41
Ellaine pov
"Tatapusin natin pagbalik ko" sabay wink niya sa akin. Kaya sinampal ko braso niya.
Tiningnan niya ang relo niya. "Babe kailangan ko na talagang umalis malalate na ako sa flight" nakatingin siya sa mata ko.
"Babe"? Niyugyug niya balikat ko. Hindi kasi ako nagsalita nakatitig lang ako sa kanya. "Kailan balik mo"? Tanung ko sa kanyA.
"2 days or 3 days ako doon. Babe kay Lolo ito na business okay" niyakap niya ako. "Magtiwala ka lang sa akin" hinalikan niya ang buhok ko.
"Okay basta tatawag ka or chat kahit isang beses lang okay" andiyan naman yung ngiti niya.
"Sure babe, thanks. At ikaw umuwi kana okay" hinalikan niya ang buhok ko, noo, ilong at pisngi.
Pumasok na siya sa kotse nakita ko si Mr. Yu nasa loob nakangiti. "Babe sabay ka nalang" umiling ako. "Wag na kaya ko ng umuwi basta tumawag ka lang okay" sagut ko sa kanya. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko kahit walang boses pero alam ko ang sinabi niya. Pwede na ba akong kiligin? Umalis na sila at ako naiwan dito sa parking lot.
Lumabas na ako sa parking lot at pumara ng taxi sa labas para makauwi na may klase pa kasi ako. Pagkarating ko sa boarding house nagbihis na ako para pumasok ang gaan sa pakiramdam na okay na kami ni Rusty. Kaya lang hindi parin nawawala ang takot ko. May tiwala naman ako sa kanya. Kaya lang buong buhay ko nasa kanya na kasi lahat. Bakit ba kasi ako pinakidnap ni lolo..? Ng may nakabangga ako sa hallway. Nahulog ko yung gamit niya kaya tinulungan ko siya.
"Sorry, ito na yung ibang gamit mo" sabay bigay ko sa kanya ng makita ko mukha niya laking gulat ko "ikaw"? Oo siya nga yung misteryosong lalaki tumulong sa akin nung panahon muntik na akong mabuko sa school.
Ngumisi siya. "Dito karin nag school?" Tumango lang siya.
"Oo kalilipat ko lang" sagut niya.
"Ellaine i'm happy for you na okay kana" bigla niyang sabi.
"Thank you, pero hindi naman kasi ganun kadali yun" sagut ko sa kanya.
"Magkita nalang tayo mamaya dito kasi building ko bye" sabay alis niya. Gusto ko talaga tanungin pangalan niya kaya lang dati pa naman hindi niya sabihin pangalan niya. Daya niya noh? Alam niya pangalan ko pero ako hindi. Pumasok narin ako sa room pagdating ko. "Hi Laine" ningitian ko lang sila.
Umupo na ako sa upuan ko at maya maya pumasok na rin ang prof namin. Nakapagtaka lang nakangiti siya sa akin nakatingin. Hindi ko nalang pinansin siya. Kinalabit ako sa gilid ko. "Si sir oh panay tingin niya sa sayo" kunot noo ko tiningnan katabi ko. "Haha hindi ah. Tingin mo lang" sagut ko sa kanya. Tiningnan ko si sir, bigla siya napatigil sa pagturo, hanggang sa natapos ang subject niya. "Oh di ba sabi ko sayo" ulit niya.
"Hindi nga, saka wag niyo bigyan ng malisya yun" dagdag ko. "Ellaine sa tingin ko may crush si sir sayo" dagdag ni Chen.
"Bahala nga kayo basta hindi pwede" sagut ko sa kanila. "Bakit naman"? Inikot ko muna mata ko parang nag isip. "Hmmn secreat" sinabayan ko ng ngiyi. Kainis tong mga classmate ko ako lang bantayan. Umuwi na ako sa boarding pagkatapos sa klase medyo nakakapagud. Aalis nalang kaya ako sa trabaho ko?
Tiningnan ko yung phone ko haist hindi naman siya nagtext kahit chat man lang.. bahala ka nga kung ayaw mo magtext. Pag bukas hindi ka parin magtext o magchat. Bahala ka sa buhay mo. Kaunis ka na mokong ka. Grrr. "Ellaine"? Napalingun ako sa tumawag sa akin.
"Bakit shine"? Si Shine pala. "Sama tayo may bilhin ako okay lang ba"? Tumango ako wala naman kasi akong magawa. Ito naman nararamdaman ko kairita. Hehe aminin ko pag si Rusty kasama ko spoiled ako, naalala ko dati kung namimiss ko buhay ng bata babalik ako sa pagkabata yung acting ko. Okay lang sa kanya.
At syempre namimiss ko siya noh. Pero sa kanya hindi ko aminin sa inuo lang. Ayoko aminin sa kanya asarin lang ako nun. Habang naglakad lakad kami ni Shin napahinto ako sa isang poster. Kyaaa pwede bilhin? Hehehe ang gwapo niya dito. "Laine gwapo niya noh"? Kunot noo ko tiningnan si Shine.
"Oh bakit ganyan tingin mo sa akin"? Wala lang. "Wala tara na nga" aya ko sa kanya.
Bumili narin ako ng damit niya. "Girl bakit yan binili mo sino susuot niyan?" Tanung niya. Hindi ko siya sinagut. Nagpacounter na ako.
Nagpasama si Shine bumili ng gift sa boyfriend niya. Pagkatapos umuwi na kami gabi na kasi. Hanggang sa dumating kami boarding house panay parin kulit niya sa akin sino daw bigyan ko ng pinamili ko. Hindi ko pa kasi sinabi sa kanya.
Kinabukasan nagising nalang ako ng nagring phone ko. Sino naman tumawag disturbo sa tulog ko saan na ba yun? Kinapa ko ang phone ko hindi ko binuksan na mata ko.
"Babe morning"
"Morning din" wala pa akong gana bumati.
"Hindi ka pa gising"?
"Hindi pa, antok pa ako masyado" sagut ko sa kanya.
"Wala ka bang pasok ngayun?"
"Mamaya pa kaya lang masama pakiramdam ko" sagut ko sa kanya.
"Uminom ka ba ng gamot? Kung hindi pa? uminom ka na? Bukas pa uwi ko diyan hindi kita maalagaan." Napangiti ako.
"Mamaya na ako kakain, matulog muna ako" sagut ko sa kanya.
"Bakit ka tumawag"? Hehe ala lang trip ko siya sa tanung na ganun kahit alam ko sagut niya.
"Hmmn, kasi namimiss na kita. Gusto ko na nga umuwi kaso hindi pa pwede kasi may meeting pa ako" oh di ba alam ko sagut niya.
"Ikaw kumain kana diyan"? Tanung ko sa kanya.
"Hindi pa nga eh kasi namimiss ko luto mo babe" kaylan ba ako nagluto?
"Sige pag uwi mo ikaw iluto ko" sagut ko sa kanya. Hindi ko naman siya pinagluto ah.
"Sure babe basta ikaw" muntik na akong mahulog sa kama. Iwan ko sayo Rusty.
"Babe bye na, may puntahan pa ako.. ingat babe love you very much babe" namumula ata pisngi ko.
"Okay sige ingat sa byahe babe" sagut ko sa kanya.
"YAAHH! wala bang i love you ko?"
"Sige na. I love you babe ingat" binaba na niya ang phone..
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married to My Teacher ( COMPLETED )
Ficción General[ #12 HR in Teenfiction ] si Ellaine ay isang babae na mahilig manggulo, mangbully kaya naisipan ng pamilya niya ipakasal siya sa isang tao kilala din sa pangbabae. ngunit paano kung ang Teacher na adviser mo secretly husband mo? ok lang ba? (c) Al...