"Happy Birthday Louiella!!"
"Ay kalabaw!" GUlat na gulat siya sa pagbubukas ng pinto ay iyon ang kanyang nabungadan.Kompleto ang lahat,ang tito at tita niya,ang kanyang mga pinsan na sina Ram,at Miranda at ang kanyang ina.
"Surprise?"natatawang sabi ng pinsan nyang si Miranda.
" Ano to? Bakit nag abala pa kayo? Nakakahiya naman sa inyo."
"Ano ka ba,si Miranda nagpasimuno nito,ang sorpresahin ka,dahil minsan lang dumaan sa isang babae ang !8th birthday.dapat nating icelebrate ito kahit simple lang kahit natutol pa ang ina mo."
Napoatingin siya sa kanyang pinsan na si MIranda,Kahit hindi sila nito close,dahil na rin sa ayaw nya talagang makipaglapit dito,napakabuti pa rin nito sa kanya,sa katunayan ito palagi ang gumagawa ng paraan para magkausap sila. Ayaw niya dito dahil naiinggit siya sa babae. Napakaswerte kasi nito,nasa kanya na kasi halos lahat,prinsesa kasi ang turing dito ng lahat,at dahil dun naiinggit siya,wala na kasi siyang tatay,namatay daw sa aksidente at hindi man lang nya nakita kahit itsura nito,tapos nakikitira lang din sila sa bahay ng mga ito.
"Woi ano ka ba! NAtulala ka na dyan.Ano hindi ka pa ba papasok? Para makakain na tayo."at hinila na sya ng pinsan nyang si Ram.
Napangiti na lang siya,sa kabila kasi ng lahat,maswerte pa rin siya at mababait ang kumupkop sa kanilang mag ina.
"Tito Ramon,Tita Moria, Maraming salamat po dito,ang dami naman pong pagkaen,Miranda Thank you."at tinanguan niya ang dalaga na ngiting ngiti sa kanya.
"Wala yon,Oh tara na maupo na kayo,para masimulan na natin ang kainan. Oh Yna,upo na,wag ka ng mahiya dyan."ang tito RAmon nya iyon.
Ang daming pagkain,lahat ay paborito niya,akala nya sa panaginip nya lang pwede makain to,hindi pala .THank you Lord.
MAkatapos ang pagkaen nagpunta sila sa sala para daw umano sa birthday gifts nila . Una niyang binuksan ang bigay ng kanyang Kuya Ram.Tuwang tuwa sya ng mabuksan ang regalo nito,isang brand new cellphone na latest model pa ,halos maluha luha pa sya ng magpasalamat sa pinsan.Ginulo gulo lang nito ang buhok niya,na palagi nitong ginagawa sa tuwing magkikita sila.Mga bago namang damit ang bigay ni MIranda,ang gaganda..for the first time nagawa niyang ngitian an babae.Pero ang higit na nakakagulat ay ang regalo sa kanya ng mag asawa.
"Dahil sa kabutihang loob nyong mag ina,naisipan naming isabay ka na sa pag aaral ni Miranda ngayong pasukan."
"Talaga po??"
"Oo,dahil napansin naman naming masipag kang magaral,kaya next week ay mag aaral ka na din,naayos na namin ang lahat."
MAsayang masaya siya,habaang tahimik lang naman ang kanyang ina,pero mababakasa din sa mukha nito ang kaligayahan.
Okay ang naging simula ng pag aaral niya,pareho silang first year ni MIranda.2 Years kasi itong tumigil dail naging masasakitin ito ng highschool ito. Iba ang kursong kinuha niya kaya hindi sila magpapangitang madalas.
"Louiella! Louiella! Wait."paglingon niya si miranda pala.
"Bakit?"
"Kumaen ka na ba? Join us."yaya nito sa kanya.Napatingin siya sa mga kasama nito,pananamit pa lang,halatang mga kauri nito ang kasama,hindi sya nababagay na sumama sa mga ito.
"Mamaya pa ako kakaen,kayo na lang,marami pa akong gagawin,salamat na lang."at tinalikuran na niya ang mga ito.Narinig pa niya ang sinabi ng kaibigan nito.
"Who is she?"
"Cousin ko."
"She's so snob naman,not so pretty naman,hmmfft.."
"Yeah right,buti na lang hindi sumama ang pinsan mo na yon,at mukhang di rin naman nya gusto talaga makasama ka."
Hindi na niya narinig ang sinagot ni MIranda dahil malayo na siya sa mga ito.
***********
oops dito na lang poo muna ulit,i know ang boring ng chapter nato,but more chapters are coming..support this po,share,vote and comment.
spread ... :))
---> kazumichuro
BINABASA MO ANG
5th Element(editing)
General Fiction"She's the girl she never imagined. " Paano na lang kung ang maganda nyang buhay,almost perfect na nga ay bigla na lang nagbago sa isang iglap.. At napalitan ng isang napakagulong buhay,paano kong ang inakala mong pangalan mo ay hindi mo pala pang...