**
Madilim na yung loob ng bahay ng pumasok ako. Tulog na ang mga putang 'na.Basang basa pa din yung suot ko at di alintana yung pagtulo ng tubig sa sahig. Madulas na yung madulas. Mabasag na ang mabasag.
Matay no matay. Wala na akong pake.
Manhid na yung puso ko.Sa sobrang manhid parang hindi ko na nararamdaman yung pagtibok nito.
Aakyat na sana ako sa hagdanan para makapagpahinga ng may magsalita.
"You're here." nakakalokong humalakhak ito na parang demonyo.
Bigla akong kinilabutan.
Nilingon ko ito at nakita ko yung isang bultong nakatayo sa isang sulok. Umilaw ng pula ang mga mata nito sa dilim. Mabuti nalang at sanay ako sa dilim kaya nakikita ko kung sino ito.
"T-titan?" pinilit kong maging matapang. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Yung galit sa puso ko kanina lang, biglang napalitan ng takot.
Lumapit ito sa akin hanggang isang dangkal nalang ang layo nito sa akin. I gulped.
Dahan dahang umangat yung kamay nito sa pisnge ko pero hindi ko inaasahan yung sunod na ginawa nito. Lumipat ang kamay niya sa leeg ko at iniangat ako dahilan para mahirapan akong huminga. Nagtataka ako, bakit ganito siya? May sakit ba ito sa utak. Paiba iba ng ugali. Minsan sweet, madalas tangina.
"A-ackk, T-titan." pinilit kong tanggalin yung kamay niya kaso sobrang lakas nito.
"Ang lakas naman ng loob mo para bumalik pa ulit dito... Myrtle."
Mas lalong lumaki ang mata ko. Kilala niya ako. Nakilala niya ako.Pinilit kong pinagsisipa ang tyan nito, pero pinagsisihan ko yun dahil tinapon niya ako sa may bookshelf. Napa ungol nalang ako sa sakit lalo na nung nadaganan ako ng mga libro.
Fuck paniguradong nagkapasa ako.
Sinubukan kong tumayo para labanan si Titan. Pagkatayo, hinagilap ko kaagad yun lalaking papalapit sa akin saka ko siya sinugod ng malakas na sipa na kaagad namang kinagulat nito. Tumapon ito sa may sahig."Ngayong kilala mo na ako, pwede na kitang patayin." ngising sabi ko na agad nawala dahil humalakhak na naman ito.
"Dapat pala siniguro ko na patay kana bago ako umalis." inis na sabi nito sa akin.
"Sana nga, dahil ngayon ako naman ang papatay sayo."
"I bet you can't baby." He wink. "Tsk sabi ko na, noong nakita kita sa office you look so fucking familiar."
Nagtaka ako, office? E araw araw naman kaming nagkakasama.
"Try me." Singhal ko dito saka ko siya sinugod ng sunod sunod na suntok na nailagan naman nito. Nang sumuntok ako kaagad nitong kinuha yung kamay ko saka pinaikot para mapatalikod ako sakanya.
Bale nakasandig ako sa dibdib niyo at nakapulupot ang braso nito sa leeg ko.
"Not bad, pero marami ka pang kakaining bigas para matalo ako," bulong nito sa akin na siyang ikinilabot ng katawan ko."nagsisisi ako kung bakit hindi kita ginalaw noon pero ngayon sinisigurado ko na titikman muna kita bago kita tutuluyan." Dugtong nito. Saka nito dinikit yung ilong sa leeg ko at inamoy.
Bakit iba yung nararamdaman ko sakanya ngayon? Hindi kilig kundi takot yung dumadaloy sa katawan ko sa tuwing dumidikit yung balat ko sa balat niya.
Ano bang nangyayari dito?
"D-demonyo ka. Masunog ka sana sa impyerno!"
Bumulong ulit ito."Believe me baby, matagal nang nasusunog yung kaluluwa ko sa impyerno."
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...