Kyla's POV.
Makalipas ang mga araw feeling ko mas lalo ako nawawalan ng gana. Nangayayat na rin ako dahil hindi na ako gaanong kumakain. Kung nakain naman ako hindi ko naman na uublos.
" Kumain ka na kasi Kyla. Nangangayayat ka na ehh, wag mo na kawawain yang sarili mo". Singhal ni Abby habang pilit na pinapakain sakin yung pagkain na bibili nya para sakin. Umiling ako bilang sagot pero pinikit nya lang yung mata nya.
" Ayoko nga---" Hindi na natuloy yung sasabihin ko ng pasukan nya ako ng pagkain sa bunganga ko. Nginuya ko na lang yun dahil wala naman akong magagawa. Nang mag time na nag punta na kami sa sunod naming klase kaya balik to aral ulit ako. Nag focus ako sa lesson dahil feeling ko lahat ng lesson namin nung nakaraan wala sa isip ko.
Nang matapos yung klase umuwi ako ng maaga at hindi na din ako na sinundo ni Axel dahil nag practice pa sila sa basketball. Pag kadating ko ng bahay kumain muna ako bago umakyat sa taas.
" Mukang may problema ka". Singit ni Manang. Ngumiti lang ako ng pilit at mukang nahalata nya yun. " Alam kong ngiting pilit nyan ija. Sabihin mo nga sakin kung anong problema, Baka makatulog ako". Dagdag ni Manang.
" Manang mali bang mag mahal ng dalawang tao?" Tanong ko.
" Hindi naman sa mali pero kasi kapag nag mamahal ka may kapalit nyan na sakit. Tandaan mo kapatid ng saya ang sakit. Pero walang masama magmahal ng dalawang tao. Pero yung nakakasakit ka na, yun yung masama kasi hindi lang isa ang nasasaktan kung hindi kayong tatlo". Giit ni Manang habang nakatingin sakin.
" Ano pong gagawin ko? Gulong gulo na po ako". Sabi ko habang naiiyak.
" Kung ako ang papipiliin ija. Susundin mo ang tinitibok ng puso ko. Kung alam mo kung saan ka sasaya, pero yung mahal mo sya pero hindi ka masaya isa rin yun sa masama kasi hindi lang ang puso ang napapagod pati ang katawan mo. Sa sobrang pag mamahal mo sa dalawang tao hindi mo namamalayan na pati pala ang katawan mo napapagod na". Sabi ni Manang kaya tumulo na ang luha ko.
" Alam mo Kyla, alam kong nasasaktan din si Axel... Kasi nakikita ko sa mga mata nya lahat ng sakit tinatago nya.. Hindi sya nasasaktan dahil sa inyo ni Kian, nasasaktan sya dahil yung taong mahal nya nasasaktan na dapat saya ang nararamdaman". Giit ni manang kaya napatingin ako sa kanya." P-po?"
" Mahal na Mahal ka ni Axel, Kyla. Kung alam kung gaano sya kasaya kapag kasama ka nya". Giit ni Manang. Niyakap ako ni Manang kaya niyakap ko rin sya pabalik. Ganon pala talaga ang nararamdaman ni Axel para sakin. Hindi ko napapansin dahil sa sobrang dami ng problema na mas lalo ko pang pinoproblema. Ano ba tong nangyayari sakin? Siguro kung ayos na ang lahat mapapakita ko na rin sa kanya kung gaano sya ka importante sakin. Pinunasan ko ang luha ko at matapos nun umakyat ako sa taas para mag palit. Nagulat na lang ako ng may mag text sakin.
Kian:
Mag kita tayo sa park malapit sa inyo. Sana makapunta ka...
" I think you should talk to him". Napatingin ako kay Axel na nasa likod ko na pala. Napangiti ako at agad konsyang niyakap. Nag madali akong bumaba at lumabas ng bahay namin. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating na ako sa park. Madilim na rin at kakaunti lang ang ilaw na nag paliwanag sa buong park. May naaninag akong isang lalaki na nakaupo sa bench kaya agad akong lumapit. Tumayo sya ng makita ako.
" Kyla..."
" Kian, I need to talk to you". Sagot ko.
" Kian, I'm sorry kung nasaktan kita, alam kong hindi naging madali kaya sorry talaga... Kian sana mapatawad mo ako..." Sabi ko habang umiiyak. Tumayo sya sakin at niyakap ako." Ayos lang Kyla... kahit ako may kasalanan sayo. Nasaktan kita na alam kong hindi dapat. Alam ko na ang lahat... Lahat lahat". Napatingin ako sa kanya na may halong pag tataka. Umupo nya ako at huminga sya ng malalim na parang bang ang sakit sakit ng sasabihin nya. " Kyla, I know everything... Na kasal kayo ni Axel". Giit nya na kinagulat ko. Kailan pa? " Matagal ko ng alam Hindi ko lang sinasabi sayo".
" Bakit? Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko.
" Kasi akala ko may chance ako sayo... Pero akala lang pala yun. Totoo nga yung mga sinasabi nila. Maraming namamatay sa akala. Kaya Ito ako ngayon namamatay sa loob loob". Sabi nya sakin habang pilit na nakangiti. Kitang kita ko kung gaano sya nasasaktan.
" Kailan pa?" Tanong ko habang pinipigilan umiyak.
" Naaalala mo ba yung pinatakbo ka ni Mr. Choson. Nung iuuwi ka ni Axel, Hindi ako naniwala dahil nag aalala ako sayo. Kaya sinundan ko kayo, na sana Hindi ko na ginawa. Nag taka ako kasi ibang lugar kayo pupunta non. Nagulat na lang ako ng malaman kong kasal kayo..." Paliwanag nya at doon na tumulo ang luha ko. All this time alam nya ang lahat, bakit hindi nya sinabi sakin? Bakit?
" Biruin mo yun... Kyla Joy Sanchez--- Peterson, ang apilido mo. Na dapat Fernandez ang gusto kong maging apilido mo. Kahit ang sakit sakit, umaasa parin ako..." Hindi na ako maka pag salita sa mga sinasabi nya sakin. " Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan Kyla. Pero ang sakit sakit lang ehh. Kasi alam mo yung pakiramdam na hanggang best friend ka lang..."
" K-kian... I'm sorry.. h-hindi ko sinasadya na saktan ka... Kahit ako nasasaktan din". Sabi ko.
" It's okay... Siguro may nakalaan na ibang babae para sakin.. siguro hindi pa Ito yung tamang panahon pero Kyla... Promise me... Promise me na kahit anong mangyari hindi mo sasaktan ang sarili mo". Saad nya sakin. Tumango ako bilang sagot. Ngumiti ako kahit may kirot parin sa puso ko.
" Friends?" Sabi ko habang hinihintay kong tanggapin nya ang kamay ko.
" No... Best friends". Sabi nya sakin at niyakap ako. Alam kong hindi madaling makalimot sa isang Tao lalo na kung napaka importante nun sayo. Pero alam kong suuabukan yun ni Kian. Sana Kian makita mo na yung babaeng para sayo.
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano