two

271 9 2
                                    

HAYLEY’S POV.

Bigla na lang nagalit si Michael. May punto din naman si Mike eh. Ano ba to? Ngayon lang kami nag-away ng ganito kaseryoso. Biglang naawa na ko kay Mike.

“Uhm, Jack?” Mahina kong sinabi. “Siguro magco-commute na lang ako. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa eh. Pasensya ka na ha?”

“He must be really mad, huh? Okay lang yun.” Sagot ni Jack sakin.

“Pasensya na talaga. Sige. Salamat na lang.” Pinilit kong ngumiti.

“Okay. Take care.” Sabi niya.

“Sige. Salamat.” Sabi ko sabay alis.

Pagdating ko sa tapat ng aming bahay, tiningnan ko ang nakaparadang kotse ni Michael. Gusto ko talagang mag sorry sa kanya. Inasar nga nya ako kanina pero alam ko rin naman na napasobra na yata ako. Tama si Michael. Siya naman talaga yung palaging kasama ko pauwi eh. Ever since elementary hanggang ngayon, isang paaralan lang yung pinapasukan namin. Magkapitbahay pa naman kami. Iyan kasi napagkasunduan namin nung bata kami. Dapat palagi kaming magkasama sa iisang school para automatic may kaibigan. Usapan din namin yung umuwi ng sabay except kapag may gawain sa school at hindi kami makakasabay sa isa’t-isa. Hindi ko rin sya masisi nung nagalit sya kanina. Pinaasa ko rin siayng magkasama kaming uuwi eh. Pinangako nya din kay mama na palagi nya akong samahan lalong-lalo’t nag-iisang anak lang ako. Parang kapatid ko na rin yang si Michael. Only child din kasi sya eh. Hay. Ano ba to?

“Oh? Eh bakit mag-isa kang umuwi?” Nagulat ako masyado ng lumabas si Michael sa bahay nila.

“Mike?” Bobo ko talaga! Ay hindi siguro si Michael yan! Picture lang siguro yan Hayley! Huwag kang tanga! “Mike.” Sabi ko ulit sabay papunta sa kanya.

“Asan si Jack? Bakit di ka nya hinatid?” Tanong nya sakin.

“Di na ako nagpahatid.” Sagot ko. “Michael, sorry ha? Sorry talaga. Ikaw naman kasi eh! Inasar mo naman ako kanina. Nainis ako tuloy! Di na kita pinansin. Pero seryoso, sorry talaga.” Napayuko ako.

“Ano ba namang sorry yan? May kasama pang panunumbat.” Sabi ni Michael. Makasabi, parang walang nangyari. Yan yung gusto ko kay Michael. Madali syang magpatawad. At the same time, yan din yung problema sa kanya. Inaabuso rin kasi minsan yung kabaitan nya ng ibang tao eh katulad nung ex girlfriend nyang si Maggie na napakapal ng mukha at make-up. Mukhang noodles yung buhok! Bobo pa! [wow nagsalita ang matalino] Ano bang nagustuhan ni Michael dun sa plastic na kutong lupang yun? Uso din love is blind ano? Sarap niyang tirisin pramis!

“Michael sorry na ha? Pramis!” Sabi ko sabay taas ng kanang kamay. Panunumpa sa Watawat lang ang peg? [joke yun]

“Pramis saan?” Tinaasan nya ako ng kilay. May kasama pang smirk. Shet! Pogi rin naman tong bespren ko kahit paano. GWAPO?! Ano ba tong iniisip ko?! Mygad Hayley no no no no no.

“Pramis! Sabay na tayong uuwi palagi! Pramis! Ikaw lang at wala ng iba!” Buong puso kong sinabi. Wow! Buong puso! Big wordssss!

“Totoo ba yan? Sincere ba yan?” Si Michael talaga! Seryoso na ako oh!

“Oo! Seryoso! Pramis talagang-talaga! Kaya sorry na. Please?” Trying to be charming po ako kahit di ako bagay! Sige lang! Para sa ikaaayos namin ni bespren.

“Nagdududa pa ako eh.” Paloko nyang sinabi. “Pramis mo din sakin na palagi tayong magkasamaha ha? Kahit anong mangyari? Pwede bay un?” Tanong nya sakin.

“Sige. Pramis! Palagi tayong magkasama kahit anong mangyari. Basta walang iwanan, okay?” Promise ko sa kanya with matching ngiti. Inilabas ko ang hinliliit ko for pinky swear. Parang mga bata llang ah. Ganyan talaga kami pagnagpa-pramis eh. Ewan. Medyo sincere lang talaga kami sa mga promises namin eh.

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon