12
[ Ellaine pov ]
" I'm sorry Laine, kung nasaktan kita dati" nasa harapan kami ng room namin dahil wala kaming klase sa isang subject.
"Alam ko kulang ang sorry sa ginawa namin sayo pero maniwala ka man o hindi ikaw ang mahal ko" napangiti ako.
"Kung mahal mo ako bakit moko pinagpalit sa bestfriend ko"? Naiiyak na ako.
"I'm sorry Laine" sagut niya ng bigla may kamao dumapo sa mukha niya.
"Gago ka Jerald! May mukha ka pa iharap pagkatapos sa ginawa niyo kay Ellaine? Wala kang kwenta na kaybigan" binigyan naman siya ni Jerome ng isang kamao.
Pinahid ni Jerald ang dugo natama sa bibig niya.
"Hindi mo alam ang totoo Jerome" sagut ni Jerald.
"Anu Ellaine maniniwala ka pa ba sa kanya"? Nakatingin sa akin si Jerome.
"Tama na yan, baka maguidance pa kayo niyan at masali pa si Ellaine" pigil ni CJ sa dalawa.
Umalis ako pumunta sa likod dahil may bench doon. Umupo ako at nilagay ko sa tuhod ko ang ulo ko. Pinabayaan ko lang ang mga luha ko umagos alam ko titigil din ito. Napatingin ako sa may bigla umupo sa gilid ko at binigyan ako ng panyo.
"Kunin mo na ito" kinuha ko na din ang panyo binigay niya.
"Wag ka muna papasok sa isang subject ko" sabi niya sabay alis.
Pinahid ko na din ang mga luha ko. Napag isip isip ko dapat ko na siguro patawarin si Jerald dahil kahit anung gawin kung iyak hindi na magbabago ang lahat. Tumayo ako pumasok sa classroom namin. Pagdating ko andoon na siya nag umpisa na nagturo at ako umupo diretso sa ypuan ko.
"Okay ka lang Ellaine"? Tanung ni Lynin sa akin. Tumango ako sa sagut ko sa kanya.
"Oo naman" sagut ko.
"Ellaine! Tumayo si CJ at lumipat sa tabi ko. "Dapat hindi ka muna pumasok" sabay upo niya. At ang katabi ko pinalipat niya ng upuan.
"Sir"? Sabay taas niya ng kamay. "Sir dapat hindi muna pinapasok si Ellaine" tumingin si Sir sa amin. Agad ko binatukan si CJ.
"Yaaahhh!! Anung kala mo sa akin may sakit para hindi papasukin ngayun" sabay kamot niya sa buhok.
"Di ba umiiyak ka kanina"? Binatukan ko ulit siya.
"Porket umiyak bawal na pumasok"? Sagut ko sa kanya.
"ENOUGH"! Natahimik kaming lahat sa sigaw niya.
Pinalabas ni sir Rusty si CJ at pinalinis ng cr.
Pagkatapos sa klase namin hindi pa ako umuwi dahil may practice kami kaya pumunta agad ako sa field. Actually lahat ng fourth year high school. Pagdating namin sa field. Gulat ko andoon din siya.
"Ang gwapo talaga ni Sir lalo ng nakacombat siya bagay sa kanya" napalingun ako sa gilid ko.
Mabuti ibang platoon si Jerome at Jerald kaya walang gulo at ako nasa banda.
"Stand's straight"
"Siya daw inutusan ni sir Jay " sabi ng katabi ko.
Kinalabit ako ni Kyrie dahil pareho kami ng banda. Nilingun ko siya. "Ang landi nila Ellaine oh panay papansin kay sir" sabi ni Kyrie napatingin ako.
"Iwan ko sayo" sagut ko kay Kyrie.
Bigla tumunog phone ko binasa ko text galing kay Kyrie. "Hindi ka ba nagselos Ellaine"? Tiningnan ko siya kunot noo.
Kibit balikat lang sagut niya sabay turo sa nguso niya.
Tiningnan ko tinuro niya. Sinagut ko si Kyrie. "Hindi tsaka bakit ako magselos teacher natin siya at student niya ako" sagut ko sa kanya.
"Okay kana Laine"?gulat ko ng bigla tumabi sa akin umupo si Jerome.
Nilingun ko siya. "Oo naman" sagut ko sa kanya.
"Sorry sa nangyayari kanina" sagut niya saka yumuko.
"Napatawad ko si Jerald, Jerome tsaka matagal na yun. 3 years na" sagut ko sa kanya.
"Bakit hilig mo magparaya"? Bigla niyang tanung.
"Minsan kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao kahit ipaglaban mo pa siya kung siya talaga ang susuko wala ka ng magawa. Kahit ilang beses mo pa siya ipaglaban. " sagut ko kay Jerome.
"Alam mo kasi Jerome, kahit masakit minsan kaylangan natin tanggapin. Ang katotohanan" dagdag ko.
"So ibig sabihin wala akong pag asa sayo"? Natahimik ako sa tanung niya.
Ng matingnan ko ang stage. "Bakit siya nandito? Nakabantay ba siya kay Rusty buong araw?"
"Sino Laine"? Tiningnan ko si Jerome.
"Kilala mo siya"? Umiling ako sa tanung niya.
Pagkatapos sa formation namin. Naglinis lang kami sa field. Umuwi na ako. May practice pa kasi sila Jerome. Nakita ko sila papunta sa parking lot kaya dumiretso nalang ako sa gate. Doon muna ako sa bahay namin umuwi namimiss ko din sila mama. Kaya pumara ako ng taxi.
"GreenShadow Subdivision tayo manong" sabi ko sa driver.
Pagkarating ko sa bahay. Nag doorbell agad ako. May lumabas na at buksan ang gate. "Ma'am Ellaine"? Gulat niya sa akin."Sila daddy at mama"? Tanung ko sa katulong namin.
"Wala, si daddy mo nasa china may meeting daw si mama mo umalis " sagut niya.
"Ah okay, by the way dito ako matulog akyat muna ako sa taas" sabi ko sa kanya.
"Sige ho " sagut niya.
Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko. Namimiss ko ang kwarto ko. Humiga agad ako.
Napaisip ako buong araw ba siya andoon sa school? Tss, maganda pa naman sana pero hindi marunong magdala ng damit. Haist anu ba pinag isip ko matulog muna ako.
Nagising ako sa ingay ng phone ko. Agad ko ito sinagut at hindi ko na tiningnan ang nasa screen.
"Hello"? Sagut ko sa kabilang linya.
Tiningnan ko ang nasa screen ko. Napabalikwas ako sa higaan. Agad ko nioff ang phone ko. Hindi niya pwede malaman kung saan ako.
"Ma'am Ellaine kain na kayo" anung oras na ba.
Pagtingin ko sa wallclock 8:30 pm na pala.
Medyo nagutom na din ako kaya bumaba na ako.
Pagbaba ko. "Hija? Andito ka pala? Si Rusty kasama mo"? Sinimangutan ko si mama.
"Hi mom, wala namimiss ko lang kayo ni daddy. Tsaka ako lang mag isa" sagut ko sa kay mama sabay yakap.
"Ay bakit iniwan mo asawa mo? Baka makuha yun ng iba" sabay ayus ni mama sa buhok ko.
"Mama naman, eh" angal ko kay mama.
Niyakap ako ni mama, "alam ba ng asawa mo dito ka sa bahay"? Umiling ako.
"Nako sayo sabihan mo siya na andito ka sa bahay para hindi mag alala yun. Kawawa naman kung magworry siya sayo" sabi ni mama.
"Mama naman, " angal ko sa kanya.
"
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married to My Teacher ( COMPLETED )
Ficción General[ #12 HR in Teenfiction ] si Ellaine ay isang babae na mahilig manggulo, mangbully kaya naisipan ng pamilya niya ipakasal siya sa isang tao kilala din sa pangbabae. ngunit paano kung ang Teacher na adviser mo secretly husband mo? ok lang ba? (c) Al...