CHAPTER 19

2.3K 48 8
                                    

Kahapon lang nangyari nung napagkamalan ako ni Titan na Myrtle, buti nalang at naka isip ako ng pangalan. Ilorish, Ilorish ang gagamitin kong pangalan sa loob ng ilang buwan.

Tumingin ako sa malaking salamin na nasa harap ko ngayon, abala ako sa pagsipat ng itsura ko. Perfect! Nakasuot ako ng navy blue na dress, hapit na hapit ito sa katawan ko kaya kitang kita ang hubog ng katawan ko. Hanggang hita ang haba, halatang sinuot para makaakit.

Nakasuot din ako ng navy blue na sandals.

Naglagay ako ng light make ups saka nagsuot ng mga accessories. Ngumiti ako sa salamin, kahit naka boy cut ako hindi ako nagmukhang bakla sa suot ko.

Tumingin ako sa suot kong relo, alas otso na pala. Kelangan ko nang makapunta sa bar kung nasaan ngayon si Titan. Oo pupuntahan ko siya doon para umpisahan ang misyon ko. May nakapagsabi kasing nandoon siya ngayon.

This is the perfect time to seduce him, I smiled. Bumalik ako sa realidad nang marinig kong may bumusina.

"Shit!" bulong ko tapos nagmamadaling lumabas.

Pagkalabas ko, bumungad sakin si Ami, ang best friend ko na sakay ng kotse. Sakanya kasi ako papahatid.

"Woah, ang ganda ng bruha ah? Taray." she giggled.

Ngumiti lang ako bilang sagot, sumakay na ako sa kotse at pumikit, I'm nervous, yeah pero wala nang atrasan to. I deep breathe.

Habang papuntang bar nagkukwentuhan muna kami ni Ami, pampawala ng kaba.

"Mag iingat ka doon kay Titan. "

Nilingon ko ito. "Ano ba, kaya ko ang sarili ko."

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. " kung nagawa ka niyang saktan noon bilang Myrtle kahit Mahal na Mahal ka niya, paano pa kaya ikaw Warra? Na bagong dating palang sa buhay niya?"

Natigilan ako.

I fake my smile. "Mahal na Mahal? That's bullshit, he never loved me." Never.

Kung mahal niya ako bakit nagawa niya lahat yun sakin? Demonyo siya.

"Hays, basta mag iingat ka, call me kapag may hindi magandang nangyari."

Tumango nalang ako dito. Dahil sa naging topic, buong byaheng lumilipad ang isip ko.

"Nandito na tayo girl, goodluck hah? Lumandi ka ng mabuti." Natatawang payo sakin ni Ami habang pababa ako ng sasakyan.

"Shut up Ami." I giggled. Humalik muna ako sa pisngi nito bago ko siya tinalikuran.

This is it. I gulped. Nilibot ko yung paningin ko sa labas ng bar, andaming nakaparadang sasakyan kaya paniguradong maraming costumers sa loob.

'Borracho Bar' basa ko sa nakasulat na karatula

Inaayos ko muna yung lukot sa damit ko saka ako nag heads up, breast out at stomach in bago pumasok sa loob ng bar. Para akong model with bitchy type sa paglalakad. Nginitian ko yung dalawang bouncer sa bandang entrance na agad din ngumiti sakin.

Gaya ng inaasahan, madaming tao ang naririto. Nagsasayawan, nag iinuman at nagkukwentuhan.

Pinilit kong makasingit sa mga alon ng tao para makapunta sa counter. Sa kabutihang palad, nagawa ko yun.

Pagkarating ko sa counter umorder ako ng tequila na agad naman binigay nung bartender.

"Thanks, handsome." Ngiti kong sabi dito. Umupo ako sa may upuan.

"Hey beautiful, You're new here." malumay na sabi ng bartender.

Kinagat ko yung labi ko." Yeah." tinungga ko yung inumin ko habang deretsyong nakatingin sa mga mata nito.

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon