Chapter 57: Why?

8.9K 153 4
                                    

Kyla's POV.

Lunch na namin at kami lang ni Abby ang mag kasama ngayon. Nasabi ko na rin kay Abby ang nangyari nung isang araw.

" Napaka walang hiya talaga ng Nadine na yan. Kaya lang pala sya bumalik dito para lang makipag balikan kay Axel. G*go sya ahh". Singhal nya.

" Nung nalaman ko yun, para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Okay na sana ehh. Pero ito ulit. Iyak lang ng iyak... Abby. Wala na ba akong karapatan maging masaya?" Tanong ko.

" Oo". Napatingin naman ako kay Nadine na nakatayo sa harap namin ni Abby.

" Ikaw si Abby? Ang pag kakaalam ko ako yun eh. Tsaka diba ikaw yung ahas na si Nadine". Singit ni Abby.

" Abby, wag na mo syang patulan, labas ka dito". Sabi ko at tumayo ako sa pag kakaupo ko. Tumingin ako kay Nadine ng malalim at mukang hindi Nama sya mag papatalo. " Wala akong karapatan na maging masaya? Dapat ikaw yun ehh. Dapat ikaw yung nasa position ko ngayon ehh. Hindi ka man lang ba na g-guilty sa ginawa mo sakin? Huh?"

" Hindi. Bakit ako ma g-guilty, may ginawa ba akong masama sayo?" Tanong nya pa kaya nasampal ko na sya. Ayoko na ng ganito. Gusto ko na syang patayin at ilubog na lang sa lupa.

" Gusto mo sabihin ko lahat ng ginawa mo sakin? Huh?!" Sigaw ko sa kanya at sinampal ulit sya. This time sinugod nya na ako kaya nag sabunutan na kami. Nag sasabunutan na kami at halatang galit talaga kami sa isa't isa.

" Ikaw ang unang ng ahas!" Sigaw nya sakin.

" Sira ka ba! Hindi ko alam ang pesteng nakaraan nyo". Sigaw ko at nasipa ko sya sa sikmura. Nag pakawala ako ng malalim na hininga. Aalis na sana ako ng makita ko si Axel. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pag kaalis ko dun muntik na akong maluha. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Ano bang nangyayari sakin? Dapat ko bang ipagpatuloy to?

Axel's POV.

" Bullsh*t!" Singhal ko. Gabi na pero nasa bar parin ako. Ayokong umuwi ng bahay. Ilang babae na rin ang lumapit sakin pero galit ko silang tinitigan. Sino ba naman ang hindi magagalit? May problema na nga ako, nag aaya pang makipag s*x.

" Pre, kami naman... Kanina ka pa Dyan". Napatingin naman ako sa isang lalaki na mukang mas matanda pa sakin. Hindi ko sya sinagot at nilagok yung tequila na nasa mesa. I don't give a fvck sa mga lalaking katulad nya. " Binge ka ba? Sabi ko kami naman ng ka grupo ko". Saad nung lalaki kanina.

" Ano ba! Ako ang nauna dito!" Sigaw ko sa kanila.

" Aba't loko pala to ehh!" Sigaw nung isang lalaki at sinapak ako. Napahawak naman ako sa labi ko na may dugong lumabas. Tsk. Tumayo naman ako at gumanti sa pag kakasapak nila sakin. Bigla namang may humak sakin sa dalawang braso ko at bilang may sinapak sakin. Ilang ulit kaya hindi ko na bilang.

" Hoy! Tama na Yan! Bawal dito Yan!" Sigaw nung isang lalaki na may malaking katawan. Binitiwan nila ako kaya napa upo na lang ako sa lapag.

" Sir, okay lang kayo?" Tanong nung bartender.

" Hindi ako okay... Nasasaktan na ako..." Bulong pero alam kong narinig nya yun.

Kyla's POV.

Gabi na pero hindi parin ako makatulog. Tulog na si Manang at yung mga katulong namin pero ako nandito parin sa sala at hindi ko alam kung anong iniisip ko.

Napatayo ako sa pag kakaupo ko ng may marinig akong sumisigaw sa labas. Sumilip ako sa bintana at napa pikit naman ako ng mariin ng makita ko si Axel. Patayin ko na sana yung ilaw pero napakig na lang ako ng mariin at binuksan yung pinto. Pag bukas ko ng gate namin nakita ko syang nakasa upo sa sahig at nakasandal yung ulo nya sa sasakyan nya. Lasing na lasing sya pero nagawa nya paring mag drive. Baliw na nga talaga sya. Kita ko din ang mga pasa nya sa katawan. Nakipag away din pala tong sira na to. Napa iling na lang ako.

" Axel. Baliw ka ba talaga?! Ano bang ginagawa mo dito?! Nakaka abala sa kaput bahay! Umalis ka na!" Sigaw ko sa kanya.

" Ky, please naman. Maawa ka naman sakin... Sobrang sakit na kasi... Ayoko na ng ganito". Giit nya sakin. Sinapo ko sya dahil mutik na syang matumba. Kahit ayoko ko syang tulungan, tinulungan ko parin sya. Pag pasok namin sa kwarto ko inupo ko sya sa kama ko at nanguha ng damit ni Papa. Siguro naman kasya sa kanya yun. Nanguha na din ako ng medicine kit para gamutin yung mga sugat nya.

Nag palit sya ng damit at ginamot ko naman ang mga sugat nya. Habang ginagamot ko sya nakatingin lang sya sakin. Alam kong hindi to ang una pangyayari pero naiilang ako sa mga titig nya.

" Ky, please let me explain... Alam kong alam mo na ang totoo pero please hayaan mo akong mag paliwanag". Giit nya pero hindi ko sya sinagot. " Ky, naman".

" Alam mo dapat papatawarin na kita ehh... Kaya lang Ito na naman ako.. nasasaktan".

" What do you mean?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

" Bakit hindi mo sakin sinabi? Bakit hindi mo sakin sinabi ni naging kayo Pala ni Nadine bago naging tayo?" Tanong ko at mapapagod na umiyak.
" Ang buong akala ko, hindi nyo kilala ang isa't isa. Pero Mali pala ako. Kaya pala nung nag kita kayo kung nakakaiwas ka sa kanya wagas". Dagdag ko.

" Sorry.." Yun na lang ang nasabi nya.

" Matulog ka na. Bukas ng umaga gusto ko wala ka na dito". Sabi at aalis na sana ng hawakain nya ang braso ko kaya napaupo ulit ako. Hinalikan nya ako pero para ang tanga na ginantihan din ang pag kakahalik nya sakin. Napahiga n alang kami sa kama at...



Nangyari ang ang nangyari...

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon