Chapter 7: Shook

10.1K 203 3
                                    

Kyla's POV.

Pag ka baba ko nagulat ako dahil nakita ko si Mama na nag hahanda ng kakainin namin at si Papa na nag babasa ng news paper.

" Good morning sweetie". Bati sakin ni Mama.

" Bakit nandito na agad kayo?" Tanong ko habang hindi parin maka kilos.

" I told you may mas important kaming gagawin dito". Sabi ni Mama kaya napa ngiti ako at agad silang niyakap. Naupo na ako para kumain. Matapos naming kumain, hanggang sa pag dating sa University hindi maalis ang ngiti ko. 

" Kyla". Bati sakin ni Abby. " Mukang maganda araw mo huh?" Kumento nya.

" Syempre naman. Nandyan na si Mama at Papa eh". Sagot ko.

" Talaga?" Tumango ako bilang sagot. Habang naglalakad kami may dalawa kaming babaeng nasalubong na pinag uusapan si Kian. Na curious naman ako kaya nakinig ako.

" Talaga? Aalis si Kian? Saan naman sya pupunta?" Tanong nung babae.

" Pupunta muna daw sya ng America dahil inatake sa puso ang Mama nya. Grabe naman talaga. Sana maging okay ang future mother in law ko". Sabi naman nung babae.

" So ibig sabihin hindi mo makakausap si Kian". Ani Abby habang papasok na kami sa room.

" Okay lang yan, babalik naman sya hindi ba?" Sabi ko.

Buong klase akong nakikinig kaya feeling ko ako lang ang studyante dito. Matapos ang klase lunch na namin kaya kaysa sa mag punta ako ng cafeteria nag punta ako ng library. At itong si Abby naman kanina nag rereklamo na kumain kami.

" Ano ba Kyla kumain na lang kasi tayo". Pabulong nyang singhal.

" Bakit kasi sumama ka pa?" Pabulong na tanong ko.

" Eiii,  alam mo naman na ikaw lang kaibigan ko diba". Saad nya.

" Sige na nga". Tumayo kami at kumain sa cafeteria. Sakit sa ulo talaga tong si Abby. Buti na lang at natitiis ko to.

Kian's POV.

Nandito na kami ni Lorenz sa airport at hinihintay na lang namin si Axel. Ang tagal naman ng lalaking yun. Pag balik nga namin sa pwesto sa bar kagabi   wala na sya dun pati na yung babaeng kasama nya.

" Tawagan mo na nga". Sabi ko kay Lorenz. Tinawagan nya naman si Axel at ginawa nyang speaker mode.

" Pre nasan ka na ba?" Sabi ko.

" Ha? Nandito ako sa... Sh*t". Bulaslas nya. Na halatang bagong gising.

" Why?" Tanong ni Lorenz.

" Kasama ko yung babaeng nakausap ko sa bar". Sabi nya samin.

" Wow pre! Haha! Naka score ka!" Natatawang sabi ni Lorenz. Napa ngisi na lang ako. Kaya pala nawala si Axel kagabi dahil may nangyari na naman.

" Sige na, bilisan mo naman nandito na kami sa airport". Sabi ko.

" Ito na nga nag aayos na". Sabi naman ni Axel. Hinintay namin si Axel hanggang sa dumating na sya. Buti naman at nandito na sya.

" Ano pre, masarap ba?" Pilyong tanong ni Lorenz.

" G*g*". Singhal ni Axel.

" Grabe ka talaga Axel. Ang wild mo talaga". Sabi ko sa kanya. " Sige alis na ako. Baka maiwanan pa ako. Oo nga pala Lorenz hanggat maaari bantayan mo si Kyla para sakin". Sabi ko kaya napa tango sya.

" Why are you always there for Kyla?" Seryosong tanong ni Axel.

" Of course she's my friend... At Axel please wag mo naman syang pahirapan". Sabi ko kay Axel. Tumango na lang sya bilang sagot. Umalis na ako at nag punta sa loob ng airport.

Kyla's POV.

Uwian na namin at lunch ng mag pakita yung dalawang heartthrobs. Siguro hinatid pa nila si Kian. Pag pasok ko sa bahay namin nagulat ako dahil ang daming pagkin. At mikang may dadating na bisita. Ano namang meron?

" Hello sweetie, umakyat ka na sa taas at mag palit ka ng magandang damit dahil may dadating na bisita ang daddy mo". Bati sakin ni Mama.

" Bakit ako kasama?" Tanong ko.

" Well we have a suprise". Naka ngiting sabi ni Mama. Umakyat na ako at naligo. Pag katapos nag palit ako ng maayos ayos na damit. Baka pagalitan pa ako ni Papa kapag hindi ko sila sinunod. Nakarinig naman ako ng ingay sa baba kaya nag madali agad akong bumaba. Siguro nandyan na sila. Pag ka baba ko naka upo na sila doon at halatang nag kakatuwaan.

" Hello po". Bati ko kaya napatingin sila sakin. Pero laking gulat ko ng makita si Axel na nakatingin sakin.

" Take a sit sweetie". Sabi ni Papa kaya naupo ako sa harapan ni Axel. What is he doing here? Alam ko naman na anak sya ni Mr and Mrs. Peterson pero bakit naman sya kasama.

" Tsk Nerd". Bulong nya.

" Ngayon na kumpleto na tayo. Shall we eat?" Tanong ni Mama na sinang ayunan nila. Tahimik lang akong kumain habang sila nag kakatuwaan. Kapag tinatanong naman nila ako palagi lang akong naka ' opo'.

" Well kayong dalawa kaya kayo nasama dito dahil napag kasunduan namin na arrange marriage kayo". Sabi ni Mr. Peterson na ikinaguho ng mundo ko. Paulit ulit na lumalabas sa utak ko ang katagang arraige marriage. Kami? Ikakasal? No way! Bakit ako? Kailangan ba ako?

" So ano? Payag ba kayo?" Tanong ni Papa pero hindi ako sumagot.

" No". Mabilis na sagot ni Axel.

" Why?" Tanong ni Papa sa kanya.

" First of all. We didn't know each other, Im not interested, and We don't love each other". Sagot nya.

" Axel!" Singhal ng Papa ni Axel.

" Im sorry dad. But it's true na hindi ko sya mahal at wala akong balak na kilalanin sya... And also i hate nerds". Saad ni Axel at tumayo, umalis na sya kaya kaming lahat natameme. Kung maka i hate nerds sya akala mo kung sino.

" I'm sorry about what happed. Kakausapin namin ang anak namin". Sabi ni Mrs. Peterson.

" Ikaw Kyla. Do you have any feelings for Axel?" Tanong ng papa nya. Napalunok ako sa tanong nya.

" I'm sorry po. Pero wala po. At sana po wag nyo ng ituloy ang binabalak nyo". Sagot ko at umalis na. Nag palipas oras ako sa park. Kahit madalim na gusto ko munang mag palamig. At sa nangyari kanina. Ayun pala ang ibig sabihin ni Mama na suprise, pero sa totoo lang hindi ako natuwa sa suprise na kanina nyang sinabi sakin.

Married to a heartthrob Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon