Good day mates! Salamat sa mga sumakay sa trip ko sa hulo kong update. Ehehe kung anong nangyari kay Titan? Walang nakasagot ng tama pfft. Well malalaman niyo na ngayon kung anong nangyari kay papa T! kayo nalang humusga XDD.
Chapter 15.
"TYCON."
Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon at tumawag ng pangalan ko. Para lang akong nakaharap sa salamin pero malaki ang pinagbago ng itsura niya kumpara sa dati, pinigilan kong mapangisi.
Pinag aralan ko mismo yung mukha niya na hindi nalalayo sa itsura ko. Pugtong pugto yung mata niya at mapula, na halatang galing sa pag iyak at nasa kapangyarihan ng alak. Kitang kita na nangingitim na yung palibot ng mata niya dahil siguro sa puyat. Tinutubuan na din yung mukha niya ng balbas na alam na alam kong hindi niya hahayaang tubuan siya ng balbas dahil masyado itong malinis sa katawan. I don't know that he will affect this much... Great, I'm happy.
Nandito kami ngayon sa bahay nila kung saan namin unang ginawa yung plano para sa babae si Titan. I smiled.
"Titan... my twin, what's with your face?" nagaalalang tanong ko sa kanya pero deep inside, gustong gusto ko nang magcelebrate dahil priceless yung itsura ng kakambal ko. Gustong gusto ko siyang patayin pero parang nag eenjoy pa akong makita siyang nawawala sa sarili at nahihirapan.
Pumasok na ako sa bahay nila at sumunod kay Titan sa bar island. Natatanawan ko din sa may sala na malapit lang din sa amin, nakaupo sa sofa yung mga ungas na FBI agents na kung makatingin parang isa akong kriminal kung titignan nila. Ang sarap nilang pagbabarilin.
"I was just busy and I don't have time to care about my look." bagot na sabi ni Titan at umupo, kumuha siya ng isang alak doon at tinungga. Ang saya siyang makitang ganito, unti unting bumabagsak sa lupa. Pero kulang pang makita siyang ganito dahil mas malala yung pangingialam niya sa mga underground business ko. Malaking pera yung nawala dahil sa pagraid nila!
Napatango tango nalang ako saka iginala yung paningin ko. Hindi ko maiwasang ngumisi dahil sa magandang alala namin nung babae ng kambal ko, kung paano ko siya pahirapan at kung paaano yung mga reaksyon niya dahil akala niya ako at si Titan ay iisa! Hindi ko alam na mag eenjoy pala ako sa larong ito.
"So what bring you here?" napatingin naman ako sakanya.
"I just want to know if you're ok, but you seems like not. Is it about the girl you always saying?"
"Yeah. She is missing and I don't know where she is. I asked her parents if where is she, they say Myrtle visit them a few days ago but she leave without explaining why. Fuck! I'm so worried to her! I can't sleep because I don't know if she is safe or what!" paliwanag niya saka mahinang sinasabunutan yun buhok at mahinang pinag uuntog yung ulo sa mesa. Dahil nakayuko ito magagawa kong ngumisi. Sumimsim ako ng alak at masayang pinapanuod si Titan. Ganyan nga, masiraan ka ng ulo.
Hindi pa nga ako nag uumpisang pahirapan ka, nagkakaganito kana Titan? Halos mabaliw kana. Paano pa kaya kung malaman mo na wala na siyang buhay? Baka maulol ka ng 'di oras.
"Don't lose hope buddy." pagpapagaan ko ng loob sa kanya at tinapik tapik ko siya sa balikat . "..everything will be fine."
"Can you please help me find her?" halos gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa itsura niya, umiiyak siya. Isang babae lang pala ang magpapatumba sa isang batikang Agent sa buong mundo? I'm amaze.
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...