11
[ Ellaine pov ]
Nagising ako sa alarm clock ko 5:30 am pa man. Bumangun na ako deritso at pumunta sa banyo naligo. Habang nasa shower ako. Paano nga ba ako nakauwi dito sa bahay? Napaisip tuloy ako. Oo nga pala nagtaxi nalang ako.
Pagkatapos ko naligo at nagbihis bumaba na ako para pumasok sa school maaga pa naman pero gusto ko lang pumasok ng maaga. Pagkababa ko nakita ko siya naghanda ng breakfast. Agad ako dumiretso sa kusina para magtimpla ng milo pagktapos ko uminom umalis na ako.
"Mauuna na ako sir" paalam ko sa kanya.
"Ayaw mo ba kumain"? Ningitian ko siya. "Thanks busog pa kasi ako bye" saka lumabas na ako sa pintuan. Naglakad lang ako papunta sa highway. Agad ako pumara ng jeep at sumakay dahil malapit lang siya ng makita ko ang kanto agad ako bumaba sa jeep at naglakad papunta sa school. Nilagay ko sa tenga ko ang earphone ko.
Napaisip ako habang naglalakad ako. Bakit ganito nararamdaman ko gusto ko muna iwasan siya? Pero bakit?
"Miss kung magpakamatay ka doon ka sa tulay" hindi ko namalayan malapit pala akong nabangga. Pumasok na ako sa school kaunti pa ang mga student dahil maaga pa. "Morning Ellaine" bati ni manong guard sa akin.
"Morning din manong guard" saka ako nagpatuloy sa paglakad sa hallway papunta sa classroom namin.
"Ellaine nagawa mo ba ang assignment mo? Pwede pacopy nakalimutan ko kasi eh" sabi ni Lynin.
Anung oras siya kagabi umuwi? Hindi ko na namalayan kasi tulog na ata ako pagdating niya.
"Ellaine!!!! Yahoo!!!"
Bumalik ako sa realidad ng sumigaw si Lynin. "Bakit"? Tanung ko sa kanya. Nasa harapan kami ng classroom.
"Anung bakit? Sabi ko nagawa mo na ba ang assignment mo pacopy naman kasi nakalimutan ko sa akin ngayun ko lang naremember please" tumango ako kay Lynin.
"Oo andun sa bag hanapin mo nasa 1/2 crosswise yun" sagut ko sa kanya na agad naman pumasok sa classroom. Ng nagbell na pumasok narin ako at mafami nadin mga student at classmate namin dumating. Umupo na ako deritso sa upuan ko.
"Morning sir" bati ng mga classmate namin sa kanya.
At dahil 7:30 pa klase namin nagchismiss muna ang mga classmate ko at siya busy sa pagsulat ng lesson plan niya.
Pinikit ko mata ko at sinandal sa likod ng upuan. "Rusty Hon" napamulat ako wala sa oras. Para makaiwas sa labas ako tumitingin.
Tumunog yung phone ko. May message kaya binasa ko. "Morning Laine" from Jerome.
"Morning din " balik bati ko sa kanya.
Napatayo kami ng pumasok ang isang teacher assistant ni ma'am principal. Nasa pintuan siya. At lumapit kay sir. Tumango si sir. Busy ako sa pagreply kay Jerome kaya hindi ko nakita sino bagong classmate namin. Ng tiningnan ko ito.
Nanlaki mata ko sa nakita ko. "Jerald?" Kunot noo ako nakatingin sa kanya.
Anung ginawa niya dito? Bakit siya nandito?
"Ellaine"? Ng makita niya ako agad niya akong niyakap.
Nakita ko ang sir nakatitig sa akin sa ginawa ni Jerald. "Teka lang " sabay tanggal ko sa kamay niya.
"Ah so miss Gonza magkakilala kayo ni Mr. Flores"? Tanung ni Sir principal sa akin.
"Ah yes sir," sagut ko. Kaya lang nanlaki mata ko sa sagut ni Jerald.
"Actually sir, she's my girlfriend and future to be my wife" sabay akbay sa akin.
"Wow seryoso mr. Flores? Pero mga bata pa kayo" angal ni sir principal.
"No. Sir Ex Bf ko lang ho siya. Matagal na" sagut ko kay sir principal.
"Parang may hindi kayo napag usapan, alis na ako bye class." Sabay alis ni sir principal. At ang mga classmate ko sa amin nakatingin.
Umupo na kaming lahat at ako napapikit ghad. Anung nangyayari bakit ganito? Kung saan nakalimutan ko na siya.
Tiningnan ko si Jerald. Pero magflashback ang lahat ng sakit. Kaya nga ayoko ng may kaubigan.
Napag isi isip ko mas mabuti na andito si Jerald para mapag usapan namin ang nangyayari kahit matagal na yun pero andito parin ang sakit. Kinalabit ako ni Kyrie sa gilid "Ellaine bakit hindi mo sinabi may boyfriend ka na pala"? Sabay sundot sa gilid ko.
"Tsss, tumahimik kayo" angal ko sa kanya.
"Infairness ang gwapo niya ha" dagdag ni Lynin binulong sa akin.
Hindi ko nalang sila pinansin. Nagsimula na siya nagturo sa lesson ni isa walang pumasok sa isip ko hanggang matapos ang klase lutang isip ko. Tiningnan ko si Sir,
"Tingnan niyo si Sir, bakit parang galit siya? Tingnan niyo hitsura niya" bulong ni Lynin sa likod ko. Sabay alis niya at hindi ako tiningnan. Humanda na talaga ako nito pagdating sa bahay. Sarado talaga ako nito sa tanung.
"Ellaine pupunta kayo ng canteen? Sabay na tayo" hinarap ko si Jerald.
"Anung problema mo bakit ka pa nagpakita sa akin? Pagkatapos sa ginawa niyo sa akin may balak pa kayo magpakita"? Sabay turo ko sa noo niya.
"Kaya nga andito ako para mag explain sayo" sagut niya.
"Sa sarili mo magpaliwanag ka Jerald wag sa akin, dahil sa tuwing makikita ko pagmumukha mo mas lalo kung naalala ang sakit" sabay talikod ko sa kanya. Hinabul ko sila Kyrie at Lynin.
"Kala ko sabay kayo ni Jerald"? Sabi ni Kyrie. Hindi ko lang sila pinansin ng napahinto ako sa nakita ko.
"Ellaine bakit"? Tanung nila sa akin.
Bakit ako natatakot sa kanya kung malalaman niya ang totoo. ? Pero sa tuwing magkalapit kami parang sasabug ang dib dib ko sa kaba kahit kahapun ko lang siya nakita.
Umiling ako sa tanung nila Lynin. Ng papasok na kami sa canteen. "Wag ka magpahalata sa kanya" pagtingin ko sino umakbay sa akin si Jerald pala.
"Pe-pero"? Angal ko sa kanyang ginawa.
"Ssshh" yan lang sagut niya. Dumiretso na kami sa counter para magbayad at naghanap ng upuan. Sumunod din sila Lynin at Kyrie.
"Matagal na ba kayo ni Ellaine Jerald"? Napatingin ako kay Jerald.
"Yes" sagut niya.
"Talaga wow naman" dagdag ni Kyrie. Hindi ko nakikita si sir, dapat recess andito siya sa canteen pero wala eh saan kaya siya. Ni text wala man lang.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married to My Teacher ( COMPLETED )
Ficción General[ #12 HR in Teenfiction ] si Ellaine ay isang babae na mahilig manggulo, mangbully kaya naisipan ng pamilya niya ipakasal siya sa isang tao kilala din sa pangbabae. ngunit paano kung ang Teacher na adviser mo secretly husband mo? ok lang ba? (c) Al...