_prologue_

1.2K 35 1
                                    

"Bilisan mo na Yoganda,nandyan na ang mga kawal..tawagin mo na si Pettina."

 NAgmamadaling lumabas ang kanyang asawa para tawagin ang kanilang matapat na katiwala na nooy isa sa mga pumipigil at nakikipaglaban para mapigilan ang mga kawal ng hari na ipinadala para kunin ang anak nila.

"Amo,tayo na po,may panahon pa para tumakas."

"Hindi Pettina,kayo lang ng anak ko ang tatakas,maiiwan kami dito  para pigilan sila para masiguradong walang makakasunod."

"P-Pero may panahon pa po kayo para sumama."

"Sige na Pettina,Mauna ka na ,sisiguraduhin muna namin na ligtas kayong makakalayo bago kami sumunod..alam mo na ang gagawin mo.Sige na"

  Walang nagawa ito kundi sumunod sa kanyang amo,wala syang karapatan na tumutol pa..Binilisan nila ang pag alis,dala ang walang kamalay malay na sanggol sa paligid nya,palayo sa lugar na iyon patungo sa lugar na walang makakasunod kaagad sa kanila.

"Morgan,ang anak natin.." bakas sa kanyang kabiyak ang pag aalala.Pero kailangan nilang tatagan sarili nila,para sa kaligtasan nito,kahit na ang kapalit nito ay ang mapalayo sa kanilang anak.

 Magkahawak kamay nilang nilabas ang mga kawal ng na ipinadala ng kanilang hari para kunin ang anak nila sa kanila,ginawa nila ang lahat para mapigilang ang pagsunod ng kahit na sino sa anak nila,ngunit nagtagumpay man sila sa kanilang planong maitakas ang kanilang anak,hindi naman nila nailigtas ang sarili sa malulupit na kawal.

*********************************************

GUys saka na ulit UD hehe i know napaka short ng update ko..busy kasi,no time but ill make sure na sa next UD ko eh mas mahaba..abangan na lang po pasensya na..

---> vote! ;)

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon