Kyla's POV.
Habang kumakain kami nila Mama Joana hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kasalanan ko kasi ito ehh. Pinagkamalan pa tuloy kaming may ginagawa. Habang nauusap silang dalawa ako naman dito nakikinig lang.
" Kyla... What do you think kung mag anak na kayo?" Tanong ni Mama Joana.
" Po?"
" Mas maganda kasi kung mas maaga dahil mas mababantayan nyo ang isa't isa". Sagot ni Mama Joana. Ito na naman po tayo!
" Mom stop it..." Singit ni Axel.
" Naku naman kayo. Kanina nga lang gusto nyo ng gawin ehh". Natatawang giit ni Mama Joana.
" Mali po kayo ng iniisip... Nadulas lang po kami kaya ayun nga po". Paliwanag ko.
" Kung ganon... Gawin nyo na ang nararapat". Sabi ni Mama Joana. Na pakamot na lang ako ng batok ko dahil sa sobrang hiya. Habang pinag papatuloy ko yung pagkain ko May naramdaman akong humahawak sa binti kaya napatingin ako kay Axel na naka ngisi. Putik! Anong nasa isip nya? Tinabig ko naman yung paa nya at pinanlakihan sya ng mata pero ngisi lang ang nakuha ko. Nakakapikon na tong lalaking to.
" O sige na.. I need to go". Sabi ni Mama Joana kaya tumayo kami para ihatid sya. Pag kadating namin sa pinto doon na si Mama Joana nag paalam.
" Ikaw ha! Napaka bastos mo talaga!" Sigaw ko sa kanya at umakyat sa taas. Nag palit ako ng damit at nagbasa muna ng libro bago matulog. Papatayin ko na sana yung ilaw ng biglang may kumatok. Si Manag Mira kaya yun? Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Axel.
" Gusto mo na?" Tanong nya na kinakunot ko.
" Ha?"
" Gusto mo na bang gawin?" Tanong nya na kinalaki ng mata. Ang libog nya talaga! Sakto naman na hawak ko parin yung libro kaya pinag pupokpok ko yun sa kanya.
" Ang libog mo talagang lalaki ka! Ang bastos bastos mo! Wala ka talagang ginawang maganda!" Sigaw habang sya naman aray ng aray.
" Aray! Aray! Ano ba stop!" Sigaw nya rin at hinawakan ang pareho kong kamay. Bigla namang naging seryoso ang mukha nya kaya napa lunok ako. Isip isip... Kyla mag isip ka na pwede mong iganti sa kanya. Agad ko namang tinapakan yung paa kaya napa sigaw sya sa sobrang sakit.
" Shit... Shit... Shit..." Bulong nya habang hawak yung paa nya na parang naiiyak na.
" Wag kang malibog naiintindihan mo!" Sigaw ko at sabay sarado ng pinto. Sa sobrang pag kainis ko sa kanya hindi agad ako naka tulog ng maayos.
~~~
Nandito na ako sa room habang si Abby todo maka make up. Nag babasa lang ako ng libro dahil wala pa naman ang prof namin.
" Okay na ba?" Tanong ni Abby sakin.
" Muka kang clown". Sagot ko habang natatawa.
" Ikaw naman, hindi mo ba alam na nasasaktan ako?" Giit nya.
" Hindi. Hindi naman ako ikaw hindi diba?" Pilosopong sagot ko. Napatingin naman ako sa pinto na sila Axel, Kian at si Lorenz na ang pumasok. Ngumiti ako ng nginitian ako ni Kian. Napatingin naman ako kay Axel na ang samasama ng tingin sakin. Napaiwas naman ako, may binabalak na naman siguro tong lalaking to. Matapos ang ilang oras nag lunch na kaya diretso cafeteria kami ni Abby. Hindi pa ako nakakakuha ng lunch ko ng tumawag si Axel. Sabi ko na nga ba ehh! May binabalak yung lalaking yun.
" Hello?"
" Come here". Sabi nya kaya kunot noo kong hinanap yung pwesto nila. Pinatay ko yung phone ko at nag punta sa pwesto nila. Kasama ni Axel ang mga ka team mates nila kaya napa irap na lang ako.
" Ano pong maiipaglilingkod ko sa inyo Master devil evil guy?" Tanong ko na may halong sarcastic tone.
" Master devil evil guy?" Tanong ni Lorenz.
" Oo! Dahil nyang kaibigan nyo wala ng sasama sa kanya!" Sigaw ko na hindi kalakasan para naman hindi mapunta ang atensyon ng iba.
" Tsk". Sagot na lang ni Axel. " Hindi kita pinatawag para utusan". Sabi nya.
" Hindi naman pala ehh". Bulong ni Abby sakin.
" Tinawagan kita para utsusan". Sabi nya sakin kaya napapikit ako sa inis. Lakas tama talaga tong lalaking nasa harap ko.
" Bro, wag mo ng utusan si Kyla". Singit ni Kian. Sya lang talaga ang mabait sa kanila. Akala ko talaga noon playboy sya. Pero mali talaga ako.
" No, gagawin nya to dahil may kasalanan sya sakin". Sagot ni Axel.
" Ano yun?" Tanong lahat ng ka team mates nya.
" Maglilinis ka ng buong basketball court". Sagot nya na kinalaglag ng panga ko.
" Sira ka ba?!" Sigaw ko sa kanya.
" Bro, are you serious?" Tanong ni Kian.
" I'm f*cking serious". Seryosong sagot ni Axel. Tumayo sya para umalis pero may sinabi pa sya. " Pag katapos mong malinis ng court gawin mo lahat ng assignments ko". Sabi nya. Sa sobrang pag kapikon ko hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasipa ko na ang balls nya. Sa sobrang sakit napamura sya ng malulutong.
" F*ck!" Sigaw nya sa sobrang sakit. Maraming nakatingin samin.
" Axel!" Sigaw ni Farrah. Lumapit sya kay Axel at inalalayan tumayo. Mura parin sya ng mura, susugurin sana ako ni Farrah pero pinigilan sya ni Kian at ni Lorenz.
" Kyla your gonna pay for this". Bulong ni Axel pero sapat na para marinig ko. Hinatak ako papalabas ni Abby at nang makalabas kami nakangiti sya sakin.
" I'm so proud of you". Sabi nya sakin at nakipag apir. Pero sa totoo lang iniisip ko ang sinabi ni Axel sakin. Paano na? Nakakainis kasi sya! Sumosobra na talaga sya! Kagabi napaka pervert nya tapos ngayon kung makapag utos wagas. Hindi nya naman talaga ako slave. Pero paano kung mas malala pa ang gawin nya sakin? Paano kung sa susunod nasa kabaong na ako? O kaya barilin nya ako ng hindi ko alam. Baka mamaya sabihin nya sa buong University na kasal kami tapos makikita na lang nila ako nasa kabaong na nilalamayan na lang.
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano