Chapter 1
Iginala ko ang paningin ko sa paligid at tumigil ito sa bahay na parang palasyo na ata ito. May tatlong palapag na nakatayo ngayon sa harapan ko, nakakamangha ito dahil sa laki. I sighed. Ngayong araw ang umpisa ng trabaho ko dito sa Maynila at hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko na nasa probinsiya, pero kailangan kong gawin ito dahil kailangan namin ng pera.
Hindi na ako pwedeng umatras at mag inarte kundi madidildil na kami ng asin. Huminga ako nf malalim at lumapit sa gate. Wala nang atrasan.
Ilang beses akong nagdoorbell nang may lumabas na babae at binuksan ang gate na hula ko ay kasambahay din base sa suot nito.
"Magandang araw po sino po sila?" Takang tanong nito.
"Ahh. Ako ho si Myrtle yung bagong kasambahay dito yung pinadala ni manang Fleur." Nahihiyang sagot ko dito kaya biglang nawala yung kunot ng noo nito.
Si Manang Fleur siya yung kapitbahay namin na siyang nagsabi sa akin na kinakailangan ng bagong maid dito sa Manila dahil tinawagan umano siya dito. Kaya laking tuwa ko dahil magkaka trabaho na ako. Binalita ko kaagad kela nanay.
Noong una hindi sila pumayag dahil iba daw ang pamumuhay sa probinsya at sa Manila. Pero dahil sa kakapilit ko pumayag sila.
"Ay ikaw pala ineng halika at pumasok ka. Kanina pa kita inaantay dito." Niluwagan nito ang gate para makapasok ako. Ako ang nagsara at sumunod nalang ako papasok sa loob ng bahay.
Kung sa labas ng bahay ay mapapanganga ka lalo naman sa loob ng bahay dahil nakaka wooooow ang kintab ng sahig at may nakalambitin pang chandeliers sa itaas. Saka yung mga dekorasyon halatang mahal. Yung T.v sa sala kasing laki nung lamesa namin sa probinsya.
Meron ding aquarium na nakadisplay at andaming ibat ibang kulay ng isda. Oo na ako na ignorante.
Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki... Dalawang greek God na lalaki gulp. I think yung naka tuxedo ang amo namin at yung isa ay driver, ang hot nung driver hoho.
"Good Afternoon sir Jang" bati ni manang Ayme sa lalaking naka tuxedo. Sabi na nga ee ito yung amo namin, alangan naman yung driver?
Pero infairness mas gwapo si manong driver. Single kaya ito? Sinulyapan ko si koya driver at shit! Nakatitig siya saakin.
M-may dumi ba ako sa mukha? O nagagandahan lang? Chos! Ang landi ko, inhale exhale. Dalagang Pilipina dapat Myrtle. Napayuko nalang ako dahil Hindi ko nakaya yung titig ni koya driver.
"Afternoon manang. Who is this pretty girl?" Napatingin ako kay Sir Jang, yung nakatuxedo. At shit na malagkit ulit ang lagkit ng tingin sakin. Kinilabutan tuloy ako. Iba yung klase ng tingin niya kesa kay koya.
"Ahh sir ako po yung bagong kasambay na pinadala ni Manang Fleur" Nahihiya kong sabi. At pilit ngumiti pero parang ngiwi yung nagawa ko.
"Oh okay. Manang ikaw na ang bahala dito. Aalis muna ako at babalik din kaagad. Let's go Tan" Paalam nito at nagmamadaling umalis.
"Yes sir" napahawak ako sa dibdib ko ng biglang lumundag yung puso ko dahil sa boses nung driver. Hala? Bakit ang landi ko? Pinilig ko nalang yung ulo ko at sinundan ulit si Manang na pumasok sa isang kwarto at sinabi nito na dito ako matutulog.
"Oh Hija ayos kana ba dito? Punuan na kasi yung isang kwarto para sa mga kasambahay at ito nalang yung pwede kaya dito kana lang."
"Ayos na po ako dito Manang" ngumiti ako yes! Solo ko itong kwarto.
"Sige. Mag ayos ka muna ng gamit mo tapos bumaba kana lang. Andun lang ako sa kusina para maituro ko sayo kung ano and dapat mong gawin okay?" Napatango nalang ako at iniwanan na ako ni Manang.
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...