Chapter 16

15.2K 403 5
                                    

One year later...

Ang bilis talaga ng panahon dahil isang taon na rin pala. Wala na akong balita kay Alexis.

"Son, bakit hindi tayo pumunta sa Maldives?"

"Pa, I'm busy. Wala na akong oras para magbakasyon."

"Please, Zach." I let a soft sighed.

"Okay, ma. I'll pack my things." Dito na muna ako sa Boston ngayon nakatira. Isang taon na rin hindi ko naasikaso ng maayos ang kumpanya at warehouse. Binilin ko kila Hunter na sila na muna bahala sa warehouse. Sa kumpanya naman ay bumibisita si papa doon.

Ilang oras ang biyahe namin papunta dito sa Maldives. Wala pa rin pinagbago rito. We have a resort here kaya wala kaming problema sa matutuluyan.

"Punta lang po ako sa kwarto." Pumunta na ako sa kwarto at humiga agad sa kama.

Kamusta ka na, Alex? I missed you damn so much. I hope someday you will forgive me.

Yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. At hindi lang yun.. Gusto ko rin makita si Lucas.

Kinabukasan, nakatulog pala ako. Sobrang jetlag ako kahapon.

Pagkatapos ko maligo at magpalit ng damit ay bumaba na ako dahil nasa kainan na sila mama ngayon.

"What's your plan for today, son?"

"Surfing, pa. Matagal tagal na rin ang huling surfing ko."

Hindi lang sa baril o paghawak ng kumpanya ang marunong ako. I can also do surfing. Simulang bata pa lang ako noong tinuruan ako mag-surf.

"What a nice weather today." Nakatayo lang ako sa dalampasigan pero marami akong naririnig na pumipito na mga lalaki. Tiningnan kung saan yun dahil curious ako. Until...

Holy shit. She is really hot as hell. Parang hindi nanganak dahil ang sexy niya. But wait. What she's doing here?

"What the hell?!" Mukhang nakita na niya ako.

"H-Hi, Alex. How are you?"

"I'm doing great. Thanks to you."

Ngumiti ako ng pilit. Kahit papaano tao pa rin ako. Nasasaktan.

"Glad to hear that." Tumango ako bago pumunta sa dagat para mag-surf. Sinasabayan ko ang alon.

Alex's POV

Hindi ko inaasahang magkikita ulit kami. At dito pa talaga sa Maldives. Ang sabi ko nga sa sarili ko pag nagkita ulit kami patatawarin ko na siya pero nagkita nga kaming dalawa. Pinapanood ko siya habang nagsusurfing. Grabe. Ang galing niya. Akala ko hanggang baril lang siya.

Pero ano itong iniisip ko? Pinupuri ko siya.

Naglakad na ako dahil nakita ko si Yza karga si Lucas.

"Bakit ganyan ang mukha mo, Alex?"

"What? Ano meron sa mukha ko?"

"Nakabusangot ka." Nakabusangot pala ako.

"Bad timing naman kasi yung pagkikita namin."

"You mean..." Tumango ako. Alam ko ang gusto niyang sabihin.

"Nandito rin siya." Humarap ako sa dagat pero nakita ko na nakapalibot ang mga babae sa kanya. Ano itong nararamdaman ko? Gusto ko itulak yung mga babaeng yun dagat. Bwesit. "Balik na muna ako sa hotel. Ikaw na muna bahala kay Lucas."

"Alex, wait. Nagseselos ka ba sa nakita mo?"

"I'm not jealous!" Magseselos nga ba ako? Ito rin ang naramdaman ko noong araw na bago ko pinanganak si Lucas.

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon