CHAPTER 24
Napabalikwas akong bangon dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Ingay mula sa nagsisigawang aso at pusa.
"Hanggang kelan mo ba balak patirahin yang babaeng yan dito!” rinig kong sigaw ni Veronica. Nasa ikalawang palapag ako pero rinig na rinig ko yung sigaw niya. Sino bang kausap ng bruhang to.
Hinintay kong sumagot yung kausap niya pero tanging mga kalabog lang ang naririnig ko. Malalakas na kalabog na akala mo ay magugunaw na yung bahay.
Tumayo ako saka lumabas ng kwarto ko.
Anong oras na ba at bakit nang iistorbo sila ng tulog.
Pagkababa ko ng hagdan saka naman ang pag akyat ni Veronica. Hindi nakalagpas sa akin yung matalim niyang titig. Sinamaan ko din siya ng tingin pero napalitan yun nang pagtataka dahil nakita kong may pasa ito sa pisnge.
“A-ayos ka lang?” lalapitan ko sana siya pero bigla niya akong tinulak.
"Back off bitch!" sigaw niya sa akin saka tuluyang umakyat.
Pota, problema nun?
Nagkibit balikat nalang ako saka ako bumaba, nagugutom na ako kaya dumeretsyo ako sa kusina.
Parang gusto kong kumain ng piniritong isda na may alamang at kamatis. Napaungol ako dahil sa naisip, naglaway tuloy ako.
Pagkapasok ko ng kusina, bumungad yung makalat na gamit. Nasa lapag na yung mga kaldero, plato, sandok at kutsyara. May bagyo ba kagabi?
Napatingin ako sa may lababo.
Nakayuko doon si Titan at nakatingin sa plato na may pagkain, na hindi mo na marecognize na pagkain yun dahil ang dugyot nang tignan. Parang nilagay nalang yun na basta.
Mukha siyang malungkot.
Nahihiya pa din ako sa nangyari kagabi. Parang ayaw ko muna itong makita o makausap.
Kaso nagugutom na talaga ako. Tumikhim ako para makuha yung atensyon niya at nagtagumpay naman ako.
"Gising kana pala." sabi nito saka tinago yung pagkain na nasa lababo.
"Oo, ang ingay kasi." busangot na sabi ko. Dito siguro nanggaling yung ingay. No doubt.
"Sorry kung nagising ka, nagugutom kana ba?" napataas yung kilay ko. Anong nakain nito at kung makaasta parang concern.
"O-oo." umiwas ako ng tingin dahil napapaso ako sa mga titig nito.
"I cooked for you, pero natapon."
Napatingin ulit ako dito dahil sa sinabi niya. He cooked for me?Wattafak.
Biglang nag flashback sa akin yung sinabi niya kagabi.
I like you
I like you
I like you.
Urgh!
Bakit natapon? Yun ba yung tinatago niya sa likuran niya? Kaya pala ang dugyot.
"I-i-its ok." hindi ko alam kung bakit nag iinit yung pisnge ko. Hindi ako kinikilig.
Parehong tumunog yung mga tiyan namin dahil pareho kaming di pa kumakain.
Ngumuso ito na siyang ikinainit ulit ng pisnge ko. Bakit ang cute niya.
"A-ako na ang magluluto, m-maglinis kana lang jan." sabi ko saka ko siya nilagpasan at tinungo yung ref.
Hindi ko na tinignan kung sinunod ba nito yung utos ko, kumuha ako ng bacon and egg. Wala silang isda kaya di ko makakain yung gusto ko. Bibili nalang ako mamaya.
BINABASA MO ANG
His Commandments(COMPLETED)
General FictionUNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going to fire you and kill your boyfriend, just follow my Commands... my own commandments." tumango lang ak...