"YvonePOV"
Uuwi na ako"paalam ko sa kanila dahil nararamdaman ko naring medyo hilong hilo na ako-- hindi medyo hilong hilo na. Baka nga siguro pagewang gewang na ako.
Sa totoo lang di ako mahilig uminom sumama lang ako kay eurika, gusto ko kasi makausap si brandon pero mukhang wala siyang balak kausapin ako.
Hahatid na kita!"
Hindi na kaya-----"
Pumunta naman agad siya sa pwesto ko para tulungan akong tumayo. Nakakahiya natumba na ako sa harapan nila.
Kaya mo pa ba??"bulong na sabi sakin ni jasper.
Oo kaya ko pa.... Na---.. Sipa ko lang yung kable!"pagpapalusot ko, oo alam kong hilong hilo na ako pero nasa tamang pagiisip pa ako.
Ihahatid na kita,"pagpepresenta nito, umiling iling lang ako tamad na tamad na akong ibuka ang bibig ko. Para sumagot sa mga tanong niya.
Nararamdaman ko nalang na palabas na kami ng bar at pumunta sa parking lot.
Wait lang huh, humawak ka muna sa sidemirror walang problema kung masira"tumango lang ako. Pero maya maya ay ramdam ko na ang sakit ng tuhod ko.
Shemss! Natumba na naman ako!
Fuck!! "Bulalas niya. Tinulungan naman niya akong tumayo.
Sabing humawak ka nalang sa sidemirror ang kulit mo namang babae ka! "Sermon niya sakin. Natawa nalang ako dahil para siyang nanay kung makapagsalita sakin.
Parang takot na takot siyang magasgasan ako!..
Bakit ka naman tumatawa??"tumango tango lang ako, hindi ko alam bakit kusang tumataas at bumababa ang ulo ko. Parang may sariling buhay!
Cute..."
Lasing kana "inalalayan naman niya akong pumasok sa kotse nito. Ganun narin ang ginawa niya, naramdaman ko nalang na umaandar na ang kotse kasabay nun ang pagpikit ko.
*-*
Naalimpungatan ako, hindi naman masakit ang ulo ko dahil hilong hilo lang talaga ako at medyo unti lang ang nainom ko , bumangon naman ako at isinandal ang likuran ko sa headboard ng aking kama.. Itinaas ko ang aking tingin at nakita ko ngang napaka-aga pa , 3am... Hindi narin ako inaantok.. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nagpatugtog
Pipindutin ko sana ang Look what you made me do by: Taylor Swift pero iba ang napindot ko at ang, Into you by Ariana Grande... Kaya hinayaan ko nalang at padabog kong inilapag ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Gang Rape "Revenge Of The Victim" [On Going]
Mystery / ThrillerSi Yvone Salcedo na ang totoong pangalan ay Akira Cyne Salcedo na ginahasa ng walong kalalakihan na himalang nakaligtas sa pambubugbog ay ipinasok sa Shin University kasama ang kaibigan niyang si Ella Shin para makapaghiganti sa mga lalaking gumahas...