Chapter 17

2.7K 52 9
                                    

Chapter 17

**

Eight years later.

"So can you do it or not? I'm waiting Miss Miranda." seryosong sabi ng kausap ko sa phone nang hindi ako nakapagsalita matapos kong makita yung picture na sinend sakin through email. Picture ng taong assignment ko na kailangan kong mapatay. Picture ng taong dati kong minahal. Picture ng taong sumira ng buhay ko. Titan.

Pinilit kong maging professional sa kabila ng panginginig ng kalamnan ko."Yes sir! I can do it, just give me a time. "

"Good. I'll just give you a three months to kill that fucking bastard. I'll send my down payments after this conversation."

"Yes sir." nagsalita pa ito ng kung ano ano bago binaba yung phone.

Matagal kong tinitigan yung picture kung saan nakangiti si Titan saka ko pinrint yun. I miss his smile... Everything about him.

It's been a year pero sariwa pa yung sugat sa puso ko yung nangyari nung nakaraan. Ayoko na sanang balikan pero nananadya yung tadhana. Makikita at makikita ko pa din siya kahit na anong gawin kong pagtatago. Muli na namang nabuhay yung galit na matagal ko nang Kinikimkim.

I'm now an assassin, I'm now Warra the strong and powerful woman. Kaya ko nang ipagtanggol yung sarili ko at ibang tao. Marami nang napatay ang kamay ko. Iba't ibang dugo na ng mga masasamang tao ang dumikit sa mga palad ko. Hindi na ako yung Myrtle na iyakin at mahina, yung umaasa nalang palagi sa taong akala ko hindi ako papabayaan.

Napapikit ako at inalala yung bangungot na nangyari sa akin.

*FLASHBACK*

Napaayos ako ng upo at kitang kita ko yung pagbuhos nila sakin ng isang galon ng gasolina. Bigla akong nabalot ng kaba saka lumuluhang napatitig kay Titan.

Sa huling pagkakataon, umaasa pa din akong babalik siya sa dati. Yayakapin niya ako at hahalikan saka niya ako papatahanin pero lalong bumuhos yung luha ko dahil ngumisi ito. Lumipat yung tingin ko sa kamay nitong may hawak na lighter.

Hindi.

"A-anong gagawin niyo?" Tanong ko sa mga taong nasa harap ko kahit alam ko na kung ano yung nangyayari. Hindi man lang sila sumagot bagkus ay nagtawanan sila.

"You may now Rest in Peace... silly girl."

Halos mapasigaw ako nang tumama sa akin yung tinapon niyang lighter na may sinding apoy na agad na lumiyab. Kumalat sa katawan ko yung apoy kaya napatili ako sa kaba, sakit at takot.

Naglulupasay na ako sa lapag habang nakapikit at humihingi ng tulong, nagbabakasakaling mapatay yung apoy. Pero walang nangyayari, kahit anong gawin ko mas lalong lumalaki yung apoy. Humahapdi na din yung mga balat ko at napapaos na kakasigaw, konti nalang, nararamdaman ko nang malalapnos na ako.

Hanggang dito nalang ba talaga? Ganito na matatapos yung buhay ko? Bakit ganun? Minsan kalang sumaya pero ang lakas naman ng bawi ng tadhana, sobrang lungkot at sakit yung binato saken ee. Ang daya daya. Ang daya ng tadhana, hindi ko man lang naipagtanggol yung sarili ko. Ang bobo at ang hina hina ko tangina!

Lord! Please, help me. Save me, gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makita ang pamilya ko... Gusto ko pa siyang makita.

Medyo nabawasan yung pagwawala ko nang maramdaman ko yung malamig at basang tela na yumakap sa akin. Anong nangyayari?

Hindi ko maimulat yung mga mata ko dahil sa pagkapaso. Gusto kong makita kung sino yung tumutulong sa akin. Nakaramdam ako ng ginhawa at hapdi dahil sa pagdampi ng tela. Patuloy pa din ako sa pagiyak dahil ang sakit ng katawan ko. Halos bumigay na din ako dahil sa sobrang daming paghihirap ang natanggap ko mula sa lalaking minahal ko.

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon