CHAPTER 22

1.6K 38 10
                                    

CHAPTER 22

Naalimpungatan ako dahil sa hindi ako makahinga. Parang may nakadagan sa akin na napakabigat.

Nagmulat ako ng mata at nakita kong tulog na tulog si Titan. Napamulagat ako. Anong ginagawa nito sa kwarto ko?

Pinilit kong umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin.

Matapos ng isang linggong pagpapahirap nito sa akin sa trabaho, nagawa pa nitong tumabi sa akin.

Gago nga!

Nagising naman ito dahil sa pag alis ko sa pagkayakap nito.

"What's wrong?" Takang tanong nito sa akin.

"Anong What's wrong ka jan? Anong ginagawa mo dito?" bulyaw ko sa kanya.

"Natutulog?"

"Oo alam kong natutulog ka!"

"Ee Bakit kapa nagtatanong?"inis na sabi niya.

"What i mean is, kwarto ko ito. Bakit ka andito?"

"Kasi namiss kita?" Walang prenong sagot nito. Aba hindi man lang nagpaligoy. Teka namiss? Namiss niya ako? Baka Nangangati pang ito.

Ramdam ko ang pag init ng pisnge ko. "Araw araw tayong magkasama paano mo ako mamimiss?"

Naging balisa ito pero kaagad nakabawi."I... I don't know, basta ramdam kong miss kita." Inosente nitong sabi.

"Matapos mo akong pahirapan gumaganyan ganyan ka."inis kong sabi.

Nag aalalang napatitig siya sakin." Are you okay? Hindi kaba nasaktan?"

Bakit parang na aalala ito?

"Of course I'm ok!  Pag sinaktan mo ako, masasaktan ka din naman sakin. Puro sigaw ka nga. Sarap mo ngang sakalin. Problema mo?"

"nothing."  bulong nito saka napabuntong hininga.

"Teka nga. Umalis ka nga dito. Nalilibugan ka ano?" bulyaw ko dito.

"Yes? I mean No... Maybe... Of course not!" hindi nito alam ang isasagot.

Gago.

"Mister Aragon, alis!" bumaba ako ng kama at hinila ito.

"I am sleepy. Wag kang maingay, ang sakit mo sa dalawang ulo ulo."

"Aba, gago to."

Nginisian lang niya ako.

"Doon ka sa asawa mo magpakamot! Pagod ako. Ang dami mong pinapagawa. Lagi mo nalang pinapaulit yung mga files na nagawa ko."

He just groans. "I want to be with you."

Letche naman. Hinila hila ko pa din siya. Napakabigat niya.

Napahiyaw ako dahil bigla nalang niya akong hinila kaya nasa ibabaw na niya ako. "Just shut up and hug me."

Anong nangyayari dito?

Napatitig ako sa mga mata  nito. Kitang kita ang mga pagod doon. Napansin ko din yung mga galos nito sa mukha.

Anong nangyari dito? Hindi ko pa naman ito sinasapak.

"Ok pero gagamutin muna natin yang sugat mo." sabi ko saka pilit tumayo.

Hindi naman ito tumutol at hinayaan akong tumayo. Subukan lang niyang tumutol. Dadagdagan ko yung galos niya.

Kumuha ako ng medical kit sa banyo saka ako bumalik kay Titan.

Nilagyan ko ng betadine yung bulak saka pinahid sa mukha nitong may sugat.

"Infairness, gwapo mo pa din kahit puro galos ka." bulong ko dito saka ko hinipan yung sugat kung saan ko pinapahidan ng betadine.

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon