Kyla's POV.
Habang natutulog ako may naramdaman akong may dumidila sa mukha ko kaya tinaboy ko yun pero tuloy parin ang pag dila sakin. Teka... Sino naman ang didila sakin? Napabalikwas ako at nagulat na lang ako ng may nakita akong isang puppy na nasa kama ko.
" Ang cute!" Tili ko at kinuha ko sya. Ang cute naman. " What's your name?" Tanong ko habang hawak hawak ko sya.
" He's name is Cooky". Napatingin naman ako kay Axel na naka sandal sa pintuan ko. " I adopt him because wala na syang nanay". Dagdag nya kaya napangiti ako. " Hungry?" Tanong nya kaya tumango ako. Umalis sya ng kwarto ko at bumaba. Nilayo laro ko naman si Cooky at hindi ko mapigilan napangiti dahilan ng kulit kulit nya.
Nang kumulo yung sikmura ko bumaba ko si Cooky at nag punta sa C.R para ayusin yung sarili ko. Simunod naman sakin si Cooky ng bumaba ako at nakita ko si Axel na nagluluto ng kakainin ni namin.
" Nasan si Manang?" Tanong ko.
" Nasa garden". Sagot nya. Lumapit ako sa kanya at inamoy yung niluluto nya.
" Smells good". Sabi ko kaya natawa sya ng mahina.
" Because I'm good at cooking". Sagot nya. Oo na ikaw na, dinaig mo pa ako. Sabi ko isip ko. Nang matapos syang mag luto kumain agad kami at syempre pinakain din namin ng dog food si Cooky. Pag katapos naming kumain bigla na lang syang nag tanong. " Gusto mong gumala?" He ask.
" Saan?" Tanong ko.
" Kung saan mo gusto pumunta". Sagot nya kaya napangiti ako pero mas lalo pang lumawak yung ngiti ng may naisip ako.
" Date?" Tanong ko.
" Kind of". Sagot nya kaya natawa ako ng mahina. Tumayo ako para pumunta sa C.R dahil maliligo na ako. Pag katapos kong maligo nag paganda talaga ako. First date kaya namin to ni Axel. Mahirap na Baka sabihin ng iba ang gwapo gwapo ni pero ako Hindi naman kaganda.
Pag ka baba ko nakita ko si Axel na nasa sofa lang habang nanonood. Napatingin sya sakin at nakita kong napatunganga sya.
" Ayos lang ba?" Tanong ko.
" No". Sagot nya kaya napa simangot ako. " You look very beautiful..." Dagdag nya kaya nakaramdam ako ng hiya. Sabay kaming lumabas at agad din kaming umalis. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ni Axel pero alam kong safe ako sa kanya. Nag punta kami sa plaza at lakad lakad.
" Hungry?" Tanong nya kaya pinaramdaman ko ang sarili ko kung nagugutom ako.
" Yup". Sagot ko, nagpunta kami sa isang nagtitinda ng street food at namili. Habang kumakain kami ni Axel mag salita yung tindera na nasa 50's na ata.
" Ang sweet nyo naman. Boyfriend mo ba sya?" Tanong nung tindera kaya nanlaki yung mata ko.
" Hindi nya po ako boyfriend". Sagot ni Axel habang ang laki ng ngiti nya sa labi.
" Ehh mag ano kayo?" Tanong nya ulit.
" Mag asawa po kami". Sagot ulit ni Axel kaya mas nanlaki yung mata ko.
" Ha? Paano naman nangyari yun? At masyado pa kayong bata". Giit nung tindera.
" Mahaba pong storya". Sagot ulit ni Axel kaya pinanlakihan ko na sya ng Mata. Tawa lang yung binigay nya sakin kaya napairap na lang ako. Pag kaalis namin agad doon agad ko syang kinurot sa tagiliran nya.
" Ano ba nyang pinagsasabi mo huh? Kapag may makarinig doon, anong gagawin mo?" Bulaslas ko sa kanya.
" Bakit? Totoo naman na mag asawa tayo ahh. Ayaw mo nun masasabi ko ang totoong nararamdaman ko sayo, na kung gaano kita kamahal". Sabi nya habang may galing ngiti. Nauna na syang naglakad dahil sa pag ka shock ko sa sinabi nya. The fudge? Nababaliw ka na nga talaga Axel. Pero aaminin kong kinilig ako sa sinabi nya.
Hinabol ko sya at hinawakan nya naman ako sa kamay ko. Nag lakad lakad kami hanggang sa may nakita kami mga nag sasayaw. Ano Meron?
" Excuse me, ano pong Meron?" Tanong ko sa isang babae.
" Actually member ako diyan kasi isa ako sa mga nag organize nyan. Naisip Kasi namin na dito ganapin ang naisip naming idea. Kaya sila nag sasayaw kasi para mapakita nila sa isa't isa kung gaano nila kamahal yung isa't isa. Nung una akala Hindi mag w-work pero I was wrong". Sabi nung babae na kausap ko.
Pag lingon ko Kay Axel wala na sya. Nasan na ba yun? Aalis na sana ako ng makita ko sya na nasa harap na may kalayuan din. I take he's hand at nag sayaw kami. Tumulo ako dahil nakakahiya sa sobrang daming tao na nanonood
" Wag Kang yumuko... Hindi nila makikita yung babaeng Mahal ko... Tumingin ka lang sakin". Giit ni Axel kaya sinunod ko na lang sya. Nag sasayaw lang kami habang nakatingin sa isa't isa na felling ko naikatutunaw ko. Napaka Ganda talaga ng mga mata nya. Napaka bait ko ba kaya ako binigyan ng ganitong klase ng lalaki?
" Axel, thank you for making me happy". Saad ko.
" No... Thank you for making me happy". Pagtatama nya. Nangmatapos yung kanta nakatingin lang kami sa isa't isa. Lilapit nya ang mukha nya sakin para halikan ako pero nagulat na lang kami ng biglang may nag hiyawan. Napatingin naman kami sa mga Tao at halos lahat sila pumapalakpak at nag hihiyawan.
At kami na lang pala ang nag sasayaw kanina dahil yung ibang nag sasayaw nakatingin na rin Pala samin. Nakakahiya... Pag kaalis namin doon natawa na lang ako.
" Ang daming kinilig sa kagwapuhan ko". Sabi nya kaya napairap ako.
" Assuming ka din ehh". Sagot ko. Nag lakad lakad ulit kami hanggang sa napag desisyunan namin umuwi na.
BINABASA MO ANG
Married to a heartthrob
Teen FictionWhat would happen if the nerdy girl on school got married to a hot gourgoes hearttrob? taetae_mariano