"I am so sorry,pero ang tunay na Louiella ay ikaw Miranda..pinagpalit ko kayong dalawa noong sanggol pa lang kayo..para sa kaligtasan ng hinirang,kailangan kong gawin iyon.."
"What??!"
"Sobra na ito Yna!anong pinagsasabi mo ? Sinasabi mo bang sya ang tunay naming anak ganun ba??Isang kalokohan yan!!"
"Hindi ito isang biro.totoong lahat ang sinasabi ko,ang tunay na louiella ay may special mark na nasa sa kanyang batok kung saan lumilinaw ito habang tumatanda sya,ikaw ang totoong Louiella.."at tumingin ito kay miranda..na dapat siguroy Louiella na ang itawag..
Unti unting napaupo sa sahig si Louiella,luhaan..
Kahit si Stofan ay nagulat,nalito..
"Buong buhay ko,namuhay ako sa inggit sa babaeng yan sapagkat nasa kanya na lahat,mapagmahal na pamilya,magandang buhay..tapos aano itong sinasabi nyo?Na ako ang tunay nilang anak??Kung ganun inagaw ninyong lahat sa akin ang nararapat ay sa akin??Napapunta lahat sa kanya na dapat ay sa akin!?Pano nyo nagawa sa akin ito??Minahal ko kayong parang tunay na ina kahit na ramdam kong parang anlayo ng loob ninyo sa akin.At kaya naman pala kahit kailan ay hindi gumaan ang loob ko sa babaeng yan,ay dahil inagaw nya ang lahat sa akin!NApakasama ninyong tao!!"napahagulgol na lang ang babae.
Hindi naman alam ng mag asawa ang gagawin,habang si (Miranda) ay tahimik,waring nag iisip,ngunit may mga luha sa kanyan mga mata..puno ng hinanakit..
"Pinagpalit ko ang dalawang sanggol nung nagkaroon ako ng pagkakataon,araw lang ang pagitan ng edad ng dalawa kaya sigurado akong walang makakahalata..ang inyong tunay na anak ay may birthmark sa hita,ang sa aking dalang sanggol naman ay sa batok,kaya nung mahalata nyo na nawala ang pulang marka sa hita ng inyong sanggol,ipinagpalagay nyong naglaho lang talaga ito.."
"Napakawalanghiya mo!Paano mo nagawa samin ito!! kinupkop namin kayo tapos ito pa ang igaganti mo??Tapos ano ngayong nangyayari!Ginulo nyo ang buhay namin!! Walang utang na loob!Manloloko! Sinungaling!"at sinugod ng matandang babae si Yna,wala namang ginawang ano man ang babae para pigilan ang babae sa patuloy na pananakit sa kanya.
"Ma,tama na po.."niyakap ng tunay na Louiella ang itinuring na ina.Tumigil naman ang ginang at hinarap ang babae.
"Ang baby ko.."at niyakap nito ng mahigpit..
Ang tunay namang miranda ay tinulungan ni Stofan na makatayo,hindi na ito umiiyak ngayon,may bahid na lungkot at puno ng galit ang mga mata nito ngayon.
"Ang ibig bang sabihin nito,si Louiella ay si MIranda,at si Miranda ang tunay na LOuiella na syang taong matagal na naming hinahanap?"tanong ni kyosa.
"OO,sya nga,siya nga ang tunay na anak nina Yoganda at Morgan..at ang dapat na nating gawin ngayon ay aalis na tayong tatlo dito,kasama ka Louiella(ang tunay),kailangan na nating bumalik sa pinanggalingan natin.."
"Anong sinabi mo?Matapos ninyong guluhin ang buhay namin,bigla na lang kayong aalis at kasama pa ang kapatid ko?Hindi maari ito!"
"Hindi mo sya Tunay na kapatid!sya ang tunay mong kapatid!"itinuro nito si MIranda(ang tunay)
"At paano kami makaksiguro na totoo ang sinabi mo!"
"May mga DNA tests kayong mga tagarito hindi ba,ganun lang .Pero kami ay wala ng oras para dyan,dahil kung hindi pa kami aalis dito,pati itong lugar na ito ay mapupuntahan nila at baka pati kayo ay madamay pa."
"Ma ,Pa..kuya.. sasama ako sa kanila,kung saan talaga ako nagmula,Mahal na mahal ko po kayo,at kung totoo po ang sinasabi ni at Yna,ayoko pong may mangyaring masama sa inyo.."lumapit siya sa nakagisnan nyang pamilya..
"Kuya,aalagaan mong mabuti sila mommy at daddy ha,pati sarili mo kuya..love you so much kuya..hindi nyo naman pala ako tunay na kadugo..kayo pa rin ang family ko,kaw pa rin nag iisa kong kuya..Tanggapin nyo siya at mahalin kung paano nyo ako itinuring..akward mang pakinggan na ako na ngayon si LOuiella at Sya si Miranda.. "
"Babe..."
"Kuya,i promise babalikan ko kayo..hayaan nyo na muna akong hanapin ang tunay na ako..at hindi ko malalaman ang totoo kung hindi ako sasama sa kanila.."
"Anak."
"Ma,Pa i love you..be strong..sobrang mamimiss ko kayo.."
At sa huling pagkakataon ay niyakap nya ang kanyang buong pamilya,ang nakagisnang pamilya..hindi pa man malinaw ang lahat sa kanya pero gusto nyang malaman ang lahat..lahat lahat ng tungkol sa kanya.Pagkatapos nilapitan nya si Miranda..
"I am so sorry sa lahat ng ito,hindi ko alam..pareho tayong biktima,pero gusto kong itama ang lahat ng ito kaya sasama na ako sa kanila,mahalin mo sila ha?sila ang tunay mong pamilya..sorry talaga,kung lahat ng napapunta sa akin na dapat ay sayo,hindi ko sinasadya ang lahat ng iyon.."
"Louiella,wala na tayong panahon pa..kailangan na nating magmadali,Stofan humanda ka,siguraduhin mong walang tao sa paligid bago tayo umalis."
At sa huling pagkakataon,mabigat man sa kanyang dibdib ang lahat,muli niyang niyakap ang tatlo,lahat silay umiiyak,kaya mas naging napakahirap para sa kanya ang iwanan ito ngunit hinila nan siya ng ate Yna nya.
"Anak!"
"Ma Pa,Babalikan ko kayo.."ang huli niyang salita.
-------------------------------------------
(Stofan's pov)
Tama ba ang lahat ng ito?Pero siya ang tagabantay,hindi siya maaaring magamali sa gagawin,kung si Miranda ang tunay na Louiella,paanong dun sa isa nya naramdaman yung palatandaan?
Nagpalinga linga siya sa paligid,nakikiramdam,sinisigurado na walang mga kalaban..nakita nyang papalabas na ang tagabantay at Hinirang na si Miranda,or should i say Louiella..
Tinitingnan nya ang reaksyon nito kanina habang sinasabi ng taga bantay ang lahat,nagulat ito,nalito,pero saglit lang,mas matagal itong nanahimik at parang may iniisip na malalim,at madali na rin syang napasama agad sa kanila,naniwala agad ito ng walang pag aalinlangan..Bakit kaya?
"Ano Vetonian?Handa ka na ba?Nasigurado mo naba?"
"Oo"
"Louiella,kumapit ka lang sa akin ng mahigpit,wag kang bibitaw."at may inilabas itong kwintas na may kulay asul na bato,kung tama ang hinala nya,ganun din ang kwintas na ginamit ng kanyang ama para ipadala sya sa mundong ito...wala naman syang nakikitang bahid ng takot sa mga mukha ni Louiella,kahanga hanga..determinasyon ang makikita sa mukha nito.
"opo."
At pagkasabi niyon,Lumabas na ang nakakasilaw na liwanag mula sa kwintas..at sa pagmulat nya ng mata,sigurado syang nakaballik na sya sa mundo nila..
***************************************************
Guys pakispread na lang po :))
------->KAzumiChuro
BINABASA MO ANG
5th Element(editing)
Fiksi Umum"She's the girl she never imagined. " Paano na lang kung ang maganda nyang buhay,almost perfect na nga ay bigla na lang nagbago sa isang iglap.. At napalitan ng isang napakagulong buhay,paano kong ang inakala mong pangalan mo ay hindi mo pala pang...