Alex's POV
Importante ako kay Zach? Imposible. Bayaran lang ako sa utang ni papa. Imposibleng mahalin ako ni Zach, 'diba?
Napahawak ako sa aking labi. Hinalikan na naman kasi ako ni Zach kagabi. Ang lambot ng mga labi ni Zach. Pero sigurado akong marami na siyang nahalikan. Hindi lang ako.
"Hey. You're crying again." May tumabi sa akin sa sofa pero hindi ko na inabalang tingnan siya.
"Hindi ba dapat nasa warehouse ka na? Bakit ka nandito?"
"Hindi na ko tumuloy pumunta ng warehouse. Sila na lang ang pumunta rito kung may kailangan sila."
"Pero bakit? Alam ko namang importante ang ginagawa niyo sa warehouse."
"Yes, pero kung ganyan ang itsura mo hindi ko kayang iiwanan ka rito sa bahay. Hindi naman kita pwedeng isama sa warehouse dahil delikado doon. Mas lalo naman hindi kita pwedeng iiwan sa bahay nila papa dahil tatanungin ka ni mama ng kung anu-ano kita."
"Alam ng papa mo kung bakit ako nandito."
"Sinabi mo? Mabuti na lang hindi ako pinapagalitan sa ginawa ko."
"What do you mean?" Humarap ako sa kanya. Dahil naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Nothing."
"Zach, kaya mo bang mahalin ang isang tulad ko?" Seryosong tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Isa lang ibig sabihin malabong mamahalin niya ako. Tumayo na ako sa pagkaupo ko sa sofa. "Babalik na ako sa kwarto. Gusto ko na muna magpahinga."
"Alex, wait." Hinawakan niya ako sa kamay. Pagkahawak niya ay biglang nakaramdam ako ng kuryente. "Hindi ko pa alam sa ngayon pero susubukan kong mahalin ka. Bakit mo tinanong sa akin ang tungkol diyan? Mahal mo na ba ako?"
Binawi ko na ang aking kamay.
"Wag kang assuming, Zach. Hindi ko magagawang mahalin ang isang killer na katulad mo. At wag mo ng ituloy ang pagliligaw mo sa akin. Sigurado ako pagbinalik mo na ko sa pamilya ko ay hindi na tayo magkikita pa."
"You're right. But you still have five months."
"Five months?" Lumingon ako sa kanya sa likuran. Seryoso ang mukha niya ngayon.
"Yes, five months. Limang buwan na lang bago matapos ang kasunduan nating dalawa."
Wala ako maalala na may kasunduan kami. Ang akala ko pag sinabi niyang bayad na ang lahat na utang ni papa doon lang ako makaalis rito.
"Wala sa kasunduan natin ang tungkol diyan."
"Ang balak ko sana isang taon ang ibibigay ko sayo para makabayad sa utang ng iyong ama pero ginawa kong limang buwan na lang."
"Hindi ko maintindihan, Zach. Bakit?!" Humarap na ako sa kanya pero tumutulo na naman itong luha ko. Laking traydor talaga. Kaya lang hindi na sumagot si Zach dahil nakatingin lang ito sa ibaba.
"Your life is in danger. Alam mo naman marami akong kalaban at hindi kita makakayang bantayan. Marami rin akong ginagawa. Kumpanya namin at sa warehouse." Tumayo na ito pero tumalikod sa akin. "You are safe if you're stay with your family instead of here. Kaya pinapahanap ko na sila sa madaling panahon."
-----
Hindi ako makatulog sa nangyari kanina. Naiinis rin ako minsan kay Zach. Pero bakit ba ako naiinis? Dapat nga matuwa pa ako para makaalis na rito. Miss ko na ang pamilya ko.
Biglang may nag-alarm kaya napabangon ako sa kama. Binuksan ko ang pinto pero nagulat ako noong hinatak ako ni Zach.
"Come with me." Hawak pa rin niya ang kamay ko sabay papunta sa back door para doon lumabas.
"Ano ba nangyayari?"
"May nakapasok sa bahay. Hindi ko alam paano nila nalaman kung saan ako nakatira. Dammit."
May naririnig akong putok ng baril kaya natatakot ako. Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pa magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.
"Wag kang aalis sa tabi ko, Alex. You are safe here with me. I can protect you no matter what." Tumango ako ng ulo. Pero parang dati lang gusto niya ako patayin pero ngayon pinoprotektahan niya ako.
"Going somewhere, Zachary Jackson?" May narinig akong boses ng isang lalaki. Hindi familiar sa akin.
"Shit." I heard him cuss. Niyakap lang ako ni Zach. Pakiramdam kong ligtas nga ako sa piling niya. Lumapit ang mukha niya sa may tenga ko parang may gustong sabihin. "Don't move, Alex. Pagbilang ko ng tatlo tumakbo ka."
"Paano ka, Zach?"
"I can protect myself. But just do it, okay? Hunter is waiting for you outside. Dadalhin ka nila sa bahay namin." Nagsimula na siya magbilang hanggang tatlo. "Run now!"
Tumakbo na ako pero may narinig akong putok ng baril. Lumingon ako sa likuran at nakita kong tumumba si Zach sa lupa.
"Zach!!" Sigaw ko. May naramdaman akong humatak sa akin at nakita ko si Greg.
"You have to come with us, Alexis. Binilin ka ni Zach sa amin." Sabi ni Hunter pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Si Zach. Tulungan niyo siya. Please, iligtas niyo si Zach."
Pinasakay na nila ako sa kotse. Walang imik habang umiiyak lang. Kasalanan ko ba kung bakit ganito ang nangyari kay Zach.
"Alexis, tumahan ka na sa pagiyak. Hindi ito ang unang beses na baril si Zach." Tumingin ako sa gawi ni Hunter. Nasa tabi ko siya. "Marami na kaming nakakalaban na mas malakas pa dito at kamuntikan na rin mamatay si Zach pero hindi naman sumusuko ang taong yun."
"Kahit na. Walang tutulong sa kanya. Kung malaman nilang humihinga pa si Zach pwede nilang patayin."
"Kilala namin si Zach, Alexis. Babalik yun pero hindi ko masabi kung kailan." Tumingin naman ako kay Greg habang nagmamaneho ng kotse.
Noong huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Siguro ito ang bahay ng mga magulang ni Zach.
"Tara na sa loob. Ligtas ka rito dahil walang nakaalam ang lugar na ito maliban sa aming apat." Saad ni Dexter. Nauna na siyang naglakad papunta sa pinto at kumatok. May isang may edad na babae ang nagbukas. Siguro siya ang mommy ni Zach. "Good evening po, tita."
"Good evening, Dexter." Tumingin ang babae sa likuran. Siguro hinahanap niya si Zach. "Hindi niyo yata kasama si Zach ngayon."
Biglang tumahimik ang buong paligid pero sinira naman ni Greg ang katahimikan.
"Marami lang po ginagawa si Zach. Kilala niyo naman po yun." Bakit nagsinungaling si Greg? Baka siguro para hindi magaalala ang mommy ni Zach sa kanya.
"Sino naman itong magandang babaeng kasama niyo? Girlfriend ba isa sa inyo? Pero alam kong may asawa na si Hunter."
"Hindi po, tita. Wala sa aming dalawa ni Dexter ang boyfriend niya pero special someone ni Zach. Si Alexis po pala."
"Ikaw pala ang palaging kinukwento ng asawa ko."
"Tita, dito na po muna si Alexis. Ang bilin po kasi sa amin ni Zach dito namin dalhin."
"May nangyari bang masama sa anak ko?"
"Wala po. Ayos lang po si Zach. Marami lang siya ginagawa." Kahit si Hunter ay nagsinungaling na rin sa mommy ni Zach.
~~~~
Oh no! May nangyaring masama kay Zach. :(
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper Is A Mafia Boss
RomanceMAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat na bakery sa Los Angeles. Kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay mahal na mahal niya ang kany...