"YvonePOV"
"Nga pala ito yung pahabol na mga lesson na nadiscuss ko na , since sobrang tagal niyong nawala"nakangiting abot sakin ng teacher namin sa history, mahabang sulatan at pagiintindi na naman. Nakangiti ko naman iyong tinangap at tuluyan na siyang nawala sa aking harapan.
"Ayan na yun?"wala sa sariling tanong ni brandon. Mukhang timang ei halata naman na ito na yun dahil katabi ko lang siya ng ibigay ang folder na hawak hawak kanina ng history teacher namin.
"Sira ka!"inihampas ko iyon sa ulo nito pero ngisi lang ng ngisi ang mokong.
"Order moko yung kasing"kunwaring nagiisip, pero alam ko naman talaga na wala siyang isip. "Yung kasing sarap mo"nang narinig ko iyon ay sinapak ko agad siya.
"Baliw bitaw!! "Utos ko sa kanya dahil nakayakap na siya sakin, takot na takot na mahampas ulit.
"Asus gusto lang ng yakap galing sa pinakamasarap mong asawa"tinulak ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Anong asawa?? Hindi tayo mag asawa okay??, isa pa may"luminga linga muna ako sa paligid dahil nasa canteen kami ngayon , lumapit ako ng kaunti at ibinulong sa kanya ang "may nangyari lang satin pero hindi tayo mag asawa"ngising nakakaloko lang ang itinugon nito sakin. Tinangal niya sa pagkakahawak ang kamay ko sa balikat niya, hinawakan ang dalawang pisnge ko.
"Baka gusto mong ipaalala ko sayo kung paano ka nageenjoy sa ginagawa natin? Sa bawat pag u--"
"Hi brandon!"malanding boses ang narinig naming dalawa kaya sabay kaming napatingin sa kung sino ang babaeng iyon.
"Samantha?"pangiti ngiting bangit niya sa asungot na babaeng to. Halata naman sa boses niya at mukha na ayaw niyang makita ulit si samantha.
Oo ulit, simula ng lagi kaming magkasama ni brandon , umaaligid aligid natong asungot nato."Pwedeng makiupo?"sasagot na sana ako ng 'HINDI PWEDE! KITA MONG MAY NAKAPWESTO NA' pero nakaupo na siya. Hindi ko na matiyak kong ano na ang itsura ng mukha ko dahil sa babaeng to
"Anong kailangan mo?"malambing na panimula ni brandon.
"Don't act like you're a nice guy, tss"pabulong kong sabi. Nakataas kilay namang nakatingin sakin si samantha kaya tinarayan ko. Pambawi, akala mo maganda.
"Kamusta"malanding utas ni samantha.
'Di siya okay, nakita na naman niya ulit kask yang mukha mo'
BINABASA MO ANG
Gang Rape "Revenge Of The Victim" [On Going]
Gizem / GerilimSi Yvone Salcedo na ang totoong pangalan ay Akira Cyne Salcedo na ginahasa ng walong kalalakihan na himalang nakaligtas sa pambubugbog ay ipinasok sa Shin University kasama ang kaibigan niyang si Ella Shin para makapaghiganti sa mga lalaking gumahas...