Kyla's POV.
Pag gising ko ng umaga walang Axel ang bumungad sakin. Naupo ako para kumain pero habang kumakain ako napaka tahimik. Ibang katahimikan ang bumabalot sa loob kaya nailang ako. Nasan na ba kasi si Axel? Baka pumasok na yun? Matapos kong kumain umalis agad ako at pumasok sa University.
Pero pag pasok ko agad ng room wala parin si Axel pero nandon na si Kian at Lorenz. Nakita ko si Abby kaya umupo ako habang nakatitig parin sa pwesto ni Axel.
" Si Axel?" Tanong ko.
" Ewan ko. Hindi mo ba sya nakikita?" Balikat na tanong ni Abby.
" Itatanong ko ba sayo kung alam ko?" Pilosopong sagot ko. Umirap na lang sya dahil sa sinagot ko sa kanya. Nag ring yung bell kaya saktong dumating na yung prof namin. Nag simula na yung klase pero hindi nag papakita si Axel. Saan naman kaya yun ng punta? Baka na pano na yun ahh.
" May bumabagabag ata sayo Kyla?" Tanong ni Abby habang kumakain ng lunch.
" Hindi ko alam ehh. Nag aalala kasi ako kay Axel. Mula kahapon hindi ko sya nakikita. Baka may nangyayari na sa kanya ehh". Sabi ko habang may halong pag aalala.
" Baka naman nag papahinga lang". Sagot nya pero umiling ako.
" Hindi ko rin sya nakita sa bahay". Sagot ko. Naging seryoso naman ang mukhang nya at nag pakawala ng malalim na hininga.
" Kyla. Sabihin mo nga sakin yung totoo. May gusto ka na ba kay Axel?" Tanong kaya natahimik ako. " Answer me". Sagot nya pero hindi parin ako makasagot. " Ano bang naramdaman mo sa kanya tuwing kasama mo sya?" Tanong nya.
" Tuwing kasama ko sya feeling ko ligtas ako sa kanya. Feeling ko hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Kahit panay kaming nag aaway feeling ko mas masaya yun. Kahit na bwiset na bwiset na ako sa kanya. When I'm with him I'm really grateful na napangasawa ko sya. Kahit arraigned marriage lang kami, masaya ako tuwing kasama ko sya. Tuwing napapahamak ako nandyan sya para sakin... At tuwing hinahalikan nya ako feeling ko tumitigil yung oras". Saad ko.
" OH MY GOD KYLA!" Tili ni Abby.
" You like him! You really like him". Sabi nya kaya napangiti ako. Siguro nga gusto ko na sya." Siguro nga". Sabi ko na lang.
" Anong siguro. Wala ng sigu-siguro. Gusto mo na sya 100%". Sabi nya sakin habang kilig na kilig sya.
" Tatawagin ko sya. Kailangan masabi mo na sa kanya yung totoong mong nararamdaman". Sabi nya at kinuha yung phone nya at sinubukang tawagan si Axel. " Cannot be reach". Giit nya." Subukan mo ulit". Sabi ko kaya tinawagan nya ulit pero ring lang to ng ring.
" Hindi talaga sya sumasagot". Giit ni Abby kaya tumango na lang ako. Dumating naman si Lorenz at Hindi kasama si Kian.
" Lorenz pwede bang tawagan mo si Axel?" Pag pipilit ko sa kanya.
" Bakit?"
" Hindi ko alam pero nag aalala na ako sa kanya... At gusto ko na sya". Sabi ko sa kanya kaya lumawak yung ngiti nya.
" I knew it! I knew you like him". Sabi nya sakin at agad agad na kinuha yung phone nya. Katulad nga kanina ring lang din ng ring yung phone no Lorenz. Mukang busy talaga sya. Busy sa ibang babae.
" What's happening here?" Sumulpot naman si Kian kaya tumayo ako.
" Pwede mo bang tawagan si Axel?" Tanong ko kaya tumango sya. Sinubukang nyang tawagan si Axel pero katulad kila Abby at Lorenz Hindi nya sinasagot.
" Wag na mo syang tawagan. Mukang busy sa iba". Sabi ko kaya tinago nya nung phone nya. Umupo si Kian sa tabi ko.
" Gusto mo bang gumala Kyla?" Tanong ni Kian.
" Sorry. Pero Hindi muna... Pagod na kasi ako". Pag dadahilan ko.
~~~
Nang matapos yung klase umuwi agad ako dahil sa pagod din siguro at sa sakit na nararamdaman ko. Masakit dahil kung kailan gusto ko na si Axel doon sya mawawala. Sa totoo Lang may lahi ba syang mag nanakaw? Bigla bigla na lang syang mawawala na para bang ang laki laki ng kasalanan nya. Paano ko masasabi yung totoong nararamdaman kung wala sya dito. Pero... Paano kung Hindi nya ako gusto? Bigla naman along may naramdaman na kirot sa puso ng maisip ko yun.
Nag punta ako sa terrace at nag nilay nilay na lang doon. Hindi ko alam kung among meron sakin at kung bakit nag kagusto sa isang Monster devil evil guy na katulad nya? Pero siguro hindi naman sya ganon kasama. Palagi syang nandyan tuwing napapahamak ako. Nandyan sya para iligtas ako sa mga bagay na kinapapahamak ko. Napalingon naman ako ng makarinig ako ng yapak papunta dito. Napangiti ako ng makita ko sya.
" Axel..."
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano