Chapter 4
**
"A-anong ginagawa mo dito"Napakamot nalang ng batok ang taong nasa harapan ko ngayon. Punyeta akala ko naman kung sino si Bebang lang pala.
"Myrtle, Sorry sa pang iistorbo sa pagsusumpa mo kay Titan pero kelangan ko ng tulong mo." Nakangiwi at naluluhang sabi sakin ni Bebang habang ako ay nakasimangot lang.
Kaagad napamulagat dahil narinig nito ang pagmumura ko kay Titan.
"H-hala! Kanina kapa ba jan? Wala yung narinig mo hah? Hehe" depensa ko kay Bebang baka kung ano ang isipin nito.
"Okay kunwari wala akong narinig hehe... Myrtle kaya ako nandito kasi si Kalay! N-nakita ni Manang na nakalutang sa gitna ng pool kanina! Buti nalang kaagad siyang nailigtas ni ehem ni Titan. Nasa kwarto na namin siya at nagpapahinga na doon. Alam kong may p-problema siya dahil napapansin ko yun... natin kaya pwede bang tulungan mo akong k-kausapin siya?" Napaawang nalang ang bunganga ko dahil sa nangyari. Muntikang magpakamatay si Kalay? Bakit?
Parang kanina lang maayos naman siya nung nakita ko. Medyo maayos pala he he.
Bumaba ako ng higaan ko at dali dali kong hinila si Bebang palabas ng kwarto.
Kailangan kami ngayon ni Kalay. Kaagad kaming pumunta sa isang maid's quarter kung saan tumutuloy sila Kalay at Bebang.
Pumasok na kami at iginala ko ang paningin ko sa loob. Pareho lang ang itsura nito dun sa quarter na tinutuluyan ko. May banyo din dito at may isang aparador. May dalawang kama din. Tumigil ang tingin ko sa isang kama dun kung saan may nakahigang tao na walang malay, si Kalay at sa tabi nito ay si Manang na kinukumutan at inaalagaan ito.
Pumunta ako sa tabi ni Kalay at umupo sa bakanteng nasa tabi nito. Tinitigan ko siya sa mukha.
May problema nga siya dahil halata sa mukha nito iyon. Kahit tulog mapapansin na ang masayahin nitong mukha ay napalitan ng lungkot. Kita din ang eyebugs nito. Ano naman ang ginawa nito kagabi? Diba nga pinatulog ko na sila kagabi?
"Bakit parang puyat siya? Diba nga pinauna ko na kayo kagabi para matulog?" Taka kong tanong kay Bebang na ngayon ay nasa tabi na namin at hawak ang kamay ni Kalay.
"P-pagkapasok namin kasi dito kagabi humiga na ako kaagad d-dahil siguro sa pagod nakatulog na ako kaagad. S-sa pagkakaalala ko naman bago ako nakatulog nagpaalam na lalabas saglit si Kalay eh" sumisinghot singhot na sabi ni Bebang. Buti nga naintindihan ko pa.
Napatango tango nalang ako matapos marinig yun. Saan naman pupunta si Kalay? Saka nagbrown out kagabi diba?
"Hindi ko napansin na lumabas yang batang yan eh. Kahit nagbrownout mapapansin ko naman siguro na lumabas siya." Singit naman ni Manang.
Ang gulo.
"Ikaw Ineng? Napansin mo ba si Kalay?" Sabi ulit ni Manang na ang tinutukoy ay ako.
"Hindi ko po siya napansin Manang eh pagpunta ko po dito sa quarter ko eh... N-natulog na ako kaagad" kwento ko sa kanila saka iniwas ko ang tingin ko dahil naalala ko yung mga nangyari kagabi. Biglang uminit ang pisnge ko dahil doon.
Pesteng manyakis na yun.Nakita ko naman silang napatango sa sinabi ko. Buti nalang nakumbinsi ko huhu. Hinintay nalang namin magising si Kalay para malaman namin kung ano ang talagang nangyari sakanya. At sana magkwento siya.
Nagpaalam muna kami saglit ni Manang na magluluto na para sa dinner. Pinayagan naman si Bebang na bantayan muna si Kalay baka kung ano na naman ang gawin nito sa sarili.
Pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan ni sir Jang ay pinauna na ako ni Manang sa quarter nila Bebang para tumulong. Hindi na muna ako nagbihis baka gising na si Kalay at kelangan na namin siyang kausapin.
Pagkapasok ko ganun pa din ang itsura ni Kalay. Tulog pa din samantalang si Bebang naman ay hawak hawak ang kamay ng babae habang nakatingin dito.
Nababakas sa itsura na lubos itong nag aalala sa kalagayan ng kaibigan. Lumapit ako sa tabi nila at tinapik ang balikat nito.
"Bebang, ako na muna ang bahala dito. Pinapasabi ni Manang na kumain kana muna" bulong ko dito pero tinignan lang ako bago binalik ang tingin sa kaibigan na nakahiga.
"Okay lang ako Myrtle, babantayan ko siya"
"Pero Bebang kelangan mong kumain. Ako na ang bahalang magbabantay kay Kalay" pilit ko dito. Nakita kong nag alangan pa ito pero kaagad din itong tumango.
Lumabas si Bebang at ako naman ang umupo sa pwesto niya kanina.
Sana gumising na si Kalay. Nagaalala na kami dito, lalong lalo na si Bebang.
"Kalay? Ano bang nangyari sayo? Kaibigan mo kami kaya sana magsabi ka hah? Tutulungan ka namin" bulong ko kay Kalay na hindi ko alam kung maririnig ba niya. I sighed.
Ilang minuto lang nang magkasabay na pumasok si Manang at Bebang. Para malaman na namin kung anong nangyari skay Kalay at bakit siya nagkakaganyan.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa din nagigising si Kalay. Napuyat at napagod siguro kaya mahaba ang tulog. Humikab ako at napatingin sa bintana. Palalim na ang gabi pala.
Sinabihan ako ni Bebang na bukas nalang namin kakausapin si Kalay para mahaba haba ang magiging pahinga ni Kalay. Tumango naman si Bebang at pinabalik na niya ako sa tulugan ko para makapagpahinga na.
Bago ako dumiretsyo sa kwarto ko, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw ako bigla dahil kanina pa kami nagkukwentuhan sa loob habang inaantay si Kalay magising. Hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw dahil naaaninag ko naman ang paligid kahit madilim.
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nakailang baso na ako ng tubig na nainom ng may marinig akong nagsalita.
"Can't sleep too?" Nagulat ako saka Lumingon kaagad sa bar island kung saan nanggaling ang boses
Inaninag ko ang taong nakaupo doon habang simisimsim ng alak.
"Ah. G-goodevening po sir. Uminom lang po ako, matutulog na din po ako pagka akyat." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng tumayo ito at naglakad palapit sa akin dala ang hawak nitong baso.
Tumango tango ito at naglakad paikot ikot sa akin habang sinisipat ang katawan ko. Hindi ba ito nahihilo sa trip nito?
"What is your vital stat hmm?" Tumindig yung balahibo ko dahil sa tanong nito. Lumaki ang mata ko dahil nasapo nito ang aking pwet. Lumayo ako dito dahilan ng pagkangisi nito. Kung hindi ko lang ito amo kanina ko pa nasapak ito at nabayagan e. Bwesit!
"Haah? Amm M-mauuna na po ako sir" nanginginig kong sabi dito bago tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag niyo ng mahina. Punyeta lang kanina pa namumuro yung amo kong iyon, nanggigigil na ako. Kingina Kalma Myrtle.
Nakarating na ako sa kwarto ko at kaagad nilock iyon. Nakatayo pa din ako sa harap ng pinto habang nanginginig at any time ay nararamdaman kong maiiyak na ako.
Sa buong buhay ko ngayon lang ito nangyari sa akin. Dahil pinalaki ako nila Nanay ng maayos sa probinsya.
Lasing lang siguro si sir Jang kaya niya nagawa yun diba? Kakalimutan ko nalang yung nangyari. Ngayon lang ako nahawakan ng lalaki ng ganun. Pero napatawa nalang ako ng mahina nang maalala ko yung nangyari sa amin ni Titan.
'Nahawakan at nahalikan din pala ako ng gagong yun tsk'
Oo pala isa pa yung manyakol na yun eh. Mas panatag naman yung loob ko kay Titan kahit masungit yun. Basta ewan? Mukha namang mabait si Titan kahit manyak. Pero kay sir Jang? Naninindig yung balahibo ko kahit hindi pa ito lumalapit. Titig palang nito para kanang hinuhubadan.
Napailing nalang ako. Next time lalayo na ako sa manyakis na yun, baka masanay eh. I swear.
"Bakit ang tagal mo?"halata sa boses nito ang pagkabagot. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Wtf? Speaking of the devil. Anong ginagawa nitong manyakol na ito dito?
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...