"Okay ka lang ba?"tanung niya sa babae..hindi siya natutuwang nakikitang ganun ito.
"Hindi."
Pinagmasdan niya ang mukha nito,kalmadong mukha pero ang mga mata. .napakalungkot. Tinabihan niya ito sa pagkakaupo..
"Pwede ko bAng malaman kung ano ang iniisip mo?"
Napabuntunghininga ito..tUmingin ito sa kanya..
"Pag ba sinabi ko sayo laman ng utak ko,wala kang pagsasabihan kahit kanino?"
Tumango siya..
Inayos naman nito ang pagkakaupo at meDyo isinandig ang katawan nito sa kanya..nakaramdam man ng pagka asiwa,binalewala na lang niya dahil alam nyang walang malisya iyon para dito..
"Pag naging malakas na malakas na ako,pag nagawa ko nang gamitin ang apat na elemento,ibig sabihin nun,hindi na nila ako matatalo hindi ba?Hindi na nila ako mapapatay diba?"
"Ah oo ganun na nga.."
"Gusto kong maging malakas Stof.Gusto kong matutunan lahat lahat sa lalong madaling panahon."
Kitang kita sa mukha ng babae ang determinasyon..
"Pwede ko bang malaman kung bakit napagdesisyunan ang bagay na iyan.?Anong dahilan?"
TUMingin ulit ito sa malayo saka nagsalita. .
"Sabi nga ni PRince Hans,malaki ang magiging papel ko dito..maraming umaasa sa akin..gusto kong tulungan ang mga tao ditong magkaroon ng katahimikan.Gusto ko nang tapusin ang kaguluhan.Kung talagang ako ang susi para dito,gagawin ko."TUMingin ito sa kanya.."tutulungan mo ba ako Stof.?"
"Lou..."pinagmasdan niya itong mabuti,mukha talagang seryoso ito sa sinabi,kung iyon lang ang paraan para hindi na ito malungkot,susuportahan niya ito sa lahat ng gustong gawin nito..tumango siya.. ngumiti. . "Oo tutulungan kita."
"Thank you Stof..kaw talaga pinaka bestfriend ko sa lahat..lage mo akong inuunawa."
Bestfriend?ouch!lage akong nandito kasi mahal kita..
"Syempre.."
"Dahil nakita na nila ako kanina,palagay mo ano nang binabalak nila."
"Siguradong paghahandaan nilang mabuti..dahil nakita na rin nila kung ano ang kaya mong gawin,im sure,palalakasin nila ng husto ang sandatahan nila. ."
"Kung ganun,dapat pala mas dapat maghanda narin ako,tara! turuan mo na ako..!"tumayo na ito at hinila na rin siya,hindi pa man niya lubusang alam ang mga nasa isip ng dalaga kung bakit nagdesisyon itong ganun ang gawin..hindi nya ito iiwanan..alam nyang pinipilit lang din nitong palakasin ang loob.. .
SiMula ng magusap sila,hindi na nga ito tumigil sa pageensayo,natuwa ang mga matataas sa ipinapakita niyang galing at determinasyon,ngunit siyay nangangamba sa ikinikilos ng dalaga,desidiDo talaga ito, alam nyang may dahilan ang lahat ng ito..
Nakompleto na rin nitong gawin ang lahat,nakompleto na nito ang elemento,mabilis kasi itong natuto..bukod pa sa tyaga nito at pagpupursige..
Palagay nilang lahat handang handa na din ito sa anumang hamon na pweDEng makaharap ..ngunit may isa pang tanung na hindi pa nasasagot. .ano ang sinasabi na natatanging kakayahan nito?Nagagawa nitong mas higit na malakas ang bawat elemento ngunit naniniwala ang lahat na hindi pa talaga iyon ang lahat lahat..lahat silay nag aabang sa pwede pa nitong ipakita,ngunit nabigo sila.. tinanggap nilang baka talagang hanggang duon lang,Natatangi parin naman ang dalaga dahil ito lang ang bukod tanging gumawa ng nagagawa nito.
Ang dalawang tribo ay magsasanay din at naghahanda..lumipas din ang mga araw ngunit walang bakas ng Firenia at SPianga ang nagpakita sa kanila. .
"Stof.."
"Oh ikaw pala,bakit?Gabing gabi na ah?bakit gising ka pa.?"
"Hindi ako makatulog eh.."
"BAkit naman?"
"Hindi ko alam.."
"May iniisip ka ba?"
"Marami.,"
"Gaya ng?"
"Stof,kumusta na kaya sina mommy at daDdy..si kuya Ram,si Miranda.?Naiisip din kaya nila ko?Natanggap na kaya nila na hindi talaga ako ang anak nila?"malungkot na naman ito."at higit sa lahat,makakabalik pa ba ako sa kanila.?"
"Okay naman sila,nagpadala ang hari noon ng titingin sa kanila,para masiguro ang kanilang kaligtasan. .nakabalik na sila sa normal,pero ang tungkol kay Miranda ang hindi ko alam.."
"Miss ko na sila,namimiss kaya nila ako?"
"Mahal na mahal ka ng pamilya mo,kaya malamang miss ka na din ng mga yon. . "
"Sana makabalik pa rin ako doon.."
"Pwede naman eh.."
"Talaga??"
"Oo pero. . kapag naging okay na ang lahat dito..sa ngayon hindi pa pwede.. "
"Ayyy ganun.. "hmpp..
Natatawa siya sa itsura ng dalaga.. nakasimangot ito ngunit kahit na ganun,napakaganda pa rin nito sa paningin niya..
"Stof,may plano ako.. "
"Ano yon?"
"Ready na naman ako diba?Stof,unahan na natin sila,gusto kong pumunta ng Firenia.."
Nagulat siya sa sinabi nito..
"Louiella!Alam mo ba ang gusto mong mangyari??""
"Oo. .Gusto kong kausapin ang hari doon o kahit na sinong mataas doon..para sa katahimikan ng lahat..gusto kong pakiusapan silang itigil ang lahat ng mga pinaggagagwa nila.."
"Alam mong imposible yang gusto mong mangyayari!!Hindi sila papayag.."
"Kung ganon,ipapakita ko sa kanila ang kaya kung gawin.."
Nilapitan ng lalaki ang dalaga,iniharap sa kanya..
"Loulou,alam kong kaya mo na,pero lou,marami sila,ayokong mapahamak ka..sabihin natin sa kanila ang plano mo.."
"Huwag.!Ayoko nga silang madamay dito eh kaya gusto kong ako na lang ang pumunta doon.."
"Look at me Louiella...kahit ikaw pa ang pinakamalakas saming lahat,pwede ka pa din nilang mapatay sa ibang paraan.."
Tumalikod ito sa kanya.."Kung hindi mo ako sasamahan,ako na lang mag isa ang pupunta.."
Napasabunot siya sa buhok niya,hindi niya lubos maisip na ganito ang napasok nya..desidido ang dalaga..pero hindi niya pwedeng hayaang gawin nito ang gusto nitong mangyari..
"Sige sasamahan kita,pero wag muna ngayon.."sabi niya dito.Hindi na niya napigilan ang sarili,niyakap niya ito mula sa likod.Naramdaman niyang nagitla ito..pero hindi umangal.."Lou,nangako akong hindi kita iiwan,napakadelikado ng gusto mong mangyari pero sasamahan kita,ganun ka kaimportante sakin,at sa lahat..please mangako ka sa akin na hindi ka kikilos na mag isa ha.?"
May naramdaman syang mainit na likido na pumatak sa kamay niya.."Lou?.."iniharap niya ito,umiiyak ang dalaga.."Lou bAkit?"
"Thank you Stof,for being here with me always..
nahihirapan na kasi ako Stof. .gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. . gusto kong maging normal na muli ang buhay ko.. hindi ko naman ginusto ito,pero dahil ito talaga ang kapalaran ko,kailangan kong sundin ..kailangang matahimik ng lugar na ito para na din sa ikatatahimik ko."sunod sunod ang naging patak ng luha nito..at naging mas malakas pa ang uga ng balikat nito.
BINABASA MO ANG
5th Element(editing)
Fiksi Umum"She's the girl she never imagined. " Paano na lang kung ang maganda nyang buhay,almost perfect na nga ay bigla na lang nagbago sa isang iglap.. At napalitan ng isang napakagulong buhay,paano kong ang inakala mong pangalan mo ay hindi mo pala pang...