Chapter 22: Outsider

8.8K 174 0
                                    

Kyla's POV.

Matapos ang klase nag lunch kami ni Abby. Sakto naman na dumating yung tatlo kaya kumain kami. Pero bago pa kami kumain dumating agad si Farrah kaya napatigil kami.

" Hello. Can I join?" Tanong nya pero agad din syang umupo kahit wala pa naman kaming sinasabi. " Axel, gusto mo nitong dessert ? Alam ko kasing hindi ka kumakain nito kaya i-try mo. Favorite ko nga to ehh". Sabi nya pa kay Axel at susubuan sana sya nito pero bigla sumabat si Lorenz.

" Ayaw nya kasi nyan. Para sa kanya, nyan ang pinaka worst na pagkain na tinikman nya dati nung bata sya". Giit ni Lorenz kaya napatawa si Kian ng mahina. Napahiya naman si Farrah ng sya na lang ang sumubo ng kinakain nya. " Alam mo ba ang favorite ni Axel? Nyang dessert ni Kyla ang favorite nya. Halos araw araw ata ayan yung kinakain nya. Kyla akin na yan". Kinuha ni Lorenz yung dessert na nasa isang plato at binigay kay Axel. " Bro, this is for you".

Tumingin naman ako kay Axel na ngayon naka titig sa dessert. Mukang favorite nya nga talaga. Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sya sakin.

" Ganon?" Kinuha ni Farrah yung dessert. "'Here..." Susubuan na sana si Axel ng mag salita.

" I'm not a baby". Giit nya dito at kinuha yung plato at tinidor at kinain yun. Napatawa naman ng mahina sila Lorenz at Kian ng mapahiya si Farrah. Pagkatapos ng lunch kami na lang ang magkasama ni Abby. Nag lalakad kami sa hallway.

" Hindi naman talaga ako makapaniwala sa ugali ni Farrah. Nag tanong pa sya kung pwedeng maka join ehh uupo din naman pala". Giit nya habang hindi makapaniwala.

" Oo pero alam mo naman yung babaeng yun, maldita". Sabi ko.

Lumipas yung buong oras hanggang sa mag uwian. Naisipan ni Abby na tumambay kami hanggang sa mag gabi. Kung hindi lang sya nagutom hindi pa sya uuwi. Pababa na ako ng hallway ng bigla may humatak sakin habang nakatakip yung kamay nya sa bibig ko. Kumakalas ako sa kanya ng dalin nya ako sa isang room.

Tumingin ako sa lalaking yun at nakita ko si Axel. Inalis ko yung kamay nya at mag sasalita sana ng harangin nya ang labi ko.

" Shhh..." Giit nya. Inalis nya yung kamay nya at sumilip sa labas.

" Ano bang ginagawa mo at kailangan mo pa akong idamay sa kalokohan mo?" Bulong ko. Hindi sya sumagot pero agad din nanlaki ang mata ko ng may makita akong mga students na hindi nag aaral dito.

" Bakit may mga outsider dito?" Tanong ko.

" It's a long story... Dati kasi nabubog ko sila kaya ayan hinahanap nila ako para gumanti". Sagot nya. Sya naman pala yung may kasalanan.

" It's your fault... Kung hindi mo kasi sila binugbog edi sana hindi ka nag tatago ngayon". Sagot ko sa kanya.

" Shup up". Bulaslas nya pero huli na dahil nakita na kami ng mga kaaway nya.

"'Ayun!" Sigaw ng isang kasama nila. Hinatak ako ni Axel papalabas kaya sinundan din kami ng mga kaaway nya. Takbo lang kami ng takbo kahit hindi na namin alam kung saan kami pupunta.

" Shit!" Malutong pa nyang mura habang tumatakbo kami. Tumingin ako sa likod ng makita ko na wala ng nakasunod samin.

" Nasan na sila?!" Rinig kong sigaw ng lalaki. Halatang malaki talaga ang kasalanan ni Axel sa kanila.

" Hanapin nyo dali!" Kinabahan naman ako bigla dahil sa narinig kong pag takbo ng iba. Hinatak ko si Axel at nag tago kami sa isang malaking puno at napapagiliran ng mga halaman at iba pa. Buti na lang makakapal yung mga halaman at hindi kami nakikita. Kahit hingal na hingal na ako pinipigilan ko paring hindi marinig yung pag hinga ko.

" Bakit mo ba kasi sila binugbog?" Bulong ko.

" Nauna sila kaya binugbog ko sila. Kaya ayan nadala sila sa ospital". Bulong nya sakin. Ganon ba talaga kalala yung nangyari sa kanila? Grabe naman pala si Axel.

" Nakita nyo na ba?" Agad na tinakpan ni Axel yung bibig ko ng makarinig kami ng boses. Talagang dito pa sila pumewesto sa harap ng pinagtataguan namin. Nakakita naman ako ng patalim sa isang lalaki kaya napapikit na lang ako.

" Hindi pa... Nasan na kaya yung siraulong yun? Ngayon nadamay pa yung kasama nyang babae". Sabi nung isang may hawak na patalim.

" Sinong nandyan?!" Nakarinig naman kami ng sigaw at boses ng guard namin yun.

" Tara na... Bilisan nyo!" Tumakbo sila kaya napahinga ako ng maluwag. Inalis ni Axel yung kamay nya sakin pero hindi pa kami umaalis.

" Bakit ayaw mo pang umalis?" Tanong ko.

" Hindi ka ba nag iisip? Kapag nakita tayo ng guard tayo ang pagkakamalan". Giit nya. Mukang umalis na din yung guard dahil nawalan na rin ng ilaw na nanggagaling sa flashlight. Tumayo ako pero hinatak ni Axel yung kamay ko kaya nagkalapit yung mukha namin sa isa't isa. Nasa ganoong posisyon kami dahil hawak hawak parin ni Axel yung kamay ko. Tumayo ako ng pakawalan nya na ang kamay ko.

" Come with me..." Saad nya at hinatak ako papalayo. Sumakay ako sa kotse nya at pinaandar nya naman to. Hindi pa ako kumakain.. Nagugutom na ako.

" Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

" Just shut---" Naputol yung sasabihin nya ng kumalam yung sikmura ko. Napatingin sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Nag patuloy syang magmaneho hanggang sa nakarating kami sa korean store na parang 7/11 lang din. Pumasok kami doon hanggang sa nanguha na sya ng makakain nya. " Mamili ka na... My treat". Saad nya habang namimili. Kumuha ako ng noodles, bimbimbap, at ng maiinom. Niluto ko yung noodles sa microwave at ng maluto yun naupo ako para kumain. Tumabi sakin si Axel at kumain na din.

" Paano kung balikan ka nila?" Tanong ko.

" Paano kung ikaw ang balikan nila?" Balik na tanong nya. " For sure namukaan ka nila". Dagdag nya pa. Napatahimik naman ako sa sinabi nya. " Don't worry... I'm here for you". Giit nya na kinatigil ko. Is he being sweet to me? Ano ba tong nangyayari? Ano bang nakain nya? Tinabi ko yung chopsticks at hinawakan sya sa pisngi. Tinignan ko kung may mali ba sa kanya pero wala naman.

" Ano bang ginagawa mo?" Tanong nya. Tumigil na ako sa pag hawak sa kanya at nag patuloy na lang sa pagkain.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon