Chapter 41: Scared

7.7K 157 2
                                    

Kyla's POV.

Patakbong akong lumapit sa kanya at niyakap sya agad. Ramdam ko ang pag ka gulat nya pero binalewala ko lang yun. Niyakap nya ako pabalik kahit ramdam ko parin yung pag ka gulat nya.

" Saan ka ba nag punta... Nag alala ako sayo". Sabi ko sa kanya kaya natawa sya. Sinuntok ko sya sa dibdib nya ng mahina dahil sa pag natawa nya.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Wala na akong pakealam kung hindi nya ako gusto basta masabi ko sa kanya na gusto ko sya. Kahit masakit tatanggapin ko dahil sa totoo lang ginusto ko naman to. Baka sumabog na ako kapag hindi ko pa sinabi na may gusto na ako sa kanya.
" Axel.. g-gusto kita... E-ewan ko kung papaano at kung kailan pero basta na lang nangyari... Axel gusto ki---"

Naputol yung sasabihin ko ng halikan nya ako. Nagulat ako pero sa dulo pumikit din ako at ninamnam yung halik nya. It's was really sweet and passionate na kahit ako gumanti na sa pag halik nya. Hinabol ko yung hininga ko ng makawala ako sa kanya.

" I thought you don't like me... Akala ko sasagutin mo na si Kian dahil kitang kita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. At ang sakit sakit nun para sakin, kasi kaysa sa sakin ka nakangiti ng ganon, sa ibang tao ko pa nakikita. At yung mas masakit, yung ibang tao pa ang dahilan kung bakit ka nakangiti. Ky... I like you too..." Sabi nya sakin at hinalikan ako ng marahan. Humiwalay sya sakin at napangiti ako ng mag sink in na sa utak ko na gusto nya rin ako. Nag wawala yung puso ko. Bakit ngayon ang saya saya ko.

Sabay kaming nag punta sa baba at nagulat si manang ng makita nya kami na mag ka holding hands ni Axel. Naupo kami para kumain at gulat na gulat parin si Manang.

" Manang sabay na po kayo samin". Sabi ko sa kanya at naupo naman sya. Habang kumakain kami nakatingin parin si Manang samin.

" Ahh Kyla, bakit parang may kakaiba sa inyong dalawa? May nangyari ba?" Tanong ni Manang kaya nahiya ako.

" Wala po Manang pero mamaya po meron po". Sagot ni Axel habang nakangiti kaya pinanlakihan ko naman sya ng Mata.

" Ganon ba? Sige mamaya mag tatakip na ako ng tenga". Natatawang sabi ni Manang kaya napayuko na lang ako sa kahihiyan. Pati ba naman si manang kung ano ano ng iniisip. Matapos akong kumain gumawa na agad ako ng mga assignment at activity habang ang lakas lakas ng ulan sa labas. Napapikit naman ako ng bigla kumidlat ng napaka lakas. Tae naman, takot pa naman ako sa kidlat. Gabi na rin at nakapang tulog na ako. Papatayin ko na sana yung ilaw ng biglang may kumatok. Bumungad sakin si Axel na nakapamulsa habang nakatitig sakin.

" You okay?" Tanong nya sakin.

" Oo naman". Pag sisinungaling ko kahit takot na takot na ako sa kidlat.

" You sure?" Tanong nya pa.

" Oo nga". Sagot ko at bigla na naman kumidlat ng malakas kaya napayakap na ako kay Axel. Natawa sya ng mahina at kumawala naman ako mula sa pag kakayakap sa kanya.

" Your fine huh?" Sarcastic na giit nya.

" Okay fine. Hindi ako okay". Sabi ko sa kanya. Pumasok naman sya sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.  "
What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

" Tabi tayo matutulog". Sagot nya kaya nanalaki yung mata ko. Bigla nya naman akong hinatak papunta sa kama at niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi na ako makakilos dahil sa sobrang higpit ng pag kakayakap nya sakin. Wala naman akong nagawa kung hindi tumabi sa kanya. Bago pa ako makatulog naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo.

~~~

" OH MY GOD! REALLY KYLA! KINIKILIG AKO!" Sigaw ni Abby habang pinipigilan ko syang tumili. Kaya na tinginan samin yung mga ibang kaklase namin.

" Manahimik ka nga dyan. Ang ingay mo". Saway ko sa kanya.

" So you mean. May gusto na rin sya sayo? My god Kyla, iba talaga ang kamandag mo. Ang haba talaga ng hair mo". Sabi nya sakin kaya natawa ako ng mahina. " Pero teka... Paano si Kian?" Tanong nya kaya nawala yung ngiti ko. " Kapag nalaman nyang yung totoo siguradong masasaktan sya". Dagdag nya.

" Bahala na... Ayokong lokohin sya. Mas masasaktan lang sya kung papaasahin ko lang sya". Sagot ko at saktong nag ring yung bell.

Matapos yung klase nauna na si Abby sa cafeteria. Nag lalakad lang ako ng bigla may nag takip ng bibig ko at naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa pader. Nakita ko si Axel na nasa harap ko.

" Shhh... Baka may makarinig sayo". Bulong nya sakin. " Come with me". Sabi nya sakin at sabay kaming umakyat sa rooftop. Nagulat na lang ako ng may isang lamesa doon habang may dalawang upuan at may roses na nasa gitna habang may mga petals na nakakalat. " You like it?" Tanong nya kaya tumango ako. " I wanna hear you say yes". Giit nya.

" Yes. Gustong gusto ko". Sabi ko sa kanya at niyakap sya. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Umupo naman kaming dalawa.

" Ginawa ko to dahil sayo and of course kung gaano kita ka mahal". Sabi nya kaya bumilis na naman yung puso ko. Nandoon lang kami hanggang sa nag time na kaya bumaba kami ni Axel. Ewan ko kung sekreto parin tong ginagawa namin pero masaya ako dahil gusto na namin yung isa't isa. Sana ganito na lang palagi. Walang sakit na kapalit.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon