_Chapter Nine_

154 8 0
                                    

"Lou!!You're burning!"napalayo sa kanya sina Stofan at ang iba pa.Hindi naman agad naintindihan ng dalaga ang ibig sabihin ng sinabi ng binata ngunit ng mapatingin siya sa kanyang kamay,puro apoy ito.Napatili ang babae sa gulat at takot ng makitang nagliliyab ang kanyang katawan.Ngunit nawala din iyon ng matumba siya .Dinaluhan kaagad siya ng binata,almost hysterical na ang dalaga.Checking her body if nasunog ang kanyang katawan.But its fine,walang kahit na ano.

"What the hell is that?!"

"Lou calm down. .its okay..you're fine."kahit sila Pettina ay pinakalma na din siya.

"Marahil iyon ang taglay nyang kapangyarihan mahal na hari,pero paanong apoy ang kanyang elemento gayong isa syang Acrylican."

"Marahil talagang totoo ang propesiya sa kanya ng mga Firenia."

"Ngunit walang apoy sa paligid mahal na hari."

"Pettina ang mga class 1 ay kayang magcreate ng kanyang elemento ,nakalimutan mo na ba?"

"Tama ka dyan,mahal kong kabiyak..ngunit ang batang itoy isang baguhan,wala pang alam.Marahil ang kanyang galit ang nagbunsod para lumabas ito mula sa kanya."

--------------------------

"Okay ka lang ba?Nasaktan ka ba sa pagkakabagsak mo?"nag aaalalang tanong ng binata sa kanya.

Kahit ang prinsesang nanduduon ay hindi makapaniwala. .ang dalagang itoy nagtataglay nga ng kakaibang lakas..

"How'd you do that?Nakakatakot ka kanina,alam mo ba yan?"anito

"I dont know,hindi ko alam."

"Huwag na muna natin syang apurahin mahal na prinsesa.She's not aware on how she done it."

"Tama sya anak,siguro mabuti pang pagpahingahin muna natin sya.Hija nais mo bang sa palasyo na manatili?"tanong ng mabait

na reyna sa kanya.

"Ahm dito na lang po ako."

"Oh sige,ipaguutos ko na lang na dalhin lahat dito lahat ng mga magiging pangangailangan ninyo."

Umalis ang mga ito at tanging sila na lamang tatlo ang naiwan.Napatingin siya kay Stofan.

"Stof,hindi ka ba hinahanap sa inyo?"inaalala kasi ng dalaga na baka nakakaabala na siya rito.

"Wag kang mag alala,alam na nilang naririto ako,at pinahihintulutan nila akong manatili rito hanggang makayanan mo na mag isa."and he gave her the sweetest smile.

"Bukas na lang siguro natin ipagpatuloy ito.Sasamahan ko na muna kayo sa inyong mga magiging silid."

Nang masiguradong nagpapahinga na ang dalaga.Bumalik si Pettina sa palasyo hinggil kay Louiella.

"Ano ngayon ang gagawin natin Pettina."tanong ng hari.

"Iminumungkahi ko pong bigyan natin sya ng espesyal na pagsasanay simula sa simula."

"Ngunit paano natin sya masasanay gayong ang elemento lang ng TUbig ang kaya nating ituro sa kanya."

"Dapat po natin syang dalhin sa kabilang tribo kung ganun."

"Ngunit lubhang mapanganib kung papalabasin natin sya sa kaharian,nasisiguro kung ngayon pa lang ay bumubuo na sila ng paraan para tayoy atakihin at para makuha sya satin."

"Kaya nga siguro nararapat na maturuan natin sya sa kung ano lang muna ang kaya natin,sa lalong madaling panahon.Kailangan na nyang matutunan ito.Isang malaking kaguluhan ang nagbabadya ngayon sa ating lahat."sabad ng reyna.

"Bukas na bukas din ay papupuntahin natin sa palasyo si Master Ishiharo.Siya ang guro ng dalawa kong anak."

*********************

Oops sorry kung napaikli biglang nabitin kasi hehe..

Coming na naman next chapter eh. .

------------------Kazumichuro

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon