THIRTY EIGHT

359 8 0
                                    

"YvonePOV"

"Ano sa palagay mo bakit andun si grey sa mansyon?"basag ni brandon sa katahimikan.

Papunta kami ngayon sa SU dahil lunes na naman , nauna narin si ella dahil may gagawin daw siya.

"Ewan ko , nagpaliwanag naman si tito part ng trabaho niya yun so ayun"boring kong sagot. Nakita ko naman siyang di mapakali na akala mo'y sinisilaban ang puwet'.
"May problema??"kunot noo kung tanong.

"Kanina pa ang tatlong kotse nayan na nakasunod satin"pagkasabi niya at tumalikod agad ako at tinignan ang sinasabi niya, tatlong kotse na lahat ay itim.

"Baka inutos ni tito?"nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya, pero siya hindi parin mapakali.

"Oh shit!" Bulalas niya kasabay nun ang pagputok ng baril.

"What the fuck!"napamura na ako sa gulat kinuha ko naman agad ang baril sa compartment tiyaka kinasa.
"Kawawa naman tong porsche mo"pangiinsulto ko, isang ngiting nakakaloko lang ang ginanti niya sakin habang tuloy tuloy parin ang pagpapaputok ng kabilang panig.
"Bulletproof  ba to?"naiinis kong sabi at bigla siyang humagalpak sa tawa.  "Sabi ko nga"napahiya ako dun kanina dahil sa sinabi ko sa kotse niya. Binabawi ko narin na baka pinasundan kami ni tito.

"Huwag mo nalang silang barilin useless rin bulletproof yung sasakyan nila"parang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon samin dahil napaka kalmado niya...

"Paano mo naman nalaman??"naiirita kong sagot.

"Dahil sasakyan yan ng mga Death Society,"tumango tango siya at pagewang gewang ang sasakyan namin dahil ginigitgit kami ng dalawang kotse.

"Diba sila kael yun??"isa pang tango "bakit nila ginagawa to? Maayos na kami ni kael"di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Kailangan mong matutunan na lahat ng nakapalibot sayo , satin ay dapat hindi mo pagkatiwalaan kasama na dun--"

"Si grey"dugtong ko sa sinabi niya. Tumango naman siya , kasabay nun ay ang pagbilis ng kotse na halos lumipad na kami sa sobrang bilis.
"Mamamatay tayo ng maaga!"bulyaw ko rito pero wala lang siyang pakialam. "Isa ka rin ba sa mga taong hindi dapat bigyan ng tiwala??"wala sa sarili kong tanong ,mabilis parin ang pagpapatakbo nito pero ang mga putok ng baril ay wala mukhang ubos na siguro ang bala.
Lumusot naman kami sa eskenita ang nagiisang entrance maliban sa likod ng boung SU. Mabilis ang pagpapatakbo niya wala siyang kakaba kaba at pagaalinlangan na baka may biglang tumawid at mabunggo niya. Wala akong nakikitang pangangamba sa mukha niya.

Gang Rape "Revenge Of The Victim" [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon