_Chapter 22_ [Psalm Tan]

95 4 0
                                    

Walang pormalidad kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa,pero simula ng gabing hinayaan niyang halikan siya ng lalaki.Nag iba ang tingin niya sa paligid.Ngunit hindi araw araw masaya.Hindi parin siya makaligtas sa pangungulit ni PSalm Tan.

"Ate may nagpapabigay sayo.."isang long stemmed rose ang ibinigay nito sa kanya,at ng mga sumunod niyang nakasalubong.Sa dulong pasilyo kung saan dapat ang punta niya,nakita niyang nakatayo doon si Psalm.Hindi na sana siya tutuloy pero wala ring mangyayari kung patuloy siyang iiwas.

"please lang,tigilan mo na ito."

"Bakit dahil ba nagkakamabutihan na kayo nung lalaking lagi mong kasama?Lage ko na kayong nakikita."

"Alam mo,wala ka na ron,bakit ba hindi ka makaintindi..ayaw ko sayo,kaya tigilan mo na ito."ibinato niyang lahat sa floor ang lahat ng bulaklak na ipinabigay nito.Tinalikuran niya ito at hindi na lumingon pa.Ayaw niyang makasakit ng damdamin ng iba lalo na kung wala namang ginagawang masama sa kanya.Pero kailangan niyang maging salbahe para narin dito.Dahil talagang hindi sila pwede.

Naiwan naman si Psalm na hindi na nakahuma dahil sa ginawa niya.Nakuyom nito ang mga palad.Maluha luha na rin siya ng lisanin ang lugar na iyon..

----------- ------ ----- ----- ----- -----

Psalm Tan,Nasa ikatlong taon sa Infinity ACademy..anak ng Ceo ng Tan Group of Companies

Dati nitong matalik na kaibigan si Marco Arguilles.Ang dalawang iyon ang mga pinangingilagan sa academy dahil sa kilalang bully ang mga ito,ngunit  kilala at lapitin parin ang dalawang iyon ng mga babae dahil parehong magandang lalaki na talaga namang kahit na sino ay mahuhumaling sa dalawa,ang ugat ng di magandang pagkakaunawaan ay nagmula daw sa babae.

Napailing na lang siya sa text sa kanya ni Mikaela,talagang inalam pa ng mga kaibigan niya ang tungkol sa bagay na iyon dahil nasabi niya sa mga ito ang pangungulit sa kanya ng lalaki.

"Hi."nagulat ito ng binati niya.Katabi nya ito sa klase,pero ngayon lang sya nakipag usap sa kahit na sino kaya siguro nagulat ito.Nakasuot ito ng makapal na salamin,hanggang bewang na buhok na laging nakatakip sa mga mukha nito.Kaya marahil wala siyang nakikita na kumakausap dito,dahil isa itong nerdy.

"Ahm h-hello."tila nahihiya pa nitong sagot.

"Pwede bA akong magtanung?"

"Ah s-sige."

"Kilala mo ba si Psalm?"

"Ha?"nang bAnggitin niya ang pangalan ng lalaki ay tila nahintakutan pa ito .Nagpalinga linga muna sa paligid bago tumango.

"Pwede ko bang itanung kung bakit parang takot ang marami sa kanya.?"

Nag alanganin pa itong sumagot ,wala pa namang masyadong tao sa Room kaya wala itong dapat na ipag alala,lalo pa siyang lumapit dito para kahit bumulong ito ay maririnig niya.Tila hindi ito komportable ng lalo pa siyang lumapit dito.

"Di ba nililigawan ka ni Psalm?Lagi siyang nagpapadala ng bulaklak sayo."

"Oo."

"Maswerte ka at the same time malas."

"Malas?Bakit naman."

At ikinuwento nito ang mga dapat malaman..Napatango tango siya sa mga nalaman,ngayon naiintindihan narin niya at alam alam na niya kung sino ang gumugulo sa kanya..

5th Element(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon