EPILOGUE

2.1K 46 10
                                    

Epilogue
..

Napakunot yung noo ko nang aksidente kong nabuksan yung isang video na andito sa laptop ni Titan. Nandito kasi ako ngayon sa opisina niya para maglinis.

Bumuntong hininga ako nang maalala yung nangyari. Kalahating taon na din pala yung nakaraan noong nangyari yun.

Clinick ko yung video na yun at tinitigan ng mabuti. Ginawa itong video na ito noong kasagsagan ng pagkawala ko.

Blangko muna ang sumunod na sampong segundo bago lumitaw ang imahe ni Titan.

Nababakas sa itsura nito ang pagod at hirap. Sobrang haba ng buhok nito at mga balbas. Parehong nangingitim ang mata sanhi ng kulang sa pagtulog.

Bigla ang pagkirot ng puso ko.

"Hey baby? A..alam mo bang miss na miss na miss na kita?" Bigla itomg oumiyok. "M-miss na miss na kita baby. H-h..halos mabaliw na ako kakaisip sayo. G-gustong gusto na kitang yakapin at halikan. M-masyadong akong nangungulila sayo. They told me that you are d-d..dead but i know that you are not. Alam kong hindi ka pa p-patay. Hahanapin kita ha? Wait for me." habang nagsasalita ito ay patuloy ang pag agos ng mga luha nito. Talagang nakakaawa ang itsura ni Titan.

Sunod sunod ang luha ko sa napanuod. Halos manlabo na yung paningin ko dahil sa mga luha ko.

Binuhat ko yung laptop saka yun hinalikan at niyakap. Oh my Titan. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit sa puso mo ginawa ko na.

Hindi ko alam na ganun pala yung napagdaanan ni Titan noong nawala ako. Hindi ko alam. Pareho kaming dumanas ng hirap.

Pinilit kong pahintuin yung luha ko saka ko pinindot yung kasunod na Video.

Nakaupo na naman si Titan at nakayuko. Mas humaba ang buhok at mas lalong pumayat. Kitang kita ko yung pagyugyog ng mga balikat nito.

"B-baby, You're not d-dead right? Hindi ikaw yung ba..bangkay noong isang araw diba? Hindi ikaw yun because you're strong. Baby please come back home. I n-need you here. Hindi ko na alam yung gagawin ko." Humagulhol ito sa video.

Halos puro palahaw at pagwawala nalang ang nangyari sa natitirang  minuto ng video.

Napatakip ako ng kamay at sinabayan siyang humagulgol. No Titan. Gusto kong pumasok sa loob para patahanin siya. Na nandito na ako.

Durog na durog yung puso ko. Mas masakit ang makita syang ganito kesa sa mga ginawa nila sa akin noong kinuha nila ako.

Pareho kaming nagdusa ni Titan. Pareho kaking pinaglaruan ng tadhana.

Sinunod kong iclick yung pangatlo at napasinghap ako dahil hindi na ito tulad ng dalawang video. Bumalik ang katawan nito at umiksi na din ang buhok. Seryosong seryoso na din ito sa harap ng laptop.

"Silly girl. Sorry kung natagalan ako ha? Naconfine kasi ako sa mental. Hindi ko kinaya yung pagkawala mo. Masyadong masakit," He chuckled pero bakas sa mga mata ang lungkot.

"Kung hindi man kita nailigtas, hahanapin ko nalang kung sino ang tarantadong gumawa sayo nito. Ipapangako kong gagapang siya sahig para magmakaawang mabuhay. Fuck those kind of people," Nakita kong nagpunas ito ng luha.

He chuckled again." Masakit pa din baby pero kakayanin ko. I love you so much and it's k-killing me. Gabi gabi akong nag iisip na kung hindi nangyari yun edi sana masaya tayo ngayon. Meron na tayong mga little Titan and little silly girl. Pero fuck. Niloloko ko lang yung sarili ko. Alam ko namang hindi kana babalik because you are dead... p-pero kahit patay kana, nandito ka pa rin sa puso ko. Mahal na Mahal kita."

Sa pagkakataong yun bigla akong humagulgol ng iyak. Sobrang sakit ng ang nararamdaman ko. Gusto kong mawalan ng hininga dahil sa pag iyak.

"T-titan." Palahaw kong sabi saka ako nakarinig ng mga yabag at ang pagkasira ng pintuan ng office.

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon