Chapter 14

3.4K 50 6
                                    

Chapter 14

**

"Anak?"

Napangiti ako dahil si nanay kaagad yung nabungadan ko. Nandito ako ngayon sa bahay namin sa probinsya para bisitahin sila Nanay.

Masaya akong niyakap ni Nanay saka maluha luhang kinakamusta ako.

"Nay, paupuin niyo muna kaya ako? Hehehe. Saka ito po groceries." Pinakita ko kay Nanay yung hawak kong groceries.

"Pasensya na 'nak namiss lang kasi kita. O tara pasok pasok, hindi pa ako nakalinis. Umupo ka muna jan at tatawagin ko yung Tatay at mga kapated mo." sabi ni Nanay saka pumunta agad pumunta sa labas.

Umupo ako sa sofa na nandoon. Sofa? Paano kami nagkaroon ng sofa? Inilibot ko yung paningin ko sa buong bahay. Doon ko lang napansin na mas lumawak yung sala namin at halatang bagong gawa lang. Yung dating gawa sa kahoy, ngayon nakasemento na. Meron na din kaming malaking t.v na noon ay maliit lang at malabo pa. May Dvd player na din kami saka may sofa na. Kumunot yung noo ko, paano naging ganito ito?

Naputol ako sa pag mununi nang pumasok yung lima kong kapated at sila Nanay at Tatay. Nagkamustahan kami at isa isa nila akong niyakap.

"Ateeee!!" Sigaw ng bunso namin saka nagpabuhat sakin.

"O Alexi, ang laki laki mo na ah." Magiliw kong sabi sa kapated kong bunso na lalaki.

"Mas malaki naman itong si Quentin ate! Lamon kaya ng lamon dito ahahahaha." sabi sakin nung kapated kong pang apat na babae, si Sha.

"Gagu! Diet kaya ako!" Sagot naman ni Quentin na siya ikinatawa ko.

"Diet? Eh halos oras oras ka kumakain ah!" sita din ni Darek, pangatlo samin, dahilan para hampasin siya ni Quentin sa braso.

Tawang tawa ako sa kanila pero bumaling yung paningin ko sa pang lima kong kapated na lalaki, si kanzu.Tumatawa din ito dahil sa kalokohan ng mga kapated ko.

Ang saya dahil  kumpleto at masaya yung pamilya ko.

"Oh siya, mabuti at kakaluto ko palang ng pananghalian natin 'nak. Tara na sa hapag para makakaim na tayo." Imporma samin ni Nanay kaya pumunta na kami sa kusina para makakain.

Tulad sa sala, parang bagong gawa itong kusina namin at puro bago yung gamit. Mula sa lamesa, mga kaldero at yung dating kalan namin na de uling, ngayon ay with gas stove na.

Umupo ako sa lamesa habang nasa paligid yung tingin ko. Bumalik lang yung tingin ko sa hapag nang narinig kong umuusal ng dasal si Nanay.

Nagsipagsandok na kami pagkatapos ng dasal. Tatlong putahe yung nasa hapag namin ngayon na dati ay iisa lang. Merong adobo, tinola at pinakbet.

Nagtataka na ako kaya tinanong ko si Nanay na masayang kumakain.

"Nay?"

"Oh? Hindi ba masarap yung luto ko 'nak?" takang tanong sakin ni Nanay.

"Amm... Gumanda saka... lumaki po itong bahay, so paano po nangyari yun?" Nagtataka ako kasi ilang buwan na akong walang napapadala sa kanila kaya malaking palaisipan kung bakit ang laki ng ipinagbago ng bahay namin.

Mas lalong nagtaka naman ito. "Diba nga buwan buwan ka nagpapadala sa amin 'nak?"

Huh? Eh wala nga akong trabaho kaya wala akong maipadala sa kanila, paano nangyari yun?. Hindi kaya kagagawan ito ni Titan? Pero paano niya nalaman itong address namin? Saka... Nalilito ako. Saka ko nalang siya tatanungin kapag natapos akong kumain. Ititext ko siya.

"A-ahh hehehe oo nga po pala, nakalimutan ko po." Kamot batok kong sabi saka nagpatuloy sa pagkain.

KINAGABIHAN inaayos ko yung dala kong damit sa dati kong kwarto, bagong renovate na kwarto. Balak kong mag stay ng ilang araw dito saka ulit ako babalik sa Manila.

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon