_Chapter fourteen_

131 6 0
                                    

Nandito na kame sa Firenia,at talaga namang kinakabahan siya..isa pa talaga namang hindi na nagpapigil pa si Louiella sa gusto nito.

Ang destinasyon namin?Ang mismong palasyo..gaya ng gusto ng dalaga,gusto nyang kausapin ang hari...walang takot na mababakas sa mukha nito..samantalang siya,kanina pa kinakabahan,ang Firenia ay kilala sa mga sandata nila,dahil ang mga ito ay hindi lang sa mga elemento umaaasa..nakagawa na din ang mga ito ng mas higit na malakas na sandatahan..

Kung ano man ang kahinatnan nila sa loob ng nasasakupan ng firenia,walang makakapagsabi..

"Stof kahit nasasanay na ako sa mundong ito,naaamaze pa din ako palage.. bawat element tribe ay may kanya kanyang gandang katangian ang lugar..nakakapang hinayang lang at kailangan pang magkaroon ng pagitan ang bawat lahi. "

"We were living like this for a decade na. .marami ang sabi sabing dahilan ng reason kung bakit nauwe sa ganito,kung san nagmula ang alitan,but who really knows the whole truth diba?"

"Pero nandito na ako,we will end this..dont worry"

"Sana nga.."

Nega na kung nega,pero duda siya sa mga pwedeng mangyari..isa itong suntok sa buwan. .pero lingid sa kaalaman nito,nasabihan niya ang mga kasamahan nila hingil sa kanilang pagpunta dito. Sila na ang bahala sa kanila pag nagkagipitan na. .

He has this feeling na parang inaasahan na ng lahat ang pagpunta nila dito.. walang naging sagabal o humarang sa kanila.. Pero ang kasama nya,nakakabilib din na hindi nya nakitaan ng takot man lang.

Pagdating sa palasyo, kulang na lang ay mapaurong siya ng masilayan ang loob ng palasyo ng Firenia..parang tinipon na ata ang lahat ng mga kawal sa bulwagan ng hari..nandun din syempre si Kyosa,nakatayo sa tabi ng hari. .

May dumaang reaksyon sa mga mata ng dalaga pero hindi niya mawari kung ano yon.panandalian lang iyon at nawala na rin,naging blangko na din muli ang mukha nito..

Ang batang firenia naman ay kitang kita sa mukha ang damdamin ..

"Mabuti naman ikaw na ang nagkusang pumunta dito binibini..pwede ko bang malaman ang pangalan ng anak ni Yoganda at Morgan?"

"Ako si Louiella Yokohama,ang anak ng taong pinaslang ninyo labing walong taon na ang nakakaraan.!"

"Hahaha,magaling,alam mo naman pala,kung ganun,bakit ka kusang naparito babae."

"Gusto kong tigilan nyo na ito.!Lahat ng ito,lahat ng kaguluhang idinudulot nyo sa lahat.!BAkit ayaw nyong magbuklod lahat bilang iisang Lahi?"

"Hahahaha,hindi ko alam na patawa pala ang anak na ito ni Morgan.. sa mundo ka ng mga tao namalage,kaya wala kang alam dito,hangal!"

"Wala nga akong alam!pero gagawa ako ng paraan para matigil nyo ang mga pinaggagagawa ninyong kasamaan!"

"At ano ang kaya mong gawin laban sa akin babae?Sige nga??Paano mo kame magagawang pigilan?Wala kang sapat na kapangyarihan para talunin ako!"

"Ows?Wala nga ba?Kung ganun,kaya pala nag abala ka pang ipahanap ako sa loob ng labing walong taon,kaya pala naman gusto mo akong makuha kasi wala pala akong sapat na kapangyarihan para pabagsakin ka.?Kung ganun?Para sa lahat ng iyon?Hindi bat natatakot kang magkatotoo ang propesiya!?"

Kita niyang natigilan ito sa mga sinabi niya,alam nyang nagtatapang tapangan lang ang lalaking ito sa harap niya,nararamdaman niya ang takot nito..

Hindi siya natatakot sa mga ito..kahit na napapalibutan silang dalawa ngayon,pinag handaan nya ang araw na ito,at masasabi niyang she's ready and prepared..

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon