Ayoko na sanang ituloy ito kasi dumadami na ang nakakabasa nito sa mga kaklase ko waaaah *simangot* inaasar na nila ako, kaso sayang naman ito huehue.Enjoy reading! (*´³'*) KISS
Chapter 6
"Myrtle to Earth??"
Napatingin ako kay Bebang na kasalukuyang nasa harapan ko at nakasimangot.
"H-huh? M-may sinasabi kaba Bebang?" Lalong sumimangot si Bebang dahil sa sinagot ko kaya napanguso nalang ako at napakamot sa ulo.
Ano bang ginawa ko?
"Ayos kalang?"
"Oo naman hehe bakit?" Sabi ko habang tinutuloy ko ang pag punas ng lamesa.
"Kasi... kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang jan kaya nilapitan na kita. So ayos ka lang talaga?"
Nakatulala ako?
Nginitian ko siya at tumango"O-oo ayos lang talaga ako.. salamat sa pag aalala pero okay lang talaga ako promise" tumango tango ito pero halatang hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.
Nagpaalam itong may gagawin. Hinintay ko itong makaalis at umupo sa upuan.
Shit Myrtle hindi ka okay tsk
Napaface palm ako at mahinang inuuntog ang ulo ko sa lamesa.
"Myrtle Focus! Wala lang yung nangyari! Tatlong araw na ang nakalipas oh move on!! Kasi siya nga hindi pa din nagpapakita! Titigilan kana nun dahil nakuha na niya ang gusto niya! Kaya wag kang mag a assume bruha ka!" Mahinang bulyaw ko sa sarili ko. Im crazy.
Simula nung may mangyari samin ni Titan tulala na ako at hindi makapaniwalang binigay ko yung bataan ko?? How stupid am I??! Litsi.
Tatlong araw... Tatlong araw na ang nagdaan simula nung may nangyari sa amin ni Titan. At tatlong araw na din na hindi ko siya nakikita!
Ang sabi sakin nila manang eh inutusan daw ni Sir Jang kaya malamang sa malamang wala dito si Titan. Buti nga at wala ito nung paggising ko kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko pagnagkataon. Nakakahiya paa!!
Pero inaamin ko namimiss ko na siya at nagustuhan ko yung nangyari tsk mali ito. Mali na namimiss ko siya baka magkaroon siya ng puwang sa puso ko eh paano ko yun pipigilan? Paano? Eh bukod sa pangalan niya wala na akong alam.
LUMIPAS ang maghapon na parang lantang gulay ako. Pag kinakausap ako nila Bebang at Manang tango at ngiti lang ang sinasagot ko. Si Kalay naman ay ganun pa din walang kibo at ayaw magsalita. Nakakabaliw ang maghapong ito Gusto ko na siyang makita! Kaso..
'Myrtle alalahanin mo yung warning ko sayo kanina, umayos ka kundi gugulpihin kita!' Sigaw nang isip ko.
Nababaliw nako dahil pinagbabantaan na ako ng sarili ko at natatakot ako baka tutohanin nga.
Tinapos ko na lahat ng gagawin ko para makapag pahinga ng maaga dahil wala talaga akong gana.
Pumunta ako sa kusina at nadatnan sila Bebang, Kalay at Manang na kumakain na.
"Oh Myrtle? Hala samahan mo kami dito. Kumain kana para magkalaman yang tiyan mo" sabi ni Manang bago tumayo at hinila ako papunta sa mesa para kumain.
"Oo nga naman Myrtle para magkaroon ka naman ng buhay kasi parang wala kang kagana gana kanina pa" singit ni Bebang. Napakamot nalang ako ng batok at sumali sa kanila sa hapag.
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...