Chapter 2

5.8K 81 1
                                    

Chapter 2

"Myrtle, kayo na ang bahala dito hah? Dalhin niyo nalang itong mga natirang plato at ako na ang maghuhugas ng mga yan" tumango nalang kami nila Kalay at Bebang sa sinabi ni manang.

Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga pinagkainan nila Sir Jang at mga bisita niya na nasa itaas na at namamahinga.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung pangyayari kanina na naabutan ako ni koyang driver sa kusina na sumasayaw. Mukha pa naman akong bulateng binuhusan ng asin kapag sumasayaw at nakakahiya yun. Buti nalang at kaagad na dumating si manang Ayme at kinuha ang mga ihahain. Umalis din naman kaagad si koyang driver sa kusina pagkatapos magpaalam kay manang. Shook nakakastress. Bumuntong hininga ulit ako at tinuloy ang pagliligpit.

"Ang baho" napataas ako ng kilay at lumingon kay Bebang na nasa harap ko at tumatawa "Biro lang Myrtle kasi naman ang lalim ng buntong hiningang iyon ah? Ayos kalang?" Dugtong nito.

"Oo naman pagod lang siguro"sagot ko dito.

"O siya tapusin na natin ito para makapagpahinga na tayo! Ang sakit na ng balakang ko " naghihikab na sabi ni Kalay habang tinataas ang dalawang kamay at umunat, nakita tuloy yung kilikili nitong mala black forest.

"Sila sir Jang kasi eh ang bagal kumain puro usap ng usap ayan tuloy ang tagal matapos kumain" reklamo naman ni Bebang.

Napailing nalang ako. Alas otso na ng tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ang bilis talaga ng oras ano? Tulad niyo parang kelan lang kayo pa at Mahal na Mahal ka eh ngayon? Nasaan na siya? Ayun nasa iba.Charot ulit hehe.

"Akin na yung mga plato ako na magdadala kay Manang nang matulungan ko na din. Kayo na bahalang magpunas netong mga kalat sa mesa at magpahinga na din kayo" dahil sa sinabi ko parang bigla silang nakainom ng energy drink at nabuhayan ng dugo, ang bilis kumilos.

Nagpasalamat ang mga ito at pumunta na akong kusina dala dala ang mga pinggan. Agad ko namang nakita si Manang na naghuhugas ng ibang plato. Ipinatong ko ang mga dala dala ko sa may lababo kung saan busy si Manang.

"Manang, tulungan ko na po kayo jan at marami rami pa po ito"boluntaryo kong sabi kay Manang kasi totoo naman ang dami pang huhugasan at halatang pagod din si Manang ngunit umiling lamang ito sa akin.

"Nako bata ka kaya ko na ito, okay lang. Pakitapon nalang yung mga basura nandoon sa gilid at baka ipisin tayo dito" tumango nalang ako at kinuha ang dalawang garbage bag na nasa gilid ng pintuan.

Lumabas ako sa pintuan at tinungo ang basurahan na nasa labas ng gate. Nasa likod kasi ang kusina kaya kailangan ko pang umikot para maka punta sa harapan kung nasaan ang gate.

Inilapag ko na ang garbage bag at akmang aalis na nang may marinig akong nagsasalita. Dahan dahan akong pumasok sa gate at Sumilip sa may bandang garahe. Hindi ko ito nakita kanina kasi madilim na. Lumapit ako ng kaunti at pinakinggan mabuti ang taong nagsasalita ng mahina.

"You fucker! I promise after this I'll wring your neck... Tsk yeah yeah maybe this week we can start the raid...Okay...I hope it will succeed." tuloy tuloy lang itong nakikipagusap sa phone, kilala ko ang boses ng taong pabulong na nagsasalita. Si koyang driver! Wow! Inglesero bess.

Sino kayang kausap nito? raid? Hah? Ano daw? Anong sasalakayin nila? Siguro inutos ni sir Jang yun. Tama tama.

Nagmumuni muni ako ng may makita ako isang Pusa! May dumaang malaking pusa sa may paanan ko. Pusaa?! Alergic ako doon sa mabalahibong tumigil at sinasagi sagi pa ang mga binti ko na parang nanlalambing, pero sinipa ko ito at tumilapon. Tulad ng inaasahan unti unti kong naramdaman ang pangangati ng ilong ko. Tinakpan ko kaagad ito para hindi bumahing pero hindi iyon sapat para mapigil ko iyon. Naging dahilan pa yun para maging mas malakas ang tunog ng pagbahing ko. Ooowsheet. Ang galing mo Myrtle? bravoooo!

His Commandments(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon