Chapter 13: Welcome back Kian

9.5K 170 3
                                    

Kyla's POV.

Ilang linggo na ang nakakalipas pero ganon pa din kami ni Axel. Away parin kami ng away. Nakaka walang gana na. Minsan naman sya mismo ang nag papahiya sakin. Last time nga tinawagan nya ako sa phone para pag utusan ng mga ka basketball team nya. Wala naman syang ginawa. Yung mga ka team nya naman walang ginawa kung hindi utusan ako ng utusan, pag hihiwa lang ng pagkain nila ako mismo pa ang gumawa. Isama mo pa si Lorenz na ang lakas din ng loob na utusan ako. Habang nag lalakad ako sa hallway biglang may tumawag.

" Hello?" Walang ganang tanong ko dahil si Axel lang naman ang tumatawag.

" Mamili ka ng 12 buger at 12 coke. Dalin mo dito sa basketball court tsaka kunin mo na rin yung bag ko locker ko. Alam mo naman na yung password". Utos nya sakin. Putik na! Ako pa talaga! Wala na ako mamagawa kaya nag punta ako sa malapit na bilihan at namili ng burgers at coke. Namili na rin ako ng sarili ko para kung magutom ko. Sa sobrang dami ng dala ko feeling ko malalaglag na. Dumaan pa ako sa locker at kinuha yung malaking bag ni Axel. Habang papunta ako sa basketball court pinag titinginan pa ako ng mga taong nadadaanan ko. Pag pasok ko palang sa loob nakita ko na ang mga ka team mates ni Axel.

" Nasaan si Axel?" Tanong ko sa lalaking ka team nya.

" Ahh nandon sa loob naliligo". Sabi nya. " Dalhin mo na sa loob yung bag ako na bahala sa pagkain namin". Dagdag nya.

" Ako?" Tanong ko pa.

" Oo naman diba slave ka nya". Sagot nya. Wala na akong nagawa kaya pumasok ako sa loob kung nasan si naliligo si Axel. Nakayuko akong nag lalakad dahil may nasalubong pa akong lalaki na bagong ligo lang din. Nang makaalis sya doon ko na hinanap si Axel. Buti naman at wala ng tao. Bubuksan ko na sana yung locker ni Axel para doon itabi yung gamit nya ng biglang may magsalita.

" What are you doing here?" Sa sobrang gulat ko napaharap ako na kinasisi ko. Napalikod naman ako dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang 6 packs abs nya. " I said what are you doing here?" Tanong nya na kinakagat ng labi ko. Buong lakas nya akong pinaharap at nag tagumpay naman sya. " Answer me..."

" A-ahh k-kasi pinapasok na ako ng k-ka team mates mo kaya wala na akong nagawa". Utal utal kong sagot.

" Lumabas ka na. Hintayin mo ako sa labas". Sabi nya.

" Akala ko ba uutusan mo lang ako kapag kailangan?" Tanong ko.

" Just go there and wait for me". Inis nyang sagot. Lumabas ako at nag punta sa malayong upuan na hindi malapit sa mga ka team mates nya. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong basketball court dahil first time kong pumasok dito. Palagi kasi tong lock dahil hindi naman madalas gamitin. Binubuksan lang to kapag may mag pra-practice na tungkol sa sport at kapag may laban laban lang. Hindi naman ako pumupunta para madoon dahil wala naman akong interst sa sport na yan. Kadalasan tuwing may laban nandon lang ako sa bahay at nag aaral o kaya naman nag babasa. Kahit sinasama ako ni Abby mabilis akong tumatanggi.

" KIAN!!!" Napatingin naman ako sa sumigaw at nakita ko rin si Lorenz na papunta kay Kian. Nag yakapan sila na parang bang isang taong hindi nagkita. Lumabas din si Axel kakatapos lang mag bihis. " Kailan ka pa dumating?" Tanong ni Lorenz na nagpuounas ng pawis.

" Kanina lang, dumiretso agad ako dito dahil gusto ko kayong magkita". Sagot ni Kian. Napangiti ako naman ako dahil dumating nasi Kian. Buti nandito na sya.

" Ohh! May sobra pang burger at coke. Saktong sakto nandito si Kian". Singit ng ka team mates nila. Bigla naman akong nakita ni Kian kaya nakangiting tumakbo sya sakin at agad akong niyakap. Ngumiti ako ng humiwakay sya sakin.

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. Hindi naman ako nakasagot ng mag salita si Axel.

" She's my slave". Sagot ni Axel na kinatingin ni Kian sa kanya.

" What?"

" Yes... It's a long story". Sagot ni Axel.

" Sige alis na ako may gagawin pa ako". Pag sisinungaling ko. Nag simula akong mag lakad pero tumalikod ulit ako para mag paalam kay Kian. Ng makalabas ako sa court nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko muna yung bag ko sa room at doon na umuwi.

" Hello po kayo po ba si Manang Mira?" Tanong ko ng makauwi ako sa bahay.

" Ahh ako nga". Sagot nya at ngumiti.

" Kayo po pala ang nag palaki kay Axel". Pangunguna ko.

" Ahh oo alam yung bata yun napaka tigas ng ulo pero mabait yun". Sagot nya. Mabait? San banda?

" Pero natiis nyo naman po sya?" Tanong ko.

" Oo naman, sadyang matigas lang ang ulo". Sagot nya. Nag kwentuhan kami ni Manang Mira hanggang mag gabi na. Masyado kaming natuwa sa pag uusap namin. Nakakatuwa pa ay mag kaibigan pala sila ni Manang Lorna. Grabe talaga. Gabi na rin nakauwi si Axel dahil nag kasiyahan pa sila dahil dumating nga si Kian. Nag palit ako ng damit at agad ding natulog. Mabilis naman akong nakatulog sa sobrang pagod.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon