Chapter 1: Worst

23.2K 305 2
                                    

Kyla's POV.

Pag kagising ng umaga agad akong naligo para magising. Nag pa tugtog pa ako ng 'last night' na kinanta ng The Vamps. Ganda kaya. Habang naliligo ako hindi ko mapigilan kumanta at sumayaw, buti na lang hindi ako na dulas. Matapos kong maligo nag ayos na ako pero sandali lang dahil nerd lang naman ako. Correction mayaman kami pero mas pinili kong maging nerd. Hindi ko naman talaga ginusto na maging nerd ako ehh sadyang malapit lang talaga ako sa libro at isama mo pa ang malaking glasses ko. Pag ka baba ko nakita ko si Manang na kakatapos lang mag handa ng pag kain ko. Wala nga pala sila Mama dahil kakaalis lang nila kahapon ng madaling araw.

" Morning Manang". Bati ko kay Manang Pacing. Simula pag kabata sya na ang nag alaga sakin kaya nga ang lapit lapit ko na sa kanya. Naupo ako at kumain ng marinig kong may papasok na maingay na babae. Hay nako! Nandyan na nga sya.

" Hi best friend and hello Manang Pacing". Bati nya samin at na upo sa tabi ko at nanguha ng yogurt. Hay nako! Nandito na naman si best friend.

Meet, Abby Dela Cruz, ang aking best friend simula high school, fashionista, mabait pero ubod ng daldal. Buti nga natitiis ko ang ka daldalan nya ehh. Kumain na lang ako ng kumain hanggang kusang umayaw na ako. Pag dating namin sa University madaming ng nag aabang sa lalaking walang sawang pahiyain ako at bwisitin ako. Saktong sakto naman pala dahil kakadating nya lang din.

" ANG GWAPO MO LORENZ!!!"

" ANAKAN NYO NA AKO!!!"

" AKIN KA NA LANG KIAN!!!"

" AXEL PLS ANAKAN MO NA AKO!!!" Sigaw ng lahat ng mag babae. Ang sasagwa naman ng mga sinisigaw nila. Anakan talaga? Well kung gusto nyo silang makilala I will introduce them. Si Lorenz Marco ay isang mayaman na anak na parang kami lang at mahilig syang kumanta at parang drugs nya na ang gitara. Si Kian Fernandez mayaman din, bolero at may pagka playboy din. At ang pinaka kinaiinisan ko si Axel Blake Peterson mayaman, mayabang, ubod ng sama ang ugali. Kaya puro masasama ang mga sinasabi ko sa kanya dahil totoo naman. Hindi ko nga alam kung bakit maraming nag kakagusto sa lalaking nyan ehh napaka sama naman ng ugali. Pag pasok namin ni Abby sa room namin lahat na naman nakatingin sakin dahil sa bukod sa nerd ako hindi ako marunong mag ayos ng sarili ko inshort panget ako. Diba pati ako nilalait ko na ang sarili ko, kitang kita naman kasi.

" Bes, mag salita ka naman. Baka mawalan ka ng boses nyan sige ka". Sabi sakin ni Abby kaya napatingin naman ako sa kanya.

" Sorry huh, hindi kasi ako ganon kadaldal". Sakristang sagot ko.

" Sungit mo naman". Kumento nya naman. Napatingin naman ako sa sunod na pumasok dahil maiinagy sila. At lumabas ang mga heartthrobs. Kaklase ko nga pala sila. Bakit ko ba nalilimutan nyun ehh araw araw nila akong iniinis. Hindi ko na lang sila pinansin at nakipag kwentuhan na lang kay Abby. Sakto naman na dumating na ang prof namin kaya nag sibalikan na sila sa pwesto.

~~~

Ma tapos ang klase nag lunch na kaya nag punta na kami sa cafeteria at namili ng kakainin namin. At habang kumakain kami biglang may nakatayo sa harap namin. Napatingin naman kami at nakita namin si Farrah na halatang nag hahanap ng away.

" Ano na naman?" Walang ganang tanong ko.

" Well, i just wanna tell you that na miss kita". Sabi nya habang naka ngisi.

" Yun lang Farrah? Ngayon pwede na ba kaming kumain at pwede ka na bang umalis kasama ang panget mong mukha?" Pambabata ni Abby.

" How dare you! You assh*le". Naiinis na sabi nya samin. Ito na naman po tayo.

" Pwede ba Farrah umalis ka na lang ikaw lang naman ang nag hahanap ng away ehh". Singit ko naman.

" Well kung ganon.." Kinuha nya ang orange juice at itinapon nya mismo sa damit ko. Sa sobrang gulat pati mga tao samin nag sitinginan na rin.

" Oh my god..."

" Shocks"

" Hahaha, bagay lang sa kanya nyan". Rinig na kumento ng iba.

" Ano ka ba?! Bakit mo ginawa yun?! Tao ka pa ba?! Kasi parang hindi na ehh!" Sita sa kanya ni Abby.

" Gusto nyo pa ba?!" Nang hahamon na sabi ni Farrah. Susugurin na sana ni Abby si Farrah pero hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin naman sya sakin pero umiling na lang ako. Sakto naman na dumating ang mga heartthrobs at nakatingin din sila samin. Lumapit sila samin habang nakatungin samin.

" What happened?" Tanong ni Lorenz. "Hahaha mukang kang inihian ng aso! Hahaha!"

" tara na nga". Sabi ko kay Abby pero bago pa kami makaalis biglang nag salita si Axel.

" Teka..." Lumapit sya sakin at may kinuha sa bulsa nya, laking gulat ko ng punasan nya ang mukha ko. Anong nangyayari sa kanya? B-bakit? May nakain ba syang mali? Lahat ng nasa cafeteria gulat na gulat sa ginawa ni Axel. Kahit ako gulat na gulat sa ginawa nya. Nilapag nya yung panyo sa lamesa at nanguha ng chocolate shake. Tinapon nya sa ulonan ko kaya napapikit ako. Pero hindi pa nag tapos yun dahil itinapon nya pa sakin yung plastic na baso sa pag mumukha ko. Nag sitawanan yung mga tao at syempre may nagulat din. Hinatak ako ni ni Abby at ako naman bigla na lang tumulo ang luha ko sa sobrang kahihiyan.

" Grabe na talaga sila sayo!" Sigaw ni Abby.

" T-teka san ka pupunta?" Taning ko.

" I'm gonna report it". Sabi nya pero pinigilan ko sya.

" Hayaan mo na".

" Ha?! Nahihimang ka na ba?!"

" Hayaan mo na... Alam ko dadating din yung karma nila" Sabi ko kay Abby kaya wala din syang nagawa. Nag punta kami sa restroom at nagpalit ako. Nilinis ko na rin yung sarili ko dahil sobrang lagkit na din ng balat ko. Akala ko pa naman tutulungan ako ni Axel. At akala ko din nag bago na sya. Nakakainis! Sabagay talagang hindi naman sya mag babago. Wala nga atang pangarap yun ehh.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon