Kyla's POV.Naglalakad kami sa hallway ni Abby dahil umaga na naman. Papunta palang kami sa room ng may tumawag sakin. Kinuha ko yung phone ko at sinagot ko ang tumatawag.
" Ma? Kamusta kayo dyan?" Tanong ko.
" Were alright... Anak baka sa ilang days uuwi na kami dyan. May importanteng kasi kaming gagawin ng daddy mo dyan". Sabi ni Mom. Buti naman at makakasama ko na ulit sila.
" Agad Ma? That's great news Mom". Sabi ko habang nakangiti.
" Ok, we gotta anak. See you soon. We love you". Sabi ni Mama at inilagay ko na sa bag ko yung phone ko.
" Bakit daw?" Tanong naman ni Abby.
" Baka daw mapaaga yung balik nila dito". Sagot ko. Pag pasok namin sa room wala pa naman masyadong tao. Kaya gumala muna kami ni Abby.
Kian's POV.
Nandito kami sa tambayan habang kumakain kami ng pizza nila Axel at ni Lorenz. Nilibre ko sila ng pizza dahil naging kaibigan ko na si Kyla. Kanina pa sila tanong ng tanong kung bakit ako nag pa- pizza dahil minsan lang ako man libre sa kanila. Kadalasan si Lorenz ang nang lilibre dahil hindi sya kuripot.
" Sabihin mo na nga kasi pre, bakit ka nag pa pizza?" Tanong ulit ni Lorenz. Kanina pa sya tanong ng tanong para syang naiihi na ewan. Si Axel naman dalawang tanong pero ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.
" Gusto mo ba talagang malaman?" Balik na tanong ko sa kanya.
" Oo nga! Kanina pa". Sabi nya sakin. Kumagat muna ako ng pizza saka nag salita.
" Naging kaibigan ko na si Kyla". Sabi ko kaya nabuluan si Lorenz.
" What?" Singhal ni Lorenz sabay inom.
" What? Wala naman masamang maging kaibigan sya right? Tsaka wala naman syang ginawang masama satin right? Si Axel kasi ehh kung sino gustong pag tripan gagawin lahat ma bwisit lang yung isang tao". Saad ko. Napatango naman si Lorenz ng tanungin ko sila about kay Kyla. Bigla naman may tumawag kay Axel at halata sa itsura nya ang pag ka irita.
" Who's that?" Tanong ni Lorenz.
" It's my dad. I think isasama nya na naman ako sa f*cking business nya". Sagot nya.
" Bakit kasi ayaw mong maging business man katulad ng daddy mo?" Tanong ko.
" I'm not interested". Maikling sagot nya. Nag patuloy na lang kaming kumain habang ako masaya parin.
Kyla's POV.
Matapos ang lunch hindi ko nakikita yung mga heartthrobs pati na rin si Farrah. Buti naman at hindi ko sila nakikita. Nag lalakad kami ni Abby habang lahat ng nadadaan namin nakatingin samin.
" What's wrong?" Tanong sakin ni Abby pero nag kibit balikat lang ako. Tumingin naman ako sa likod at nakita ko si Kian na sumusunod pala samin. Or sakin lang?
" Hi". Bati nya sakin hinatak naman ako ni Abby kaya napatingin naman ako sa kanya.
" Hoy! Layuan mo nga kami! Wag mo nga kaming sundan!" Singhal ni Abby kay Kian.
" Hindi naman kita sinusundan ko ahh. Si Kyla ang sinusundan ko kaya akala mo pati ikaw ang sinusundan ko". Sagot nya kay Abby.
" Pwede bang wag mo akong sundan Kian? Nag mumuka ka kasing body guard ko". Sagot ko sabay ayos ng salamin ko.
" Gwapong body guard". Pag tatama nya sabay kindat.
" Tara na nga baka masapak ko lang to". Sabi ni Abby at umalis na kami habang si Kian nakatayo pa rin doon. Pag pasok namin sa room saktongn pag pasok din ng mga heartthrobs. Habang nakaupo ako at naka yuko may narinig akong nagsalita.
" Pwede ba tayong mag palit ng upuan muna?" Tanong nya sa katabi kong lalaki. Pumayag naman yung katabi ko kaya umupo si Kian sa tabi ko at ngumiti. Gusto ko sanang mag tanong pero nag turo na ang prof namin. Habang bussy ako sa pakikinig may binigay sya saking papel. Binuklat ko naman ito at binasa.
" Gala tayo?" Tanong nya. Nanguha naman ako ng ballpen at nag sulat din.
" Hindi mo ba nakikita bussy ako". Binigay ko sa kanya ang papel.
" Sige na best friend".
" Were not best friends". Sagot ko.
" Diba sabi ko kaibigan na kita". Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti, pinunit ko ang papel sa harap nya kaya na speechless sya. Kinuha ko yung kamay nya at ibinigay ko sa kanya yung punit na papel at. " Stay away from me". Saad ko at bumalik na sa pakikinig. Matapos yung klase nag siuwian na kami pero ako dumeretso muna ako sa restrrom para mag C.R. Pag ka labas ko nakita ko si Axel na may kausap sa phone nya kaya napansin nya rin ako. Nag lakad na lang ako para maka uwi pero may tumawag din sa phone ko.
" Hello?"
" Hello best friend!" Bungad sakin ni Kian. Paano nya nakuha ang phone number ko?
" Paano mo nakuha ang phone number ko?" Tanong ko sa kanya.
" It's a secret... Ano gala na tayo?" Tanong nya.
" No. And Im not your best friend". Sagot ko sabay patay ng phone ko. Nakakainis! Nag lakad na hanggang sa makauwi na ako.
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano