Chapter 16

3K 42 9
                                    

Sorry sa matagal na pag update mates. Daming ginagawa ee. Sa mga nagvovote at nagcocomment. Salamat dahil namomotivate akong magsulat. Keep reading mates! Mwah! :*

Chapter 16.

NAPAHILOT ako sa noo ko saka bumuntong hininga. Pilit ko iniintindi yung gusto mangyari ng kambal ko bago niya ako tulungan sa kaso ni Silly girl.  Dahil kahit nagtutulungan na kaming pito sa paghahanap ng mga suspects, wala pa din. Masyadong magaling magtago yung mga gunawa sakanya nun.

Nandito ako ngayon sa office ni Tycon dahil gusto kong humingi ng tulong sakanya kaso nga may kapaliy. Ang umalis sa pagiging agent at sumama sa organization niya.

"So brother? What's  your answer? As I've said, tutulungan kita pero may pabor ako. For the fifth time, do you agree?" ngumisi siya habang nilalaro yung ballpen sa kamay niya.

Pumikit ako, kung yun yung paraan para mapanagutan yung pagkamatay ni Myrtle. At least may pakinabang din ang pagiging agents ko.

"I am willing to... to quit from being an agent and willing to join to your organization." Taas noo kong sabi saka seryosonh tinignan sa mata ang kakambal ko.

"Very well then, hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Sa hiling mo naman. Sisiguraduhin kong mahahanap naten ang salarin sa pagkamatay ng babaeng gusto mo." Kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata niya na halatang nasisiyahan sa nangyayari.

"You can go now, tomorrow I'll show you my world." ngumiti ito ng makahulugan.



NAGDADRIVE na ako pauwe sa bahay ko. Gumagabi na din, pagkagaling ko kase sa office ni Tycon, dumeretsyo ako sa quarters namin para masabi ko na din ng personal na aalis na ako sa pagiging agent. Syempre hindi ko sinabi yubg dahilan at yung tungkol sa pabor ni Tycon sakin. As I expected, nagalit sakin yung mga kateam ko. Sobrang galit na galit at naintindihan ko yun. Pero wala nang makakapagpabago sa isip ko dahil kung ito yung paraan para matulungan ko si Myrtle, kahit ngayon man lang mabigyan ko siya ng hustisya, handa akong ibigay lahat para lang doon. Para sakanya.

Malayo palang ako, natatanaw ko na yung bahay ko. Napakunot yung noo ko. Bakit nakabukas yung ilaw? Hindi ko naman iniwang nakabukas ito dahil nga umaga pa nung umalis ako at sa pagkakaalam ko, wala akong kasama sa bahay.

Sino namang tao ang pwedeng pumunta ng gantong oras?

Nang mailagay ko sa garahe yung sasakyan ko. Dahan dahan akong pumasok sa bahay. Maingat akong naglakad at inihanda yung sarili para sa maaaring mangyari. Hindi ako gumawa ng ingay habang sinusuyod yung sala ko. Nakabukas yung t.v at may mga nagkalat na magazine sa lapag.

The hell?

Napalingon ako sa may papuntang kusina dahil may parang nagluluto doon. Mga utensils na magtutunugan.

Katulad kanina, dahan dahan akong lumakad. Nang makarating ako sa may pintuan. Nasilip ko yung taong nagluluto sa kusina ko na parang sakanya yun. Isang babae.

Napaistatwa ako saka napanganga. It can be. Gusto kong ipikit yung mga mata ko pero ayokong mawala sa paningin ko yung babaeng nakatalikod sa akin.

Impossible namang nandito sa kusina ko si silly girl. Impossible yun dahil wala na siya. Pero kung titidnan mo mula sa kinatatayuan ko. Siyang siya talaga, mula sa buhok niyang mahaba tulad nung bago ko siya iniwan at suot niya pa yung mga damet na binili ko para sakanya. Impossible ding imagination lang ito dahil hindi tulad nf dating nangyayari pag nakikita ko siya, nawawala kaagad. Hindi ito imagination!

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon