_Chapter 19_ [Our moment]

111 7 0
                                    

Mukhang hindi siya dalawin ng antok kaya naman lumabAs siya ng kwarto niya at bumaba hanggang dalhin siya ng kanyang paa sa labas kung saan naroroon ang pool. . napakaganda kasi ng lugar na iyon pag gabi dahil sa tama ng liwanag ng buwan sa tubig ng pool,nagrereflect iyon kaya naman maliwanag pa din ang paligid. .

Umupo siya sa gilid ng pool at inilubog ang kanyang paa. .nilaro laro ang tubig..

"Di ka rin makatulog?"

Nagulat siya ng biglang may nagsalita..marahas siyang lumingon,at nandun din pala si Stofan na nakaupo sa isa sa mga upuan malapit sa pool..

"Ikaw pala..kanina ka pa ba dito?Di kita napansin agad.."

"OO kanina pa para masaksihan ang napakagandang tanawin.."

"Huh?Anong tanawin.."

"Wala..bakit di ka pa natutulog.."

"Di ako antukin eh,kaw din naman nandito ka pa din..ang init ng tubig noh,sarap maligo.."

"Di pa din ako inaantok.. "Unti unting lumapit ang lalaki sa pwesto niya,at umupo din sa tabi niya..

Tiningnan niya ang lalaki. .pinagmasdan ang mukha nito.. Nung una niya itong makilala,nakagaanan na agad niya ito ng loob,gwapo din ito,at maraming naghahabol dito noon. .kahit sa elemental world,ito ang kasa kasama niya,laging nasa tabi niya,and he even made all the things easy for her sa pagbabalik nya,alam nyang may sarili din itong pamilya sa elemental world,pero heto ang lalaki,katabi niya at patuloy pa rin siyang sinasamahan sa lahat..

Napalingon ito sa kanya,agad naman niyang binawi ang tingin ,napapahiyang nahuli siya nito ng tinititigan ang lalaki. .

Napangiti naman ang lalaki..namayani ang saglit na katahimikan..kaya nakaisip siya ng kapilyahan.. bigla niya itong itinulak sa tubig ..tatawa tawa siyang tumayo sa pagkakaupo..

"Lou!!argh,baliw ka talaga.."

"Hahaha..bleh, mainit naman ang tubig.."

"Tulungan mo na nga akong makaahon dito,pag ako nagkasakit,sige ka.."

Naguilty naman siya kaya inabot niya ang kamay niya dito,ngunit malaki pa lang pagkakamali ang ginawa nya,dahil ng mahawakan ng lalaki ang kamay niya,ngumisi ito."Oh oh.."Pero huli na bago pa nya mabawi ang kamay,nahila na din siya nito papunta sa tubig.. isang iglap ay lumubog na din siya,dahil nasa malalim na parte sila kaya naman hindi agad siya nakabawe..pero hinawakan naman siya ng lalaki palapit sa kanya..

"Got yah..haha.ano ka ngayon. oh di ba sabi mo masarap maligo..haha. ."

"Haha,bad ka,nag alala pa naman ako na baka magkasakit ka nga,yun pala gaganti ka lang. .hmpf.."hinampas pa niya ito sa braso.

"haha.mas bad ka,kaw kaya naunang manulak. .kaya samahan mo ako dito,pareho tayong lamigin haha. ."

Para silang mga batang nagtampisaw sa tubig..maya maya,naisipan ni Louiella,tutal naman walang makakakita sa kanila,nagpalutang siya ng tubig sa hangin..saka ibinuhos lahat sa lalaki,gumanti din naman ito..ang kanilang masayang halakhakan ang tanging naririnig sa gabing iyon. .

TUMigil lang ang mga ito,ng makaramdam na ng lamig..

"Ahon na tayo,nilalamig na ako.."

"Oh sige,mag hot bath ka kaagad ha. .bumaba ka ulit pagkatapos. .ipagluluto kita ng paborito mong soup para mainitan ka.."

"ABa gusto ko yan,sige, maghot bath ka na din ha?"

Umakyat na din naman siya pagka akyat ng dalaga, hindi nawawala ang ngiti sa labi niya,masaya kasi siya ngayon sa mga nangyayari..binilisan niya ang panliligo para maigawa na niya ng soup ang dalaga.

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon