_Chapter Ten_

190 7 0
                                        

"Ano na Kyosa,hindi ka pa rin kumikilos dyan.!Ano bang nangyayari sa iyo!"Tanong ni Tamura sa kanyang anak."Simula ng dumating ka rito ay hindi ka na napakinabangan!"

"Nagawa ko na ang ipinaguutos nyo ama,ngunit hindi naman nagtagumpay ang mga taong inutusan ninyo.Ngayon,nandito na sila kaya kayo na lamang."

Walang nagawa ang ama nito kaya umali na lamang.Tamad na tamad na talaga itong kumilos.Naaalala at nag aalala na kasi sya kung nasaan ang Yam niya,ang huling gabing nakita nya ito ay noong gabing kaarawan nito.

Matapos nyang magpaalam kay Miranda,lumabas siya ng bahay ng mga ito kung saan nanduon lang ang mga tauhan ng kanyang ama.

"Nandyan sa loob ang ating pakay,nakasuot ng pulang damit.Tanging sila na lang ang nandyan sa loob.Yon lang ang pakay natin kaya hanggat maaari ay huwag idamay ang iba."

"Ang utos ng hari ay kunin ang babae,ngunit kung may hahadlang,ay idispatsa na rin."

Pumasok na sila ng bakuran ng mga ito.Sinimulan nilang paulanan ng bolang apoy ang bahay,at wala na syang nagawa,nag aaalala sya para kay Mirand..Nang matantya nilang malaki na ang damage na nagawa ,pinasok na nila ang kabahayan,ngunit wala na ang mga ito.

"Shit!Nakatakas sila! Sa likod ng bahay,dali!Puntahan nyo doon."ngunit wala na talaga ang mga ito.

"Shit!"
Mahihirapan na silang habulin ang mga ito.Napatingin siya sa nasusunog na bahay nina Miranda.

Im so sorry Yam..

May mga sirena ng bombero silang narinig dahilan para umalis na sila.Kapag nakabalik na sa Elemental world ang mga ito,mahihirapan na silang i trace kung nasaan ang dalaga.

Kinuha niya ang cellphone nya.Gusto nyang tawagan si Miranda ngunit nagdadalawang isip siya,mas pinili na lang nyang hindi na lang.. malalaman din naman nito kalaunan ang totoo.

Nang hindi nila mahanap ang mga ito.Nagpasya silang bumalik na rin dito.At simula nga ng dumating sya,hindi na rin nawala sa isip nya si Miranda.Kung ang balak nya lang kasi na mapalapit sa babae dahil sa totoong pakay nila,kalaunan ay nahulog na talaga ng tuluydn ang loob nya at hindi nya napigilan iyon.Totoong minahal nya ito kung kayat nahihirapan siya ngayon.Napakalayo na ng agwat nila sa isat isa at mahigpit na ipinagbabawal na umibig sila sa di nila kalahi.

At mula din ng bumalik sila,pinagplanuhan na nilang mabuti kung paano makakapasok sa Acrylica na ngayon ay nasagap nilang balita nga na may mga kakaibang tao na dumating kamakailan lamang.Marahil sila na nga iyon..ngunit kailangan pa nilang paghandaan.Hindi sila basta na lang sumugod.Isang malaking digmaan ito pag nagkataon,at ayaw pa rin naman nilang magkaganun.

"Magpunta kayo sa Sentro!Magmanman kayo,sumagap kayo ng balita."utos ng ama niya.Ito ang hari Tamura ,ang kanyang ama.Bilang anak ng hari at pagiging prinsipe,obligado siyang pamunuan ang kanilang mga gagawing hakbang kahit wala silang gana.

Nagtungo siya sa Sentro suot ang kanyang ordinaryong katawan na may nakakabit na hoodie para matakpan ang kanyang mukha.

Ang sentro ang lugar kung saan nanduon lahat ng pangangailangan ng lahat.Dito pwede ang kahit na sino.Kung sa mundo ng mga tao,isa iyong malaking pamilihan,at pasyalan na din,at iba pa,at open sa lahat ng lahi.

--------------

"Hindi ko naman po magawa Master eh..i dont even know how to handle water without spilling it.!"

Simula na ng training niya at kanina pa din niya pinipilit na gawin ang itinuturo nito sa kanya.

"Haish!! Paano ba kasi!?"bugnot na ang dalaga.

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon