Chapter 9

4.3K 66 3
                                    

Ahooy mates :) here's the update, salamat sa pag aantay. Pasensya kung matagal yung updates ahehee. Busy ee XDD. Enjoy reading muah:*

Chapter 9

**

"Sige 'nang ako na po ang bahala kay Titan, magpahinga na po kayo." Nakita ko kasi itong nahihirapan sa pagbubuhat kay Titan. Medyo matanda na si Manang kaya naintindihan ko kung sumasakit yung balakang niya dahil sa pagbubuhat kay Titan. Ang laki naman kasi nitong tao.

"Nako, salamat hija, pasensya kung hindi na kita masasamahan iakyat itong batang ito. Sumasakit na naman kasi yung kasu-kasuhan ko."

Ngumiti at tinanguan ko nalang si manang. Sinundan ko muna ito ng tingin bago lumipat sa hagdan na may kataasan din. Oh Lord. Paano ko maiiakyat itong damulag na ito? Lumunok muna ako bago lumakad ng dahan dahan. Nagalusan ko na yung mukha niya, hindi ko na pwedeng nabitawan itong lalaking ito baka mabalian pa siya. Ang posisyon namin, nakaakbay siya sakin habang salo ko lahat ng bigat niya.

Ang bigat, Ilang kilo ba ito? Konti nalang talaga. Malapit na kami sa kwarto ni Titan.

At last! Binuksan ko yung pinto saka pinasok si Titan. Kulay black and white yung kulay ng kwarto nito. Ang ganda saka ang bango, amoy Titan, ang sarap tumira dito. Bago pa ako maulol sa pagkamangha, Iniupo ko siya sa kama para maiayos sa pagkakahiga. Itutulak ko na sana siya pahiga pero pinigilan niya ako.

"Ang init." Ungol nito.

"Teka teka bubuksan ko yung aircon."

Tumakbo ako banda sa may aircon saka binuksan. Wew nakakastress mag alaga ng lasing.

Lumingon ako kay Titan pero napatakbo ako kaagad dito dahil halos matumba na ito papunta sa banyo. Tapos.. Tapos halos hindi ko siya mahawakan dahil nakaboxer lang siya. Jusko bakit ang bilis niyang kumilos? Nakaboxer na kaagad? Yung mga damit nagkalat na sa lapag!

"Hoy Titan. Hindi jan yung kama!" Pinigilan kong mapatingin sa katawan niyang nagpapawis pero ang sexy niya doon. Hindi ko talaga tinignan.

Oo na konting sulyap lang.

"I'm going to take a bath."

"Hindi mo nga kayang tumayo ng tuwid tapos maliligo pa kaya?!"

Humarap ito sakin saka ngumuso. "Then bathe me."

"H-hah?" Shook. Ang kulit niyang malasing!

"Bathe mee. I feel sticky." Ngayon nagpuppy eyes naman ito. No. Wag kang papadala sa ganyan ganyan niya Myrtle.

"P-pupunasan nalang kita--"

"No! I want to take a bath." Umupo ito sa sahig at nagmaktol na parang batang inagawan ng ice cream.

Nasapo ko yung noo ko saka hinilot yung sentido ko.

What should I do? Ang kyot niya pag nag iisip bata siya.

"Fine. Pero wag kang makulit!" Inalalayan ko siyang tumayo at halos mapunit yung bagang ko para lang maitayo siya.

"Dahan dahan lang, pasalamat ka at lasing ka, kung hindi inungudngod kita sa toilet bowl."

"You're rude."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Nauna na akong pumasok sa banyo saka inalalayan naman ito papasok. Hindi naman niya siguro ako gagahasain no?

"Diyan ka, stay put kalang jan. Bubuksan ko lang itong shower."

Kinuha ko yung shower at tinutok sa kanya. Mga ilang dangkal yung layo ko sakanya. Mahirap na baka dito kami magversace sa tiles!

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon