Chapter 25: Danger

9.6K 190 2
                                    

Kyla's POV.

Naka ayos na ako para pumasok. Okay na yung paa ko kaya pwede na akong pumasok. Tatlong araw lang ako hindi naka pasok pero feeling ko ang dami dami kong hahabuling subject.

" Birthday mo na sa sabado ano balak mo?" Tanong sakin ni Abby habang papasok kami ng room.

" Ewan". Sagot ko. Papasok kami ng room ng biglang tumawag si Mama. Na excite naman ako dahil tuwing birthday ko umuuwi sila kaya sinagot ko yung tawag.

" Ma?" Bungad ko.

" Good morning sweetie... Im sorry dahil hindi kami makakapunta sa birthday mo. Napaka dami naming gagawin ng Papa mo dito kaya were sorry". Paliwanag ni Mama kaya nawala yung ngiti ko.

" Ganon po ba? Okay lang po". Pag sisinungaling ko.

" Were really really sorry... Don't worry were make it up to you when we got home there.. Bye sweetie". Paalam ni Mama kaya pinatay ko na rin yung phone ko. Buong klase akong nakasimangot dahil sa nangyari kanina. First time kasi nilang hindi makakapunta sa birthday ko. Dati naman nasisingit nilang pumunta dito para lang sa birthday ko pero bakit ngayon hindi nila magawa? Naiiyak ako...

" Okay ka lang?" Tanong ni Abby habang nag aayos sya ng locker nya. Tumango ako at ngumiti ng pilit. " Don't worry nandito naman ako para i-celebrate natin nyang birthday mo ehh. Isama mo pa sila Kian". Dagdag nya kaya ngumiti ako.

" Paano mo nalaman?" Tanong ko kaya napaiwas sya ng tingin sakin.

" Hehehe. Alam mo naman ako may pag ka chismosa". Sagot nya kaya napairap ako. Pag pasok namin sa cafeteria nag lunch agad kami pero kakaupo palang namin ng makarinig kami ng chismis.

" Totoo bang wala na si Mr. Choson?" Tanong ng isa babae.

" Oo. Kanina nga nag punta ako sa faculty at nakita ko yung lamesa nya wala ng mga gamit.. At kaya daw wala na sya dahil daw kay Axel". Sabi nung babaeng kausap nya kaya naging interesado kami ni Abby. Ano naman ang kinalaman ni Axel dyan?

" Weh?"

" Yes.. At alam mo ba, basta basta na lang ni Axel finired si Mr. Choson. Wala man lang syang sinabi dito kung bakit sya finired". Sabi nito kaya nag katinginan kami ni Abby.

" Kyla, di kaya yun sa pagpatakbo sayo ni Mr. Choson ng 30laps? Kasi nung kinausap ko si Axel last time sa nangyari sayo bigla nya na lang ako binunggo at dali daling pumunta sayo... Is that mean na may pag tingin na sya sayo?" Giit ni Abby kaya napaisip ako. Ayun nga ba? Kailangan kong makausap si Axel.. Hindi naman pwede ng dahil sakin finired nya si Mr. Choson. Tumayo ako para umalis ng mag salita si Abby. " Where are you going?" Tanong nya.

" Kilangan kong makausap si Axel". Sagot ko at tumakbo para hanapin sya. Pumunta ako sa tambayan nila pero si Kian at si Lorenz lang ang nandoon. " Nasaan si Axel?" Tanong ko sa kanila.

" Bakit pawis na pawis ka?" Balik na tanong ni Lorenz.

" Sagutin nyo na lang ako!" Sigaw ko sa kanila.

" He's in the rooftop". Mahina na sabi ni Kian pero sapat na para marinig ko.

" Thank you". Sagot at tumakbo para pumunta sa rooftop. Nakakainis! Bakit kailangan nyang i-fired ang isang taong wala naman kasalanan. Kasalanan ko kung bakit ako tumakbo ng 30laps, malinaw naman na, nalate ako kaya dapat lang na may parusa ako. Pag pasok ko ng rooftop nakita ko si Axel na nakahiga sa isang mahabang upuan at nakapikit. Napamulat naman sya ng makita ako.

" How did you know I'm he---"

" It doesn't matter". Putol ko sa tanong nya. " Bakit?" Tanong ko.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon