Kyla's POV.Pag ka dating ko ng University ako na ang pinag titinginan. Syempre kakapasok ko lang ulit kaya ako na naman ang pinag titinginan. Bago pa ako makaupo ng tuluyan sa upuan ko nakita ko na lang si Axel na nasa harapan ko.
" Mamayang uwian mag kita tayo". Malamig na sabi nya at umalis. Napatingin naman ako sa mga ibang kaklase ko na nag bubulungan. Siguradong narinig nila yung sinabi ni Axel. Saktong pag dating naman ni Abby na mayrong malapad na ngiti.
" Naku bes. Buti naman at nandito ka na. Alam mo bang ang hirap mag palusot na nag kasakit ka". Bungad nya sakin. " Ayy teka. Kyla... May nangyari ba?" Tanong nya kina kunoot ng noo ko.
" Ha?"
" Alam mo na. Yung mga ginagawa ng mga bagong kasal". Saad nya na kinalaki ng mata ko.
" Ano ba? Wag ka ngang maingay dyan! Mamaya marinig ka nila!" Saway ko sa kanya.
" Sige na kasi sagutin mo na ang tanong ko".
" Wala okay. At kahit kailan walang mangyayari samin na ganon". Sagot ko na kinabusangot ng mukha nya. " Pero may nangyari maganda". Sagot ko. Hindi naman sya sumagot at hinintay nyang ako na ang mag salita. " May nangyari sa kanila ng isang babae na may asawa na". Sagot ko.
" Ano?! Eh anong maganda dun?" Tanong nya. Hindi ako naka sagot dahil saktong pag pasok na ng prof namin.
~~~
Habang hawak namin yung lunch namin ni Abby at nag hahanap ng upuan lumapit samin si Farrah na halatang galit na galit. Napalayo naman kami ni Abby pero hinawakan nya ako sa kwelyo na kinalaglag ng mga pagkain ko.
" Napaka walang hiya mo talaga! Ano bang gusto mong mangyari?! Diba binawalan na kita na wag mong lapitan si Axel!" Sigaw sakin ni Farrah at sinampal ako. Napasapo naman ako sa pisnge ko na ngayon ramdam ko ang hapdi.
" Farrah! Tama na!" Sigaw ni Abby pero nasampal din sya ni Farrah. Sa sobrang galit ni Farrah namumula na sya.
" Farrah wala akong kasalanan". Sabi ko sa kanya.
" Wala kang kasalanan? Bakit sya lumapit sayo kanina? Bakit kailangan ikaw pa? Bakit hindi na lang ako?". Tanong nya sakin pero hindi ako makasagot. Sasampalin nya sana ako pero biglang may humawak sa braso nya mula sa likod. Nakita ko si Axel na seryosong nakatingin kay Farrah.
" Axel...". Saad ni Farrah. Napatingin naman sya sakin at padabog na binitawan ang braso ni Farrah. Lumapit sya sakin pero hindi na ako lumayo. "Axel bakit sya? Bakit ba kayo mag kasama palagi? Bakit parang sinasadya na hindi sya pumasok last time na saktong hindi mo din pag pasok? Bakit parang kayo?" Tanong ni Farrah " Bakit parang may relasyon kayo?"
" Shut up! Walang kami! At kahit kailan hindi magiging kami! You wanna know kung bakit ko sya nilalapitan?! Because she's my SLAVE". Sabi nya na kina tingin ko sa kanya. Talagang pinang diinan nya ang slave. " She's my slave kaya lahat ng gusto kong ipag utos sa kanya gagawin nya". Dag dag nya. Malaking kasinungalingan! Gustong gusto kong isagaw sa buong cafeteria. Hinatak naman ako ni Axel kaya naiwan si Abby na tulala. Hindi sya makapaniwala na ang isang Wife magiging Slave. Grabe na talaga si Axel. Buong lakas akong pumalag at nag tagumpay naman ako.
" Ano ba Axel!" Sigaw ko sa kanya. Nakinig naman sya sa pag sigaw ko sa kanya. Kung sya inis na inis na mas lalo ako. " Bakit mo ginawa yun?" Mahinahong tanong ko. Hindi sya sumagot kaya inulit ko ang tanong. " Sabi ko bakit mo ginawa yun? Ano ba Axel sumagot ka naman!" Sigaw ko sa kanya.
" Ano bang sa tingin mo! Kapag hindi ko sinabing slave kita ano sa tingin mo ang iisipin nila. Nag iisip ka ba?" Sagot nya na kinatahimik ko.
" Pero bakit kailangan slave pa?" Tanong ko.
" Ayun lang ang naiisip kong paraan para hindi sila mag isip ng malisya". Sagot nya. " Hindi naman talaga kita gagawing slave. Uutusan lang kita kapag kailangan". Dag dag nya. Bago pa ako umalis sinamaan ko sya ng tingin. Hindi na ako nakakain sa nangyari. Buti na lang agad kong nakita si Abby at kinuwento ko ang nangyari sagutan namin ni Axel. Mag uuwian ng magkita kami ni Axel sa parking lot kung saan nandon ang sasakyan nya.
" Dalin mo to". Utos nya sakin sabay hagis ng malaking bag na pang basketball. Napatingin naman ako sa gamit nya na sobrang bigat.
" Bakit ako mag dadala?" Tanong ko. Lumapit naman sya sakin at bumulong.
" Nakikita mo sila?" Sabi nya kaya napatingin ako sa mga babaeng nakatingin samin. " Kapag hindi mo ako sinunod mag tataka sila". Dagdag nya kaya napaisip ako. Tama nga sya. Sumakay ako sa kotse nya at padabog na sinarado. Bwiset! Bakit kasi kailangan slave pa? Nag punta kami sa bahay nila at pag dating namin doon, nandon na rin sila Mama at Papa. Nag punta kami sa isang village kung saan doon na raw kami titira ni Axel. Nung una ayoko pumayag pero may point din kasi sila na mag asawa na kami kaya kailangan mag kasama kami sa iisang bubong. Matapos kaming mag libot libot nag salita si Mama Joana.
" Dito na kayo titira ngayon. At wag kayo mag alala dahil na bindisyunan na ito". Sabi ni Mama Joana.
" Ngayon na?" Tanong ko. Tumango naman sila, balak ko sanang mag reklamo ng biglang dumating ang mga bagahe namin ni Axel. Ano to?
" Don't worry all your important stuff is here". Singit ni Papa. Ng maka alis sila doon ko na inilagay lahat ng gamit ko. Bukas na din dadating yung nagpalaki kay Axel. Siguradong mag kakasundo kami dahil parang si Manang Lorna rin si Manang Pacing. Pag katapos kong mag lagay ng gamit dumiretso ako sa kitchen para uminom ng tubig. Nanguha ako ng baso para uminom ng tubig ng may magsalita.
" Anong ginagawa mo?" Tanong ni Axel.
" Hindi ba halatang umiinom ng tubig?" Pag tataray ko.
" Akala ko kasi ng t-take ka ng drugs". Sagot nya na kinatigil ko. Aba't! Mamatay ka na! Parang ikaw nga ang nag t-take ng drugs diyan ehh. Nakakapikon na talaga!
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano