Chapter 10.
Eeeeyy mates ehehehe. It's been a long time *kamot batok* sorry sa pag antay uleeet and salamat sa mga na aantay maraming salamat! Lablots tsup tssup ~ Thank you thank you all mates *bows*
**
"HERE DRINK THIS."
Itinaas ko yung ulo ko mula sa pagkakayuko sa lamesa bago humigop ng kape na bigay ni Titan. Ugh feeling ko lumulutang pa din ako. Paniguradong mukha nakong lantang gulay dito.
"Are you ok?" Tanong sakin ni Titan habang pilit sinusuri yung itsura ko. Ang gwapo niya pa din kahit na seryoso yung itsura niya. Nakakailang yung titig niya kaya tumango nalang ako at inisang lagok yung kape kaso dahil sa katangahan ko nakalimutan kong mainit pala yung kape. When my katangahan strike!
"A-aray." Bigla akong nagising dahil sobrang init nang kape. Inilabas ko yung dila ko saka pinaypayan. Myrtle ano bang nangyayari sayo!
"Can you please take good care of yourself?!"may bahid ng galit sa boses nito bago lumapit sakin.
Bakit ba siya nagagalit jan? Hindi ko naman sinasadya yun ah. Katunayan nga siya yung may kasalanan kasi kung hindi siya makatingin ng ganon hindi magwawala yung puso ko!
Nagpout ako pero kaagad din akong napanganga nang humapdi yung dila ko. Shutanginuaaa.
"Let me see." Hinawakan niya ako sa pisnge bago niya sinipat na parang doctor yung nakalabas kong dila. Bigla tuloy akong nahiya dahil baka may amoy yung bunganga ko. Saka ang lambot ng kamay niya na parang hindi dumanas ng kahirapan.
Napaatras ako nang hinipan niya yung dila ko. W-what the..
"T-teka s-saglit--"
"Tsk, stay." Hinila niya ulit ako palapit sakanya. "Take your tongue out." Dahil sa maowtoridad na boses nito nailabas ko kaagad yung dila ko. Baka masigawan ako ng wala sa oras eh.
Putangina, bakit ang bango ng bunganga nito?
Amoy...
Amoy... Heaven?
Basta masarap amoyin yung bunganga niya, nakakahypnotise. Naipikit ko nalang yung mata ko nang sinimulan na naman niyang hipan. Deep breathe Myrtle kailangan mo nun.
Halos himatayin na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Dama ko na yung mabibigat kong paghinga dahil sa ginagawa nito.
"Relax." He chuckled. Minulat ko yung mata ko at saktong nagkatitigan kami, kitang kita ang amusement sa mata nito.
I gulped. Bakit ba sa tuwing tinititigan ko siya sa mata kumikinang nalang ito palagi? Mas gumaganda kasi yung mata niya pag ganon, Waaaa. Mas lalo siyang pumopogi.
"O-ok na, hehe hindi na mahapdi." Lumayo ako dito saka nagkamot ng batok. Mahirap na kapag nagtagal kami sa ganoong sitwasyon.
Kumunot yung noo nito. "Are you sure?"
"O-oo, m-matutulog nako." Tumayo nako saka naman ito tumayo at inakay ako pataas sa kwarto.
Magkahiwalay yung kwarto namin kasi... Luh dapat lang naman diba? May konting hiya pa naman ako sa katawan ko. Nasa tapat na kami ng pintuan ng haharap sana ako dito para magpasalamat kaso nagulat ako dahil pagkaharap ko, hinalikan niya ako kaagad sa noo.
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...