabi niya nahanap na niya si Terence kaya agad pumunta sa sinabi niyang lugar. Pagkapunta ko roon ay nakita kong wala ng buhay ang kapatid ko. Simulang namatay ang kapatid ko ay wala na akong pinapatawad na kahit sino. Kung sino hindi sumunod sa kagustuhan ko ay mamatay.
Pagkatapos namin paguusap ni papa ay umuwi na ko sa bahay. Tahimik lang ako nakaupo sa gilid ng higaan ko nang may kumatok sa pinto pero hindi ko na yun pinansin.
"Zachary, ano ba! Ilang beses na ko-- Umiiyak ka ba?" Umiiyak na pala ako. Pinunasan ko agad ang mga mata ko. Kahit kilala akong walang awang tao dahil kahit sino ay kaya kong patayin pero kahinaan ko ang pamilya ko. Kaya simulang nangyari kay Terence at naging mafia ako ay lumayo na ako kila papa para hindi sila mapahamak. Ayaw ko may mamatay pa sa mahalaga sa akin. "May problema ba? Pwede mo sabihin sa akin."
"Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sayo, Alexis."
"Handa naman ako maghintay hanggang maging handa ka na." Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ng kama.
"Salamat."
Hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ni Terence. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan ay matagal ko ng ginawa. Gusto ko baguhin ang lahat na pangyayari. Buhay ang kapatid ko at normal ang naging buhay ko ngayon. Pero malabo mangyari yun. Simulang naging mafia ako ay marami na rin ako naging kalaban.
"Zachary, gising."
Napasinghap ako noong may gumigising sa akin at nakita ko si Alexis. Niyakap ko siya sa sobrang takot ko. Akala ko malakas na pero hindi pa pala.
"Nanginginig ka." Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. I'm really scared.
~~~~
Zach's darkness past. :(
Poor Zach
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...